CHAPTER 2

820 Words
Nagising ako ng may kumatok sa pinto ko. Narinig ko naman ang boses ni hassi n tinatawag ako para kumain na daw. "Ate baba na daw kakain na!" Sigaw nito sa aken at agad naman akong bumangon. "Oo na ito na hihilamos lang ako" at sinilip ko naman agad ang bintana ko nakita kong gabi na nga. Dumiretso ako sa cr at naghilamos. Pagkatapos non bumaba na agad ako at nadatnan ko sila sa hapag pero wala si dad, siguro nasa trabaho pa. "Umupo kana anak kumain na tayo" sabi ni mommy saken, kaya umupo nako sa tabi ni grace. Habang kumakain ay may naisip ko agad itanong kay Mom kung saan ako papasok bukas. Pasukan na bukas pero di ko pa din alam paaralan ko kung saan jusko ka Yatziri. Tinapos ko muna ang pagsubo ko at tinanong si mommy. "Mom, saan po pala ako papasok bukas?" tanong ko dito at napatingin naman silang tatlo sa akin. "Ay oo nga pala, sa Defobre Univeristy kayo tatlong aaral para magkasama kayo doon." sagot naman neto saken. "Defobre?" Sabay na sabi naming tatlo at tumango naman ang aming ina. "Yes Defobre University, have a problem?" Tanong nya naman sa amin. "Nothing" sagot nung dalawa pero ako tumahimik nalang. Pagkatapos kumain ay umakyat na ako sa kwarto at humiga. Kinuha ko ang cellphone ko at chineck ang notifications ko. Pero wala namang nagbago ganon pa din mga notif na mga walang kwentang bagay haynako. Ilang oras na kong nakahiga dito pero hindi pa rin ako makatulog kaya napag isipan ko nalang na pumunta sa terrace. Pagkarating ko sa terrace tumingala agad ako at tumingin sa mga bituin. Tinaas ko ang aking kamay at parang pinagdudugtong ko ito para makagawa ng isang porma at nakagawa nga ako ng isda. Napatawa tuloy ako ng mahina. Habang nakatayo ako doon ay may nakita akong isang anino sa puno na nakaharap sa bahay namen. Ito ay naka hoodie at nakatingin sa akin, bigla naman akong kinilabutan. Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko ng bigla itong naglakad paharap at ngumisi. Nakakatakot huhu mama, pumikit ako at pagmulat ko ng mga mata ko wala na sya. Mamaya ay pumasok na agad ako sa kwarto at natulog. Nagising ako nung marinig ko ang lakas na pag alarm, sa sobrang inis ko tinapon ko ito. Arghh kulang pa ko sa tulog, anong oras nako nakatulog kagabi dahil sa lalaking yon na nakita ko. Naalala ko naman ang pag ngisi nya at nagsitayuan nanaman ang mga balahibo ko. Pumasok na agad ako sa cr upang gawin ang routine ko. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis agad ako at sinuot ang aking dress na pula na medyo fitted sa katawan ko at nagheels din ng kulay silver. Inayos ko ang mukha ko nagpulbo ako at kaunting liptint lang kasi hindi naman ako masyado mahilig sa make up. Pagkababa ko nakita ko na din na pababa na rin ang dalawa at papunta na rin sa mesa upang mag umagahan. And it's already 6:00am at 7:00am pa naman ang klase naman siguro matatagalan din kasi may flag ceremony pa. Tahimik kaming kumakain at walang nagdadaldalan. Wala pa din si dad at siguro naman ay umalis na si mom papuntang trabaho kasi wala din siya dito kaming tatlo lang. Nang matapos kaming tatlo ay pumunta na agad kami sa kotse at umalis. Inaantok pa ko kaya pa pikit pikit ang mata ko. "Grace pwede mo ba akong gisingin pag nasa university na tayo?" sabi ko kay grace. Nagtataka naman ako nilang tinignan ni hassi. "Inaantok pa kasi ako masyado pang maaga" dugtong ko kaya napatango nalang si grace. Naalimpungatan ako ng may umaalog saken at nakita ko si grace na nakangiti ng malapad sa akin. Inayos ko muna ang aking mukha baka may mga muta pa ako pagbaba ko sa kotse eh nakakahiya. Pagbukas ko ng kotse ay namangha ako sa sobrang laki ng university na ito, kasi as in super duper laki nya. Pumasok na agad kami sa university at ang daming tao sa field siguro dito gaganapin ang flag ceremony. Nagsimula na ang flag ceremony at ang iingay ng mga tao sa paligid na akala mo ay walang mga guro sa harapan nila. Ako naman ay ngalay na ngalay na sa kakatayo dito. Maya maya lang ay nagsalita ang matanda sa harapan na umalingangaw sa buong field ang kanyang boses. "Goodmorning students and welcome to Defobre University, I am Suzane Alviz at ako ang Principal sa school na ito. Wala na akong madaming sasabihin pa kasi alam kong naeexcite na kayo makilala ang isa't isa at magkaroon ng bagong kaibigan. I hope you will enjoy your stay here in our school at pwede na kayong bumalik sa kanya kanya nyong klase." Pagkatapos nyang sabihin yon ay ngumiti sya at umalis sa harapan. ___________________________________________ I hope you enjoy reading!!!! Sorry kung maikli sa part na to. Don't forget to comment your thoughts and vote!! Lovelots♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD