KINABUKASAN HALOS mag-iisang oras na si Hellmohr sa loob ng kaniyang opisina. Maliban sa mga security guard ng buong kompanya at ilang mga empleyado doon, ay pumasok din siya ng araw ng linggo. Alam niya na kailangan niya rin ang kaniyang sekretarya na si Hubert ng mga sandaling ‘yon ngunit dahil aalis din naman siya kaya hindi na siya nag abala na papasukin pa ito. Katulad nga nang plano niya, wala naman siyang balak na mag tagal doon dahil nangako siya na babalik din siya sa rancho ng matandang Alleo. May mga kinuha lang siya na mga papeles at tinapos niya na ang mga dapat niyang pirmahan. Ngunit makalipas ang halos ilang minuto, kung saan ay malapit na sana siyang matapos ay bigla naman na napa-angat ang kaniyang paningin sa may nakasaradong pintuan ng kaniyang opisina nang marinig ni

