AWTOMATIKONG napa-angat ang paningin ni Hellmohr nang mahihina at sunod-sunod na pagkatok sa labas ng pintuan ng opisina niya ang narinig niya. “Come in,” mahinang wika niya. Sinadya niya muna na tanggalin ang kaniyang atensyon sa binabasa niyang mga dokumento upang batuhan nang tingin kung sino ang papasok sa opisina niya. Hindi nag tagal ay unti-unti na ngang bumukas ang pinto at doon bumungad sa kaniyang mga mata ang kaniyang sekretarya na si Hubert. Nakasuot ito ng usual lang na damit nito sa kompanya niya, black coat and pants and white na long sleeves sa loob ng suit nito. Black neckties and black leather shoes. May bitbit ito lagi na IPad na kailangan lagi sa trabaho nito bilang sekretarya niya. Lalaki ang sekretarya niya dahil sa dalawang dahilan. Ang unang dahilan ay dahil lagi

