Itinuro niya ang sarili tapos itinuro niya ito. Inulit niya iyon ng dalawang beses at habang ginagawa iyon at lumalalim nang lumalalim ang kunot-noo niya.
Sila? Mag-asawa? Imposible!
"Doc, nampa-prank ka po ba?" tanong niya sa lalaki na nakakunot-noo rin na pinapanuod ang ginagawa niya.
"I've told you, I'm not a doctor," seryoso nitong sabi.
"Doc, mas paniniwalaan ko pang doktor ka kesa doon sa sinabi mong mag-asawa tayo. Besides, kahit po may amnesia ako, sigurado po akong hindi ako papatol sa lalaking tulad ko lalo na ang magpakasal dito."
Pinagtaasan siya ng kilay ng lalaki.
"Stop calling me Doc, will you? At may amnesia ka nga. Hindi mo na matandaan kung gaano ka na-obsess sa akin," malamig na sabi nito. Tatawa sana siya pero nagkasalubong ang mga mata nila kaya nalunok na lang niya iyong tawa niya.
"Ako po? Obsessed sa'yo? Imposible," pabulong niyang sinambit ang huling kataga pero narinig pa rin iyon ng lalaki.
"At bakit mo sinasabing imposible? Ganon na ba ako katanda o kapangit para hindi mo magustuhan? Para hindi mo paniwalaan na once in your life ay na-obsess ka sa akin? Para hindi mo paniwalaan ang sinabi kong mag-asawa tayo?"
Gusto niyang sagutin ito ng oo pero nagpigil siya dahil baka masuntok na siya nito. Halatang kanina pa ito napipikon sa kanya. May high blood ba ito? Gwapo nga ito pero pangit naman ang ugali nito kaya paano siya mai-in love dito?
"Doc, sinasabi ko na po sa inyo, I'm not into men," pagpupumilit niya.
"Stop calling me Doc! Paano ka nakakatiyak kung may amnesia ka nga? Maybe you'll believe me when you see this."
Isang white envelope ang inilabas nito galing sa bulsa ng pantalon nito at mula doon ay may inilabas itong papel na binuklat nito at inabot sa kanya. Inabot niya ito at binasa. Mula ito sa Civil Registry ng... Greece. Greece? Doon sila ikinasal ng lalaking ito? Gusto niyang matawa. Ang sosyal naman nila kung sa Greece pa talaga sila ikinasal.
Muli niyang binasa ang dokumento. Naroon ang pangalan nilang dalawa at ang mga detalye nila. Naroon din ang petsa ng kasal nila na nangyari isang buwan bago ang aksidente niya. Pero nang makita niya ang blangkong espasyo sa tapat na dapat at kinalalagyan ng mga pangalan ng mga magulang niya, napatingin siya sa lalaki.
"B--bakit... walang pangalan ang... ang parents ko rito?" kinakabahang tanong niya.
Napatitig ito sa kanya at tila nakita niya ang pagkislap ng lungkot sa mga mata nito bago nito sinagot ang tanong niya.
"You're an orphan, Elijah. Lumaki ka sa bahay-ampunan."
Napalunok siya dahil namait ang panlasa niya. Bakit parang mas mahirap tanggapin iyon kesa ang katotohanang kasal nga sila ng lalaking nasa harapan niya.
"Ba--bahay-ampunan?" pag-uulit niya sa sinabi nito. Hindi niya namalayan na nakaupo na pala ang lalaki sa harapan niya.
"I'm sorry, Elijah. But that's your story. Umalis ka lang sa bahay-ampunan nang masunog ito. Matalino ka kaya nakapasok ka bilang scholar. Nag-aaral ka under a scholarship sponsored by my company."
Muli siyang napatingin sa lalaki. Hindi pala siya ang mayaman kundi ang asawa niya kaya may kotse siya.
"Business Administration ang course mo pero nagdesisyon kang tumigil muna noong ikasal tayo." Ilang beses siyang lumunok habang nakikinig sa kuwento nito tungkol sa buhay niya. Ang lungkot pala ng buhay niya kung lumaki siyang ulila. At iyon pala ang rason kung bakit wala man lang siyang kapamilyang dumadalaw sa kanya sa ospital.
"Paano... Paano kita naging asawa?"
Tumingin ito sa papel na hawak niya.
"You fell in love with me."
Nagdikit ang mga kilay niya. Bakit ba kanina pa nito ipinagpipilitan na in love siya rito? Siya ba talaga ang na-in love rito? Bakit parang hindi naman? Wala talaga sa itsura at personality nito na mai-in love siya rito kahit na sabihin na guwapo ito at maganda ang katawan.
"Tapos? Dahil lang mahal kita ay pinakasalan mo na ako?"
"Well, I fell in love with you too," malamig nitong tugon. Wala man lang ka-feelings-feelings ang pagkakasabi nito sa mga salitang iyon.
Gustong niyang matawa. Iyan ba ang in love? Iyong hindi man lang ito makatingin sa mga mata niya? Iyong parang nasusuka pa ito sa tuwing sinasabi nitong mahal siya nito?
Napapailing na lang siya at pagkatapos ay tinignan ang papel.
"30 ka na?"
"Yes. Why?"
"Ang layo pala ng age gap natin."
"Eleven years lang."
"Lang? Isang dekada pa rin iyon."
"Your point?"
Itinikom ni Elijah ang bibig niya. Kanina pa siya nito sinosopla. Kanina pa halatang asar na asar ito sa kanya. Gusto niya sanang sabayan ang pagiging sarcastic nito pero may mga dapat pa siyang malaman.
"Bakit nga pala ngayon ka lang pumunta rito? Kung namatay pala ako sa aksidente, nailibing na ako at lahat, wala ka pa rin."
Napahugot ito ng hininga sa sinabi niya.
"I'm sorry. Nasa abroad ako noong maaksidente ka. Nawala rin ang phone ko kaya hindi nila ako makontak. Actually, kahapon ko lang nalaman na naaksidente ka kaya ngayon lang ako nakapunta rito."
Tumaas ang kilay niya. Nawala ang phone nito? Nawala rin daw ang phone niya, di ba? Parang may mali. Parang mali ang kapalaran na pinagtagpo sila at ginawang mag-asawa.
"So anong balak mo ngayon?" pagtatanong niya sa asawa niya.
"Bring you home, of course." Kinuha na nito ang marriage certificate nila at muling inilagay sa white envelope.
"Gusto mo pa ring magsama tayo bilang mag-asawa kahit na hindi kita naaalala?" tanong niya rito.
"Yes," maikli nitong sagot na para ngang napipilitan lang ito.
Napabuntonghininga siya.
"Alam mo, hindi mo naman ako talaga kailangang pakisamahan pa lalo na at nakalimutan na kita. Baka nga hindi na kita maalala pa eh. Sabi ng doktor, possible daw iyon. Kesa naman ganyan." Napatingin ito sa kanya.
"Ganyan?" pag-uulit nito sa huling salitang binitawan niya.
"Oo, ganyan na parang napipilitan ka lang." Napatitig ito sa kanya na waring kinakabahan dahil sa ginagawa niyang pag-aaral sa mga emosyong nagdaraan sa mga mata nito.
"May amnesia ako pero malakas pa rin naman ang instinct ko. Lahat naman ng tao ay may common sense, di ba? Hindi naman nawawala iyon kahit may amnesia sila."
"What exactly do you mean, Elijah?" tila tinitimpi lang nito ang galit nito sa kanya sa pagbitaw nito sa tanong nito.
"Hindi mo ako mahal," diretso niyang sagot sa tanong nito. "Dahil kung mahal mo ako bilang asawa mo, dapat noong pumasok ka sa pinto niyakap mo na ako bago ka pa man nagpakilala. Dapat sinabi mo nang asawa kita bago pa man ako makapagtanong. Dapat nagkuwento ka na agad."
"May amnesia ka, Elijah! Of course kailangan muna kitang pakiramdaman! Hindi kita basta pwedeng yakapin at halikan!"
"Bakit nagagalit ka? Bakit naiinis ka?"
"Elijah..."
"Bakit wala kang suot na wedding ring? Bakit wala silang binibigay na wedding ring sa akin?"
"Elijah, please..."
"Bakit wala kang maipakitang picture nating dalawa?"
"Nawala nga ang phone ko, Elijah!"
"Pero may bago ka nang phone, hindi ba? Pupusta ako na wala ni isang picture ko ang naroroon. Kung meron, ibigay mo nga sa akin ang phone mo." Natahimik ito habang nakatitig sa kanya.
"Hindi mo ako mahal. Yung dokumentong ipinakita mo? Fake iyon, hindi ba? Ilang buwan na akong naririto. Halos isang buwan na akong gising at nagpapagaling. Kahit sabihin mong nasa abroad ka, hindi ka ba natakot na ilang buwan na pero hindi mo pa rin makontak ang asawa mong mahal na mahal mo kamo?"
Nang wala na itong masabi ay itinuro niya ang pinto.
"Lumabas ka na. Kung sino ka man, itigil mo na ang binabalak mo. May amnesia ako pero hindi ako bobo."
"Hear me out, Elijah. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa'yo but believe me, kahapon ko lang nalaman na naaksidente ka kaya nagmamadali akong nagpunta dito. All I know is nagagalit ka dahil umalis ako at hindi kita isinama. All I know is nagtatampo ka lang at magkakausap din tayo pag-uwi ko."
May tampo ba na tumatagal ng ilang buwan?
"I know you. Tumatagal ng ilang buwan kapag nagtatampo ka." Parang nabasa nito ang iniisip niya kaya ganon ang sinabi nito.
"My little brother...."
Napatingin siya rito. May kapatid ito? Dahil nabanggit nito ang kapatid, nawala sa isip niya ang iba pang sinabi nito.
