Chapter 3

2200 Words
Ipinarada niya ang kotse sa gilid ng daan kung saan iilan lang ang kabahayan. Habang natutulog ang kasama, gusto niyang pag-isipan kung tama ba talaga ang naging desisyon niya ngayong kasama na niya si Avery. Napabuntonghininga siya. Totoo ang sinabi niyang naaksidente ang kapatid niya, nag-agaw-buhay, at na-coma ito. Totoo rin ang sinabi niyang inatake sa puso ang ina niya dahil sa nangyari sa kapatid niya. Totoo na kaya lang niya napuntahan si Elijah ay dahil ligtas na ang kapatid at ina niya na kasalukuyang wala na ngayon sa bansa. At totoo na wala na itong mga magulang at lumaki ito sa bahay-ampunan. Ngunit iyon lang ang totoo sa mga sinabi niya kay Elijah. Ang karamihang sinabi niya rito ay pawang mga kasinungalingan na. Hindi sila mag-asawa. Hindi ito ulila. Hindi ito scholar ng kumpanya ng pamilya niya kundi scholar ng university na pinapasukan nito. Hindi Avery Elijah Gaspar ang totoong pangalan nito. At higit sa lahat, hindi niya ito mahal. His name is Avery Lopez. Iyong Elijah Gaspar na idinagdag niya sa pangalan nito? Naisip lang niyang idagdag iyon para kung sakaling mag-research ito tungkol sa sarili nito ay wala itong mapapala. It's just he cannot drop his real name kaya iyon ang ipinalagay niyang pangalan sa fake ID na ipinakita dito ng doktor nang balikan niya ito sa ospital dalawang linggo pagkatapos nitong maoperahan. Ang pangalan kasing iyon lang ang gusto niyang magpaalala sa kanya sa misyon niya rito. Ang taong nagmamahal dito at minamahal nito ay ang bunso niyang kapatid na si Blue. Habang abala silang dalawa ng panganay nilang kapatid na si Red sa pagpapalago ng business nila, naging abala pala ang kapatid nila sa pakikipagligawan sa kaklase nito sa university. At ang masaklap pa, sa lalaki ito nakikipagharutan. Naikuwento na ni Blue sa kanya ang best friend nito na si Avery noon. O mas tamang sabihin na naipagyabang habang ipinapakita nito sa kanya ang larawan nilang dalawa. Sa pagkakaalam niya, nag-umpisa sa pagiging magkaklase hanggang naging mag-best friend ang dalawa. Ikinatuwa nga ng pamilya nila nang magsimula nang pumasok nang regular si Blue. Ang sabi nito sa kanila, may naging kaibigan ito na kumumbinsi rito na mag-aral nang mabuti. Sa una tuwang-tuwa pa ang mga magulang nila dahil bukod sa tumino ang bunso nilang anak na dati ay basagulero, laging inilalagay sa peligro ang sarili, at wala ng ginawa kundi ang maglakwatsa, nagsimula na itong mag-aral nang mabuti. Ang sabi nito nang tanungin nila noon habang nagsasalo-salo sila sa dinner, may inspirasyon na raw kasi ito. Hinayaan nila iyon sa pag-aakalang babae ang naging inspirasyon nito at gusto nitong magpa-impress. Ngunit sa kaarawan nito, hindi babae ang dinala nito sa bahay nila kundi ang kaklase nitong lalaki na si Avery. Walang pormal na sinabi si Blue tungkol sa relasyon nilang dalawa. Ang pakilala lang nito ay best friend niya ang kasama niya. Ipinagmalaki nito na bukod sa napakatalino ni Avery dahil ito ang pinakamataas ang average bilang dean's lister, magaling din daw ito sa larangan ng sports. Bukod doon, ito rin daw ang editor-in-chief ng school paper nila. Aminado si Grey na itsura pa lang ni Avery ay nakakakuha na talaga ng atensiyon. Kaya nitong dalhin at makibagay sa anumang lugar o sitwasyon na kinaroroonan nito. Kung Hindi mo alam ang background nito, aakalain mong galing siya sa above average na pamilya. Walang mag-aakala na galing ito sa wala. Na pinalaki ito ng mga namamahala lang sa ampunan. Ang alam lang niya ay iniwan ito sa ampunan ng ina nito at pinalaki ng mga volunteers doon. Sa boarding school ito nag-high school, at saka sinuwerteng naging full scholar sa university at kumpleto ito pati sa allowance nito kaya hindi na nito kinakailangang magtrabaho para mabuhay ang sarili. Tapos napakatalino din daw nito. Nakapasa ito sa ilang universities sa US pero pinili nitong sa Pilipinas mag-aral. Ayon pa kay Blue, marami nga raw talagang humahanga at may gusto kay Avery sa university nila. Marami ang nakikipaglapit dito at sinuwerte ang kapatid niya dahil isa ito sa naging malapit kay Avery. Habang pinagmamasdan ni Grey ang dalawa na nag-uusap sa isang mesa at pinagsasaluhan ang ilan sa mga ipina-cater nila para sa selebrasyon ng kaarawan ng kapatid niya, alam na niya agad na in love ang kapatid niya sa best friend nito. At base sa mga kilos nito at kilos ni Avery, nagliligawan na ang dalawa. "Grey, hindi nagugustuhan nina Dad at Mom ang ginagawa ni Blue," naaalala pa niyang sabi sa kanya ng panganay nilang kapatid nang tumabi ito sa kanya at sabay nilang pinapanuod ang pagkukuwentuhan ng dalawa. "Kausapin mo ang kapatid mo." "Hindi ba dapat ay ikaw ang kumausap sa kanya? Ikaw ang mas panganay sa ating dalawa, Kuya." Ipinagdiinan talaga niya ang huling salitang iyon. "Mas close ka sa kanya. Mas pakikinggan ka niya." Totoo iyon. silang dalawa ni Blue ang malapit sa isa't isa dahil sila ang magkasunod kahit na malayo ang agwat ng mga edad nila. Ngunit ang ikinatatakot niya, baka kapag pinagbawalan niya ang kapatid sa pakikipagrelasyon nito sa best friend nito ay magkakaroon sila ng hidwaan. Spoiled ang bunso nila sa kanilang lahat kaya naipipilit nito ang gusto nitp at sobra itong nagagalit kapag hindi napagbibigyan sa gusto nitong mangyari. "Why are you all getting worked up about them? Hindi naman porke at may relasyon sila ngayon, sila na panghabambuhay. Bata pa sila Kuya. Malay mo, they're just experimenting," iwas niyang sabi noon. "Do you think Blue is just experimenting? Tignan mo nga ang mga mata niya. Kulang na lang maghugis puso na ito sa katititig niya sa best friend niya. Look at those smiles and the way he looks at him. Parang sa Avery na iyan na umiikot ang mundo niya." "Kuya, hayaan natin sila. If he finds happiness with his best friend, let him be. Hindi natin maibibigay ang kayang ibigay ng best friend niya." "Go and tell that to our parents, Grey," paghahamon nito sa kanya. "Kausapin mo si Blue and tell him to stop his nonsense. Or else, alam mo ang pwedeng mangyari. Kawawa ang batang iyan kung pag-iinitan siya ni Dad." Walang nagawa si Grey kundi sundin ang pinag-uutos ng nakatatandang kapatid. Kaya naman kinabukasan, inimbitahan niya si Blue na mag-bar hopping sila. They even met with some of his friends na may kilalang mga university girls na ipinakilala nila kay Blue. But all the girls who went to sit beside him were all rejected. "Sorry po. Taken na po ako," his brother apologized to his friend who was the brother of one of those girls na nagtanong dito kung wala ba itong nagustuhan sa mga ipinakilala nito rito. Kaya naman nang disappointed na umalis ang kaibigan niya, siya na ang tumabi sa kapatid niya. "What do you mean na taken ka na? May girlfriend ka na?" tanong niya rito ngunit nagsususpetsa na siya kung sino ang karelasyon nito. "Boyfriend, Kuya. I already have a boyfriend. Avery finally said yes to me yesterday. It was the greatest birthday gift ever." Nangingislap pa ang mga mata nito habang sinasabi iyon sa kanya. Grey, on the other hand, felt like his soul was leaving his body. "You're gay?" Nagdikit ang mga kilay ng kapatid niya. "Kapag ang dalawang lalaki ba, who were not gay, start a relationship because they love each other, gay na?" balik-tanong nito sa kanya. Hindi siya nakasagot. "If yes, then I happily accept that I am, Kuya." "Blue, you know what our parents think and feel about gay relationships. They will hate you and Avery. Lalo na siya for turning you gay!" Natawa ito sa sinabi niya at hindi sineryoso ang pagbabanta niya. "Totoo naman iyon na I turned gay because I fell in love with him, Kuya. What's there to be angry about? You know, we are the classic 'he fell first, I fell harder.' Akala ko nga ako yung unang nahulog sa kanya, yun pala matagal na siyang humahanga sa akin kahit bad boy ako noon. Kung hindi ko nga pinilit kahapon, hindi pa siya aamin. Kung pwede lang, araw-araw sana ang birthday ko para napapaamin ko siya sa mga itinatago niya sa akin," natutuwa pang sabi nito. "Blue, kapag nalaman ito ni Dad o ni Mom, Avery might lose his scholarship. Everything that he's working hard for will disappear. Boardmember si Mom sa university ninyo. Pwede niyang alisin ang scholarship ng boyfriend mo," babala niya rito. Sa unang pagkakataon, tinignan siya ni Blue na puno ng galit ang mga mata. Grey felt like he was choking when his brother spoke. "She can't and she won't. Tell them that if they will make Avery's life miserable, I will make all your lives more miserable. If they will touch just one strand of his hair, I