Kapansin-pansin na natahimik ang mga tindera at tindero sa bayan na nakakita sa paparating na si Hellmohr. Nasa binata lang mga mata ng tao lalo na sa mga taong nakakakilala kay Mohr. Kung walang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha ni Hellmohr ng mga sandaling ‘yon, hindi naman maiwasan ni Belle na ilibot ang kaniyang paningin sa maliit na bayan na kaniyang nakikita. Kung tutuusin, hindi niya nga matatawag na bayan ‘yon dahil wala naman siyang nakikita na mga bahay. Para lang ‘yun maliit na palengke o night market na may mga stall na gawa sa kawayan at ‘yung iba naman ay halos walang bubong na masisilungan. Bawat gilid ay may nagtitinda ng iba’t-ibang klase ng pagkain sa kahoy na nagsisilbing simpleng lamesa. May iba’t-ibang klase ng mga gulay, isda, karne, mga gamit sa bahay, mga d

