NAGISING si Hellmohr mula sa kaniyang pagkakahimbing na pagtulog. Agad niyang ibinaling sa may basag na bintana ng kwarto niya ang kaniyang paningin kung saan ay doon niya nga nakita na mataas na ang sikat ng araw. Hindi na nga siya nag dalawang isip na bumangon na sa kaniyang pinaghihigaan na kama. Walang salita na tinanggal niya sa kaniyang kamay ang suot niyang wrist watch at ipinatong ‘yun sa may lumang bed side table saka tuluyan nang tumayo mula sa kama niya. Agad niyang nilapitan ang malaking paper bag na nakapatong sa may lumang upuan at saka siya nag hanap doon ng kaniyang susuotin. Balak na kasi niyang maligo. Sa kaniyang paghahanap sa mga simpleng damit na nakapaloob doon sa paper bag na binili nila kahapon ni Belle ay may nakita naman siya doon na isang gray short na may tali

