"Don't laugh!" Naiinis na utos ko kay Kris habang kausap siya sa phone. Instead na tumigil ay lalo pang lumakas ang tawa nito which irritated me more. "Para ka kasing lalaki. Insensitive!" Napanguso ako. Eh, anong gagawin ko? Ngayon ko lang nakita yung ganoong side ni Star na nagseselos. Hindi ko tuloy alam kung paano siya susuyuin. Napabuntong-hininga ako, ilang beses na yata akong nakahinga ng malalim. "Ano ba kasing gagawin ko?" "Suyuin mo nga kasi." Tatawa-tawang sagot ng kausap ko. "Paulit-ulit na tayo." "Eh, paano nga?" Nawawalan na ako ng katinuan dito. Hindi ko alam gagawin ko. "Alam mo 'yan. Relax lang kasi para may maisip ka. Ikaw ang mas nakakakilala sa kanya, alam kong may maiisip ka." "Wala, eh." "Oh, edi hindi kayo magbabati." pinal na sagot niya. "Hindi naman kami na