will turn their world upside down. I'm serious, Kuya." "You will choose him over your family, Blue?" hindi makapaniwalang tanong niya rito. "I will choose him over any one else. He's my life, Kuya. Nobody can stop us now." Right there and then, he knows that his brother isn't just in love. He's obsessed with his best friend. After that night, unti-unti nang lumayo ang loob ni Blue hindi lang sa kanya kundi pati sa buong pamilya nila gaya ng inaasahan ni Grey. Halos hindi na ito sumasabay sa meals nila at hindi na sila kinakausap. Napansin iyon ng parents nila kaya isang gabi, hinintay ng mga ito ang pag-uwi ni Blue at sinita nila ito. At iyon ang eksenang nadatnan ni Grey pag-uwi niya ng bahay. Nadatnan niyang galit na galit ang mga magulang niya sa bunso nila dahil nakikipagsagutan na ito. They blamed Avery for being a bad influence to their youngest son. Gustuhin man niyang ipagtanggol ang kapatid at boyfriend nito, ang sabihin na si Avery ang nagpatino sa kapatid niya, hindi niya nagawa. Hindi siya makasingit sa pagsusumbatan ng mga ito. Blue was not allowed to go to school the following day. Kinausap ng Mom nila ang eskwelahan para mag-modular na lang si Blue. His phone was taken away. Grey won't forget how Blue became crazed that day. Nagwala ito, nagbasag ng mga gamit until his dad was forced to punch him. But his brother was relentless. He kept on screaming at them. Galit na galit ito. Until such time their father said that if he won't stop, kay Avery nito ibubunton ang galit nito. Lalong nagwala si Blue sa mga sandali na naririnig nito ang pagbabanta sa boyfriend nito. The next thing they knew, tumatakbo na si Blue palabas ng bahay. Lahat ng pumipigil rito ay humahagis palayo. Dinala nito ang kotse nito. Sinubukan niyang habulin ang kapatid ngunit mas magaling itong nagmaneho ng kotse dahil dati itong sumasali sa mga car racing competition. Ilang oras lang ang nakalipas, nalaman nilang naaksidente ito and worse, kasama nito si Avery sa sasakyan. Nalaman nila mula sa inutusan nilang mag-imbestiga na pinilit ni Blue ang nobyo na sumama sa kanya intending for them to run away. Ngunit sa pagmamadali ni Blue, nawalan ito ng kontrol at nahulog sa bangin ang sinasakyan ng mga ito. Nag-agaw buhay ang dalawa at parehong na-coma ng ilang araw kay Blue at ilang buwan kay Avery. Blue was taken back to Manila habang naiwan si Avery sa ospital sa kalapit na probinsiya kung saan sila nadisgrasya. Inatake ang Mommy niya at halos isang linggo nilang binantayan ang dalawa sa ICU ng ospital sa Manila. Nang magkamalay si Blue, kaagad nitong hinanap si Avery but their dad told him that his boyfriend didn't make it. Pinalabas nila na namatay ito sa nangyaring aksidente. Papunta naman na roon ang binata noon dahil sa naging damage sa ulo nito. What they didn't expect was that the boy will live. That he will wake up a month after Blue and his mom went to the US to help Blue recuperate. Nang malaman nilang nagka-amnesia ito nang magising, inatasan siya ng dad nila na gumawa ng paraan para manatiling patay ang binata sa mundo nila tutal ang alam naman ng lahat ay patay na talaga ito. Bahala na raw siya kung paano niya gagawain o mag-uutos siya ng iba para gumawa ng ipinag-uutos nito. Sa totoong lang, isang injection lang ang magiging solusyon sa problema nila katapat ang tamang halaga. But Grey cannot find the courage to make the boy disappear forever. Nang minsang dalawin niya ito, hindi maintindihan ni Grey kung bakit siya sinalakay ng konsensya niya habang pinagmamasdan itong natutulog na balot ng benda ang ulo kahit ilang buwan na ang nakalilipas mula nang maoperahan ito. He decided not to do what his father wishes him to do. Instead, he made a plan to keep Avery and to hide him from his family especially from his dad. Masisiguro lang niyang hindi ito aalis sa tabi niya kung may pinanghahawakan siya rito. At iyon ang kasal. Kaya naman sa loob ng isang buwan ay plinano niya at inihanda niya ang lahat. Palalabasin niyang kasal sila. Na siya ang mahal nito. Kung babalik man ang alaala nito, sisiguraduhin pa rin niyang hindi ito aalis sa tabi niya. Na mananatili ito sa tabi niya kahit na magkikita sila ulit ni Blue. At uumpisahan na niya ang plano ngayong araw na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD