"Thank you bes"
Masaya akong makitang nag-enjoy ng sobra si Danica. Bukod sa best friend ko ito ay parang tunay na magkapatid na talaga ang turian naming dalawa. Kaya khit minsan ay talagang sobra na ang pagiging isip bata nito ay inuunawa ko na lamang. Gaya din nang paunawa niya sa ugali ko. Sa tuwing sinusumpong ako ng katarayan.
"Welcome"
Bukas ay unang araw ko sa trabaho. Kaya magiging busy na ako kaya sinusulit ko lang din ang free time ko bes"
Nakangiti kong tugon kay Danica na talaga namang hindi mawala-wala ang saya sa maganda nitong muka.
"Yeah"
Galingan mo ah alam ko namang kayang kaya mo yan"
Ngumiti na lamang ako bilang sagot. Saglit na katahimikan ang namayi ng basagain muli ito ni Danica.
"Ay! ay! nga pala bes bukas na pala yung bar diyan malapit sa atin. Gusto mo ba sumilip muna tayo bago umuwi. Sabi ng ka-workmate ko ang hot daw ng mga owners nun mygad gusto ko din makitaaaa!"
Gulat na napalingo ako sa tili ni danica na wari ba'y kilig na kilig pa ito ng sabihin ang salitang hot. Kunot ang nuoong napaisip pa ako bago na-realized yung lugar na sinabi nito.
"Ah talaga... hindi ko napansin na bukas na pala yon.
Walang interest na sagot ko.
" Oo bes ... So tara daan tayo!"
Excited na aya nito sa akin. Saglit na nagisip muna ako bago muling nilingon ang nakangiti kong bestfriend at tumango ako bilang pagsangayon ko sa gusto nito.
"Yes!"
"The best ka talaga Caffie.. Wait mag change outfit muna tayo at konting retouch.
Sabi nito at inabot sa akin ang isa sa hawak nitong paperbag. Naiiling na nagpalingalinga ako sa paligid at ng makita ang pakay ay dali-dali kong kinabig and manebela at saglit na hinihinto ang sasakyan. Natatawang sabay na kaming naghubad ni Danica at mabilis na nagpalit ng damit na aangkop sa lugar na pupuntahan namin.
"Perfect" try this bes bagay sa outfit mo"
Isang dark red lipstick ang inabot sa akin ni Danica. Taas ang kilay na kinuha ko naman ito. Hindi naman sa ayaw ko ang red lipsticks pero ang ikinatataas ng kilay ko ay ang ayos ng babaeng katabi ko.
"Hoy bes sigurado kabang hindi ka magsosoot ng bra. baka mamaya may mag trip sayo doon at hilayin na lang bigla ang tali ng damit mo sa likod.
May pagaalala kong sabi dito. Wala naman sanang problema sa suot nito. Dahil mula sa soot nitong high waist maong jeans na tenernuhan ng color dark blue string backless croptop ay talaga namang lumutang ang kagandaang taglay nito. Ewan ko ba sa babaeng ito at ang hilig ikumpara ang sarili sa akin samantalang hindi din biro ang gandang meron ito. Mula sa bilugan nitong mata at matangos na ilong na binagayan ng magandang hugis ng labi ay talaga namang masasabi kong maganda ito. idagdag pa ang height nito na hindi din naman nalalayo sa height na meron ako. kung ako ay nasa 5'6½ ang height ito naman ay may height na 5'6. Sexy din itong si Danica dahil bukod sa meron itong medjo kalakihang dibdib ay may malaki din itong bewang. Pero gaya ng lagi nitong sinasabi sa akin ay wala daw ang ka sexyhan niya kung ikukumpara naman akin.
" Naku ayan ka nanaman sa pagiging over protective mong best friend" Wag mo nang pansinin ang suot ko. Maglagay ka na lang ng lipstick na binigay ko sayo para ng sa ganun ay lalong lumutang ang pagiging mistisa mo"
"Sana all na lang talaga super ganda at sexy na. Super kinis at puti pa.
Dagdag pa nito. Napapailing na lang ako dahil nagsisimula nanaman nitong ikumpara ang sarili sa akin. Maputi din naman ito pero sadya nga lamang na nakakalamang ako dahil bukod sa maputi ang aking balat ko ay mamulamula pa ito na namana ko sa aking parehong magulang.
"Yan diyan na lang tayo mag park bes. Lakarin na lang natin malapit na lang naman"
Nakapark na kami ngaun sa tinuro ni danica. Sinabayan ko din ito ng makita ko itong nagpapalit ng sandals. Isang black leather boots na bumagay sa suot kong high waist black leather jeans at red belt croptop ang siya napili kong sootin. Dahil sa sanay na kami ni Danica sa mga biglaang lakad kaya naman may mga naka ready ng gamit dito sa loob ng sasakyan kahit san pa kami pumunta. Pinili ko din itali ng messy ang aking makapal at mahabang buhok na umabot na sa ilalim ng aking pwetan. Nang makuntento sa ayos ay naglapat na din ako ng lipstick na iniabot kanina sa akin ni Danica. Hindi na ako naglagay pa ng kahit ano sa aking muka. Dahil bukod sa hindi ako sanay ay hindi ko din talaga ito nakahiligan. Tanging red dark lipstick lamang na binigay pa sa akin ni danica ang tanging naging palamuti sa aking muka.
"Wow talaga naman wala talagang akong masabi sa ka sexyhan at kagandahan mo bes"
Kahit sanay na ako sa papuri sa akin ni Danica hindi ko pa din maiwasang tignan ang sarili. Mula sa reflection ng aking sasakyan ay kita ko doon ang aking kabuuan. Mula sa hindi biro kong laki ng dibdib pababa sa aking maliit na bewang at hindi birong laki ng balakang at pang upo ay masasabi ko talagang pinagpala ako. Pero kahit alam ko to sa aking sarili ay hindi ko pa din ito pinagkakalandakan sa iba. Sadyang marunong lang din naman akong makibagay sa lugar na pupuntahan ko. Gaya ngaun bar ang punta namin ng matalik kong kaibigan kaya walang masama sa suot ko.
"Let's go bes"
Yaya na sa akin ni Danica.
"Wait"
Mula sa harap umikot ako sa likod ng sasakyan at kinuha ang black leather mini jacket at black cap ko. Sinuot ko muna ito dahil maglalakad pa naman kami. Huhubarin ko na lamang ito mamaya pagpasok namin ng bar. kinuha ko na din ang small black sling bag ko na alam na bagay sa suot ko.
"Tara...."
Aya ko kay Danica at nagsimula na nga kami maglakad.