HALOS alas-singko na nang umaga nang matapos ang pag-uusap ni Hellmohr at nang matandang Alleo, ipinaliwanag kasi ni Mohr nang mas malinaw sa matanda kung bakit niya nga ba ginagawa ‘yon para maintindihan siya nito. Alam niyang hindi man aminin ni Alleo ay sigurado siya na naiintindihan siya ng kaibigan sa gusto niyang gawin at sa mga balak at plano niya kay Belle. Buong-buo ang pagtitiwala niya sa matanda kaya niya nasasabi rito ng detelyado ang mga plano niya, isa pa... si Alleo lang ang nakakaalam nang lahat-lahat tungkol sa kaniya. Nagsisimula nang sumikat ang araw kaya medyo`lumiliwanag na nang unti-unti sa labas. “Oh siya sige, wala kang maririnig sa akin na pagtutol sa mga balak mo Hellmohr...” pa unang saad sa kaniya ni Alleo sa mahina pero seryosong tono nang pananalita nito. “

