Pagkapasok ko sa bahay ay agad ko namang nakita si Mommy na nakaupo sa sofa.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong nito saken na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
"Kasi po may mga basagulero don sa labas mommy bigla akong hinarang so ayon napalabas ko tuloy talento ko" sagot ko naman dito.
At dumiretso na sa aking kwarto.
Pagdating ko sa kwarto ko ay humiga ako napahawak sa kwintas na suot ko.
Hindi ko maalala kung saan ko nakuha ito.
Pero sabi naman ni Dad ay bigay daw ito nung 10yrs old ako kaya hindi ko na tinanong pa ulit.
Pero sa tuwing hahawakan ko tong kwintas ko ay may pumapasok na alaala sa aking isipan.
Pero hindi ko ito makita ng maayos kasi hindi iyon malinaw.
Naramdaman ko naman na biglang sumakit ang ulo ko.
"Ziri, may bibigay ako sayo pikit ka"
sabi ng batang lalaki sa babaeng kaharap niya.
"Bakit pa ko pipikit eh pwede mo naman bigay sakin ng nakamulat ako" mataray nitong sabi sa batang lalaki.
"Eh basta kasi pumikit kana"
Wala namang nagawa ang batang babae kaya agad niyang pinikit ang kanyang mga mata.
Naramdaman niya nalang na may malamig na bagay sa kanyang leeg.
At nung hawakan nya isa itong kwintas na ang disenyo ay infinity.
"Hala ang ganda naman nito" sabi ng batang babae.
Napangiti naman ang batang lalaki.
"Eh ako wala ako ibibigay sayo, hindi ko naman kasi alam na may ibibigay ka saken terter eh" nakanguso na sabi ng batang babae.
"Okay lang naman eh, basta ang kwintas na yan ang sumisimbolo na ikaw ang babaeng gusto kong pakasalan" sabi ng batang lalaki sa kanya.
Kaya namula naman ang pisnge ng batang babae.
"Ikaw talaga andami mong alam, bata pa tayo mag aral muna tayo mabuti at mag tapos" sabi ng batang babae.
Kaya napanguso naman ang lalake.
Bigla nalang silang may narinig na tinatawag na ang batang lalake.
Dahil ito ay tinatawag na dahil aalis ang mga ito ng kanyang pamilya at pupunta sa ibang bansa.
"Terter ito nalang sayo oh" binigay ng batang babae ang kanyang bracelet sa batang lalake kaya napangiti naman ito.
"Sige na aalis na kami ziri, babalik ako pangako magpapakasal pa tayo ha" sabi nito sa batang babae.
Nag pinky swear pa silang dalawa.
Pagkatapos non ay tuluyan ng umalis ang batang lalaki.
Naiwan ang batang babae sa playground na umiiyak.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
Sino kaya ang mga batang yon?
Wala akong nakikita na mga imahe kundi mga boses lang.
Posible kayang ako yon?
Sa kakaisip ko ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
_______
Nagising ako sa ingay sa pinto ko kasi kanina pa may kumakatok.
"Ate ano ba anong oras na malalate na tayo!!" sigaw ni grace.
Ang ingay talaga ng babaeng to sarap sampigahin ng bunganga.
"Oo na oo na eto na ang ingay ng bunganga mong bruha ka" sigaw ko naman dito pabalik.
At pumasok na sa banyo upang maligo.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na agad ako at nag ayos ng mukha.
Bumaba na agad ako at sumabay na mag almusal.
"Ate alam mo ba yung pakipag aaway mo kahapon doon sa cafeteria ay kalat na sa buong campus" sabi ni hassi.
Kaya nabulunan naman ako, kumuha agad ako ng tubig at ininom ito.
"Ano? Bat naman magiging usap usapan yon sa buong campus aber?" nakataas kilay kong tanong sa kanya.
"Hindi mo ba kilala ang sinigawan mo kahapon!?" pasigaw naman na tanong sa akin ni grace.
"Hindi, at wala akong balak alamin"
"Siya si Kyle Blaze Descov, at isang ganap na babaero sa school natin kaya lumayo layo ka don jusko"
"Oh ano namang gagawin ko? Wala akong pakialam don at wala akong balak alamin ang pagkatao niya" sabi ko dito at tumayo na kasi tapos nakong kumain.
Kinuha ko naman agad ang bag ko at pumasok na sa kotse habang hinihintay ang dalawa.
