“Are you sure na hindi ka mag i-stay dito for over night? Marami pa namang mga bakanteng kwarto dito.” tanong ni Alleo sa kaniya habang kasalukuyan lang silang dalawa na nasa harapan ngayon ng pintuan ng bahay nito. Halos maga alas-nuebe na ng gabi ng mga oras na ‘yun. Magkakasunod na pag iling na lang ng kaniyang ulo ang ginawa niya bago niya sagutin ang matandang kaibigan, “Yes. I’m fine. May kailangan pa akong asikasuhin bukas sa kompanya, pero siyempre babalik din ako bukas. Pwede na kayong mag umpisa ni Belle kahit wala pa ako,” walang emosyon na sagot niya. Napag-desisyunan kasi ni Hellmohr na ibilin o iwanan na lang si Belle doon sa rancho sa pangangalaga ng matandang lalaki. Mas makakabuti rin naman ‘yun sa kanilang dalawa ng dalaga. Kung iiwanan niya doon si Belle, mas mapapa ag

