MABILIS lang lumipas ang araw sa isla. Kasalukuyan lang na nakahiga na si Hellmohr sa kama nito at mahimbing na natutulog. Masyadong mababaw ang tulog ng binata kaya agad siyang naalimpungatan. Doon niya narinig ang unti-unting pag bukas ng pintuan ng kwarto niya. Dahil luma na ang pintuan na ‘yon kaya naman nagbigay ‘yun nang lumalangingit na tunog na para bang may binubuksan na kabinet pero mahina lang ‘yon. Kung malalim ang pagkakatulog niya ay siguradong hindi siya agad magigising. Awtomatikong naimulat niya ang mga mata niya at dahan-dahan siyang napakunot ng noo. Madilim sa loob ng kwarto niya at tanging ang sinag lang ng buwan sa labas ng basag na bintana ng silid na ‘yon ang nag bibigay ng liwanag sa kabuuan ng kwarto. Idagdag pa na nakatalikod siya ngayon sa may pintuan kaya nama