Nang dumating na sila ay agad ng pinaandar ni Mang Isko ang sasakyan patungol University.
Nang makarating kami sa University ay daming nakatingin sakin na para bang isa akong makasalanan na tao dahil nagbubulungan pa sila.
Hindi na nga ata bulungan yon kasi naririnig ko pa eh.
"Hala gurl diba sya yung kahapon na sinigawan si Baby Blaze?"
"Oo nga gurl sya, kapal ng mukha niyang awayin si baby Blaze natin hmp"
"Pabebe lang yan eh"
"Baka sa susunod landiin nya din si Blaze"
Anong lalandiin?
Kapal naman ng mga mukha ng mga to gaya pa ko sa tulad nilang mga malalandi.
Hindi ko na sila pinansin at dumiretso na ko sa classroom at umupo na sa upuan ko.
Nagbabasa ako ng notes ko ng biglang may humablot dito at nakita ko nanaman ang clown na yon.
"Kaklase pala kita clown" sabi ko dito na agad naman niyang ikinagalit.
Pikon pala tong clown na to.
"Ako clown!?" dinuro nya pa ang mukha nya, omg hindi ba halata.
"Oo ikaw clown ka"
"Sa ganda kong to clown? Kapal naman ng mukha mong transferee ka" sigaw nito sa akin.
Parang puputok na ang ugat sa leeg.
"Pwede ba wag mo kong sigawan ang baho ng hininga mo, nag toothbrush ka ba?" nandidiri kong sabi dito.
Kaya naman galit na galit na siya ngayon, as if i care pikon.
Bigla namang nagsitawanan ang mga kaklase ko.
Kaya yung clown bigla akong sinugod pahiya ka gurl.
Hinawakan niya ang buhok ko kaya napatayo naman ako, hinawan ko din ng mahigpit ang buhok niya at sinusubsob siya sa desk ng upuan.
Mas matangkad ako sa kanya kaya mabilis lang talaga masubso ang clown na to sa upuan bwesit sya aga aga bbwesitin ako.
Napahiga na kaming dalawa sa sahig at ako ang nasa ibabaw nito pinagsasampal ko ng isang kamay ko.
Ang panget niyang mukha habang sya naman ay nakasabunot pa din sa buhok ko.
Naririnig ko na ang mga sigawan ng kaklase ko at nagpupustahan pa sila.
Mga bwesit ba to hindi man lang pumigil.
"Sa transferee ako 100"
"Sa transferee din ako 1000"
"Kay Hadi ako 20"
"Kay transferee ako 1million"
Hadi pala pangalan ng clown na to ang ampanget kasing panget niya.
Mamaya nalang may sumigaw na andyan na daw ang teacher namin.
Pero kami ni Clown ay nagsasabunutan pa rin.
Pagkapasok ni sir sa classroom ay bigla siyang pumagitna samin at pinipigilan kami.
Bigla namang umiyak si clown at nagpapaawa.
"Sir sya po yung nag simula, dinepensahan ko lang po yung sarili ko sir" sabi ng clown na to kaya tinignan naman ako ni sir.
"Ikaw, kabago bago mo palang dito nakikipag sabunutan ka na agad" sigaw saken ni sir.
Kaya nainis naman ako kasi wala naman siyang alam pero sinisisi na ako.
"Sir sya po talaga ang nanguna promise po sinabunutan niya po ako bigla wala naman po akong ginagawa" humihikbing sabi ni clown.
"Ms. Kassian go to the detention room now!"
Kukunin ko na sana ang bag ko at lalabas ng bigla akong pinigilan ni Terrel.
"And why she is just the only one going to the detention room?" malamig nitong sa teacher namin.
"May I ask you sir?" sabi ulit nito sa guro namin.
"Y-yes? What is it?" kinakabahang tanong nito.
Bakit naman siya kakabahan sa isang estudyante tsk.
Pero sabagay nakakatakot talaga magsalita ang lalaking to.
"Did you have seen everything that happened from the beginning?" tanong nito sa guro namin na ikinatihimik nito at hindi na nakasagot.
"See, you have never seen anything from the beginning pero kung makasigaw ka at makapag utos ka na pumunta sya sa detention room ay parang nakita mo ang lahat ng nangyare"
Napayuko nalang ang guro namin at bigla nalang akong hinila ni Terrel at sabay kaming lumabas sa classroom.