“ANYWAYS,anong balita sa pinapalakad ko sayo? Nakausap mo na ba si Hellmohr?” biglang tanong sa kaniya ni Celeste pagkaraan lang ng ilang segundo na katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Muling tinanggal niya ang lollipop sa kaniyang bibig at hinanda niya na nga ang kaniyang sasabihin sa kaibigan. Ito na nga ba ang sinasabi niya, eh. Magtatanong na nga si Celeste ng update tungkol sa napag-usapan nilang dalawa kagabi. Hindi niya tuloy alam kung anong sasabihin niya, ngayon pa na mukhang pursigido nga ang kaibigan niya na mahanap ang babaeng ‘yon. “Hindi ko nakausap si Hellmohr, eh...” pa unang saad niya sa kaibigan kung saan ay agad na nakita niya ang pagkakakunot ng noo ni Celeste, napatigil din ito sa pag inom sa alak na hawak-hawak nito kaya naman hindi niya na hinintay pa ang sasabih

