"She's doing well, that's all I can assure you." She looked at her notes, probably checking her schedule, at ngumiti sa amin ni Star. "Pansin naman natin ang improvements, right?" Nagkatinginan kami ni Star at sabay na ngumiti. Ibinalik ko ang tingin kay Doktora at tumango. "Salamat po." Tinaas-baba niya ang balikat at kumindat sa amin. "Tungkulin ko 'yon. Sige na, mauna na kayo at may aasikasuhin lang ako." "Ayaw ninyo po bang sumama sa amin? Lagi ka na lang natanggi, Dok." Sabi ko na may bahid ng panunukso. Sa tuwing ini-invite kasi namin siya na lumabas o makipag-hang out, eh, lagi na lang siyang may inaasikaso o kaya imi-meet na tao. "I'm sorry, busy lang talaga." Napatingin siya sa relo niya at nginitian kami. "Next time sasama ako. Pakisabi na lang kay Kris na hello." "Hello lan

