NANG makarating na si Hellmohr sa bahay ni Lucan ng hapon na ‘yun ay hindi niya maiwasan na matigilan ng konti. Ang inaasahan niya kasi ay si Lucan at si Eiji lang ang inaasahan niya na makikita niya sa sala ng bahay ng kaibigan pero ngayon ay nandoon na rin si Hisae. Nakasuot ito ng white long sleeves na polo na nakatupi pa hanggang sa may siko ang manggas, halatang kaka-off pa lang nito sa ospital dahil natanaw niya rin sa may gilid ng couch ang puting lab coat nito. “You’re late,” wika ni Hisae sa kaniya dahil ito rin ang unang nakapansin sa pag dating niya. Abala kasi ang dalawa niyang kaibigan na lalaki sa paglalaro nito ng cellphone kaya hindi napansin ng dalawa ang pag dating niya sa sala. Hindi na lang siya umimik pa sa sinabi ng dalaga. Late naman kasi talaga siyang nakarating s

