Introduction
Kim POV.
Kakagising kulang at pababa nang hagdan ngunit hindi pako nakakababa ay may umakit na nang mata ko.
Nakatayo siya malapit sa pintuan.
Naka suit siya nang dark blue ibang kulay sa nakasanayan kong kulay na mga bodyguard na kasama ni mama at papa.
Habang pababa ako ay pinag masdan ko siya.
Matangkad, Moreno, Matangos ang ilong at may itim na itim na bagsak na buhok na mas lalong nag pa gwapo sakanya.
"Ohh Anak gising kana pala halika at sumabay kanang mag breakfast samin nang mama mo." Tawag sakin ni papa nang makita niya akong pababa sa hagdan
Kaya dali dali akong bumaba at dumiretso kay papa para bumeso.
"Ohh Ohayou Gozaimasu baby." Bati sakin ni mama kaya agad akong lumapit sakanya para humalik
"Maupo kana at kumain na tayo." Saad ni mama kaya naupo nako at kumuha nang makakain.
"Itadakimasu." Sabay sabay naming saad saka kumain.
Habang kumakain ay diko maiwasang mapalingon sa lalaking nasa pinto at alam kong pansin nayon ni mama dahil pati siya ay naka lingon kung san ako naka tingin.
"Do you like him?" Bulong na saad ni mama
"No mama it just that na parang hindi siya pamilyar tapos iba yung suot niya compared dun sa mga bodyguard niyo ni papa." Mahaba kong paliwanag
"Are you sure?" Pabiro niyang tanong
"Yes ma."
"That boy is Zacheus first class bodyguard from seiryoku clan." Saad ni mama
Pansin kong nakikinig nadin si papa kaya ilang saglit pa ay nakisali nadin siya.
"He's one of my best students in japan and I hire him to be your Bodyguard."
Pagkasabing yun ni papa ay bigla kong naibuga yung iniinom kong juice.
"Bodyguard kupo pa?"
"Oo ganun na nga diba ngayon ang first day of class niyo? Isama mo siya."
"Pero pa?"
"Walang pero pero."
Wala nakong nagawa at kumain nalang nang kumain.
Pagkatapos ko ay agad din akong nag bihis at bumaba pero pag baba ko ay naka abang nayung bodyguard ko sa pinto.
Kumikinang siya sa paningin ko dahil sa sinag nang araw mula sa labas.
Ang gwapo niya...
Nang maka baba nako ay agad niyang hinawakan ang kamay ko.
Mainit ang kamay niya at malambot, amoy kudin sa kinatatayuan ko ang bango niya.
"Hajimemashite Ohayou Gozaimasu Ms. kim." Pormal niya bati sakin sabay yuko bilang pag galang
"Hai Ohayou Gozaimasu Zacheus." Bati kudin sakanya
Agad niya din akong pinag buksan nang pinto nang kotse at hinintay na maka pasok doon.
Pagkasara niya nang pinto ay agad din siyang sumakay sa likod.
"Ohayou Gozaimasu Ms. kim alis napo tayo?" Tanong ni Joana
Tumango ako kay joana at pinaadar na ang kotse.
Saglit lang ay naka rating na kami sa School pero bago pako maka baba ay napag buksan nako nang pinto ni Zacheus.
At nang araw nayon nag simula ang aming kwento...