Hindi maiwasan ni Belle na ilibot niya ang kaniyang paningin sa bahay na kanilang pinasukan dahil namamangha siya dito. Kahit madumi at maalikabok ang mga gamit na nakikita niya at halatang mga luma na ‘yun ay alam naman niyang malaki ang halaga ng mga ito. Pagkatanaw niya sa may sala ay doon naman niya natanaw ang sofa set na may balot pa ng puting kumot. “K-kaninong bahay ‘to?” Hindi na naman niya mapigilan na itanong ‘yun kay Hellmohr nang maramdaman niya na ang pag lapit ng binata sa kaniyang likuran. “Huwag ka ng maraming tanong.” masungit at walang emosyon na sagot sa kaniya ni Mohr nang ibaling nito sa kaniya ang tingin kung saan ay medyo malapit ang mukha nito sa mukha niya dahil nga nakatayo na sa may gilid niya ngayon ang binata. At dahil halos isang dangkal lang ang layo ng m