"My little brother met an accident too. He almost died, Elijah. And because of it, my mom had a heart attack."
Napasinghap siya sa sinabi nito.
"Hindi kita isinama dahil hindi pa nila alam ang tungkol sa'yo at sa kasal natin. My mom... She's against men marrying men, Elijah. At natatakot akong sabihin sa kanya ang tungkol sa atin lalo na dahil sa mga nangyari. Naging busy ako sa kanila, Elijah, walang ibang mag-aasikaso sa kanila kundi ako lang. And I admit, isinawalang-bahala ko yung inaakala kong pagtatampo mo. And I'm sorry. I'm very sorry about that, Elijah."
Bumuntonghininga ito.
"Kaya noong okay na sila, saka lang ako nakauwi rito sa Pilipinas. Saka lang kita hinanap noong hindi kita madatnan sa bahay natin. Iyong hindi kita niyakap agad kanina? It's because sa kabila ng pag-aalala ko sa'yo, may pagtatampo rin sa loob ko. Hindi mo ako naintindihan noong kailangang-kailangan ko ng pang-intindi mo. Bakit wala akong suot na wedding ring? It's here."
May inilabas itong kuwintas sa leeg nito na wedding band ang pendant. Nakokonsensiya siyang nag-iwas ng tingin dito. Nagmaling akala ba talaga siya? Mali ba ang ibinubulong ng instinct niya?
"As for yours, hindi ko alam kung nasaan iyon. Hindi ko alam kung iniwan mo sa bahay o basta mo na lang itinapon."
Napatingin siya sa daliri niya dahil sa sinabi nito.
"Elijah, please don't make it harder for me. Mahal kita but I'm not the showy type. I am your husband and want to remain as your husband. Please, let's go home, Elijah. Let's go home, love."
Dahil sa sinabi nito, tuluyan na siyang natunaw. Kinalimutan na rin niya ang iba pang tanong na nasa isipan niya. Hindi dahil sa tinawag siya nitong love. Kundi wala naman talaga siyang choice kundi maniwala rito.
Ito lang naman ang totoong nakakakilala sa kanya, di ba? Siya nga ay hindi kilala ang sarili niya. Tumingin siya rito at tumango. Nakita niyang tila nakahinga ito nang maluwag at sa unang pagkakataon mula nang pumasok ito sa kuwarto niya ay nginitian siya nito.
Nag-iwas ng tingin si Elijah. He realized one thing.
Mas guwapo ang lalaki kapag nakangiti ito.
...
"Inumin mo pa rin ang mga gamot mo, Elijah."
"Opo, doc." Pagkatapos tumango sa doktor ay tumingin siya kay Miss Evelyn na nakangiti sa kanya kaya nginitian niya ito pabalik.
"Hayaan mo lang na kusang bumalik ang mga alaala mo. Kapag pinipilit kasi, lalo iyong hindi babalik."
"Opo, doc." Muli siyang bumaling sa doktor nang marinig niya ang sinabi nito.
"Thank you, doc." Napalingon siya kay Grey nang makipagkamay ito sa doktor niya.
"You're welcome, Mr. Santillan."
Lumapit na si Grey sa kanya nang tumayo siya. Nakaalalay pa ang kamay nito sa likuran niya hanggang sa marating nila ang sasakyan nito. Ipinagbukas siya nito ng pinto at tahimik na sumakay.
"Matulog ka muna, Elijah. Gigisingin na lang kita para makapag-dinner tayo mamaya." Tahimik siyang tumango rito. Hindi naman na siya nito kinulit pa.
Habang nagbibiyahe sila, hindi niya maipaliwanag ang kaba na nasa dibdib niya. Dahil ba nagkatrauma siya sa pagbibiyahe gamit ang kotse o dahil iyon sa lalaking katabi niya? Kahit among dikta Kasi niya sa isipan niya na asawa niya ito, parang hindi iyon pumapasok sa isipan niya at hindi matanggap ng puso niya.
Kahit nagpaliwanag na ito noong unang araw na nagkita sila, kahit lohikal naman ang mga rason nito kung bakit hindi siya nito napuntahan agad, may mga tanong pa rin sa isipan niya. May mga fill in the blanks pa rin. Pero alam niya na hindi ito ang tamang lugar at oras para alamin ang mga kasagutan sa mga tanong na iyon. Isa pa sa nagpapakaba sa kanya ay ang isang boses na bumubulong na hindi siya dapat magtiwala nang lubos sa lalaking kasama niya ngayon. Na marami pa itong itinatagong sikreto mula sa kanya. Siguro naman malalaman niya rin ang mga sagot at ang mga dahilan kung bakit siya magkakaganito ngayon pagdating ng tamang sandali. Ngunit sa ngayon, sasama na muna siya rito. Magtitiwala na muna siya sa mga binitawan nitong mga salita. Malalaman din niya ang mga sagot sa mga katanungan niya lalo na kapag bumalik na ang mga alaala niya.