Naglalakad akong mag isa dito sa corridor dahil iniwan ako ng dalawang magaling kong kapatid.
Nalaman lang section nila iniwan na agad ako mga bwesit.
Ang tagal ko na dito sa hallway pero hanggang ngayon di ko pa rin nakikita ang classroom ko.
Naliligaw na ata ako, kaya naisipan kong magtanong sa babaeng nakasalamin na i think nerd siya.
"Ahm hi po" sabi ko dito at napatingin naman siya sa akin.
"Hello po, ano po yon?" Sagot nya sa akin at maganda naman siya kahit nakasalamin siya.
"Magtatanong lang po sana ako kung saang banda po ang department or classroom ng Grade10 section A?" sabi ko dito at natigilan siya.
Tinignan nya ako mulo ulo hanggang paa at muling tinaas ang paningin nya saken.
Tumaas ang kilay ko sa kanya, hindi ba halata sakin na nagsasabi ako ng totoo?
"Ah Grade10 section A ka pala, magkaklase tayo dahil doon din ako" sabi nito.
Halata namang doon siyang section.
Habang naglalakad kaming dalawa ay ineexplain nya sakin kung anong mga department ang nadadaanan namin or kung saan ang mga cafeteria. Para tuloy siyang tourguide ko.
"Sa kabilang building naman yon ay department ng mga engineer" sabi nito saken at tinignan ko naman ito.
Huminto kami sa isang building at sa pinto na nakasarado at parang nagka klase na.
Sa loob at nakaramdam ako ng hiya ngayon kasi late ako first day of school pa lang. Kasalanan ko bang naligaw ako tsk.
Kumatok si nerdy sa pinto, nerdy na tawag ko kasi di ko pa alam name niya eh mamaya nalang.
Pagkabukas ng pinto ay tumambad sa harapan namen ang isang babaeng may edad na at nakataas ang kilay, wow taray teh.
"Why the two of you are late?" tanong nito na nakataas pa rin ang kilay.
"Kasi po Prof ano po-" napatigil si nerdy ng pagsasalita nung sumabat ako.
"Kasi po sinamahan niya po ako naliligaw po kasi ako kanina tas nakita ko po siya at niyaya na umikot po muna" sabi ko sa prof na mukhang nakumbinse naman sa sagot ko.
"Okay, pumasok na kayong dalawa sa klase at maghanap ng upuan ninyo" sabi nito.
Pagpasok namen ay kita kong may tatlo pang bakanteng upuan sa likuran kaya doon na kami dumiretso ni nerdy.
Habang papunta kaming dalawa sa likuran ay nakikita ko ang mga kaklase namin na nagbubulong bulungan, problema nila? Doh.
Nagturo na ang prof namin at ang dami niyang sinasabi pero ako nakatunganga lang kasi wala akong maintindihan lalo na at antok pa ko.
Habang nagtuturo ang prof ay biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang lalake.
Dire diretso itong umupo sa tabi ko at yumuko sa desk niya. Bastos naman ng lalaking to.
"Bakit ngayon ka lang Mr. Terrel Dominique Mexico?" Tanong ng prof namin sa lalakeng to, so Terrel pala name nya sounds good.
"Bakit? May problema ka ba?" sagot naman ng lalaking katabi ko na which is Terrel.
Napanganga nalang kami sa sagot nito at ang prof naman namen ay mukhang galit na galit na at nagtitimpi ito.
"At may gana ka pa talagang sumagot!?" Sigaw ng prof namin pero hindi man lang natinag ang lalaking to.
Snagot nya pa ito na lalong ikainit ng ulo ng matandang nasa harapan niya.
"Pasalamat ka pa nga pumasok ako sa boring na klase mo" napapaypay ng kamay ang prof namin sa sobrang galit nya.
"Get out now Mr. Mexico!" Sigaw nito at tumayo naman si Terrel.
"Okay then." Sagot neto.
O.m.g punyeta di man lang sya natakot sa sobrang galit na prof.
Baka kung ako yon umiyak nako char HAHAHAAHHAAHA.
Pero nakakatawa mukha ng prof namin ang pula na teh mukhang kamatis na syang hinog HAHAHHAHAHAHAH.
"Sumosobra na talaga ang batang yon" rinig kong sabi ng prof namen at bumalik na sya aming harapan.
"Okay, class dismissed." sabi nito at nagsigawan naman ang lahat.
"Ayonnn oh breaktime na"
"Hoy tara na"
"Breaktime na tara"
Yan ang mga naririnig kong sigaw sa classroom, biglang lumapit saken si nerdy.
"Hi, tara na breaktime na punta tayong cafeteria." sabi nito saken kaya tumayo na din ako.
Lumabas kaming dalawa at bigla siyang nagsalita.
"Btw ako nga pala Pat Smith" sabi nito saken na hindi man lang lumingon sa akin, kaya nagpakilala na din ako.
"I'm Yatziri Aice Kassian, pwede mo din akong tawaging yatz kasi yan ang tawag ng karamihan sa akin" pagpapakilala ko sa kanya.
Pagpasok namin sa cafeteria at madami ng tao, puno ito at iilan nalang ang mesa na walang tao.
Nakita namin na may mesa sa dulo kaya sinabi ko sa kanya na doon nalang kami dalawa.
"Ako na ang oorder, ano gusto mo?" Tanong naman sa akin ni Pat.
"Spaghetti and coke nalang sa akin" sabi ko dito.
Kumuha ng perang pambayad at inabot ko sa kanya pero tinanggihan nya ito.
"Wag na ako na ang babayad, hintayin mo ako jan" sabi nito.
Napatingin nalang ako sa kanyang likuran habang papalapit na siya sa counter.
Habang hinihintay ko siya ay inilibot ko ang aking paningin sa paligid at nakita ko ang isang lalakeng nakatingin saken.
Ngumiti naman siya sa akin at sinuklian ko rin ito ng isang ngiti.
Mamaya lang may pumunta sa aking babae at hindi ko sya kilala.
Parang syang galet na ewan kasi namumula siya ng galit habang nakatingin saken pero hindi ko naman siya kilala weird.
_______________________
Omg, ano kaya ang mangyayare?hehehhehe
Don't forget to comment to your thoughts and vote!! Lovelots♥️