“Hmmm. She’s pretty good at it, huh. Kahapon lang siya nagsimula, hindi ba?” tanong ni Lucan sa kaniya habang nakasakay pa rin sila ngayon sa kotse niya. Kasalukuyan na silang papasok na sa mismong parking area kung saan ay natanaw nga nila mula sa may hindi kalayuan ang dalaga na nag e-ensayo na ng mga sandaling ‘yun habang nakabantay dito ang matandang Alleo. Wala sa sarili na ibinaling nga ni Hellmohr ang tingin niya kung saan doon din nakatingin si Lucan. Nakita nga mismo ng dalawang mata niya ang pag gamit ni Belle ng katana. “Yeah,” simpleng sagot na lang niya sa kaibigan saka ibinalik na ang kaniyang atensyon sa pagmamaneho. “She’s good,” narinig niya pang saad ni Lucan pero that time ay hindi na siya nag abala pa na sagutin ito pabalik. Hindi na rin naman nag tagal at inihinto

