bc

Ex Revenge (Book 2)

book_age18+
31
FOLLOW
1K
READ
revenge
HE
serious
office/work place
addiction
assistant
like
intro-logo
Blurb

Paano nga ba kung may isang tao na ang kasalanan lamang ay ang mahalin ka. Ipaglalaban mo pa rin ba ang pagmamahal niya inakala mong niloko ka niya. Paano kung kelan nalaman mo na ang totoo at gusto mong bumalik sa kanya pero may nagmamayari ng iba sa kanya. At ang masakit ay ang katotohang napuno na ng galit ang puso niya ng dahil sa pagkawala ng dapat bunga ng dati niyo pagmamahalan. Lalaban kapa ba para mabawi siya.? Or hahayaan mo na lamang siya maging masaya sa iba.

XACKER DARYX MONTERIAL "Alam kong malabo pero gagawin ko ang lahat upang mabawi ang dati nang akin. Pagiging makasarili man pero ang akin ay akin".!

CAFFIE GEREVA."Tsk! kalokohan! sabay bitaw sa hawak kong libro. Simula ng ikinasal ang lalaking minahal at inalayan ko ng sarili ko na sa huli ay tinalikuran lamang ako. Kailanman ay hindi na ako naniwala sa happy ending. Nakangisi kong dinampot muli ang magazine na hindi sinasadyang maiwan ng matalik kong kaibigan ng minsanang dinalaw niya ako dito sa condo ko. At sa isa pang pagkakataon ay muli kong tinitigan ang muka ng lalaking nasa cover ng magazine na hawak ko.

"XACKER DARYX MONTERIAL"

Sa hindi mapigilang damdamin namalayan ko na lamang na nalukot ko na pala ito.

chap-preview
Free preview
𝗞𝗮𝗯𝗮𝗻𝗮𝘁𝗮 I𝘀𝗮
Caffie!" Tili mula sa aking likuran ang nagpahinto sa tangka ko na sanang pagbukas ng aking sasakyan. Yes! Naiinis na lumingon ako sa taong tumawag sa aking pangalan at sinabayan ko pa ito ng pagtaas ng aking kilay. Para ng sa ganon ay malaman ng taong ito na hindi ko gusto ang pamamaraan ng pag tawag nito sa akin. "Oh nakakainis na talaga ah!. Bakit naman kase napaka-unfair ng mundo! Bakit lahat na lang ata ng ganda sinalo mo bes!" Magtol ng taong nalingunan ko. Naiiritang tinignan ko ito nang makitang may kinukuha itong bagay mula sa dala nitong paperbag at iniabot sa akin na sinabayan pa ng pagpadyak nito ng paa. Nakakatawa na lang talagang isipin na sa edad na 25 ay talagang namang isip bata pa din itong bestfriend ko.Yes! Bestfriend ko lang naman ang babaeng kung makatili at makatawag sa pangalan ko ay daig pa ang kaaway ako. "Kanino naman galing ang mga chocolates na to at napakarami naman ata? Takang tanong ko dito at muling nilingon ang nakabusangot na muka ng bestfried ko. "Hoy! Danica kanino kako galing ito. Ulit ko pa dito dahil mukang sinadya pa talagang magbingibingihan nitong bruhang kaharap ko at hindi sinagot ang tanong ko. Nagulat pa ako sa muling pagpadyak nito at biglang sumama ang tingin sa akin. "Kanino pa ba. E di kay Ethan!" Nakakainis yung lalaking yon. Hindi ko alam kong manhid lang ba talaga siya. Mantakin mo bes. Ang kapal ng muka at sa akin pa talaga napiling ipaabot yang lintik ng mga chocolates na yan!" Inis na inis na sabi nito at muling pinadyak na naman ang paa nagulat pa ako ng bigla itong ngumiti sa akin. "Dani pwede mo ba ito iabot kay caffie itong pasalubong ko. May meeting pa kase ako kaya kahit gustuhin ko sana na ako ang personal na magbigay nito sa kanya ay hindi ko magagawa kaya ikaw na ang bahala huh. Thank you!" Sabi nito na nakatingin sa akin naka beautiful eyes pa. Bago parang kidlat sa bilis na muling pagbabago ng mood nito at bumalik sa pagkabusagot ang muka. "Buwiset siya! Hindi ko mapigilang tumawa ng malakas dahil sa paggaya nito sa kaibigan naming si Ethan nang pinakiusapan itong iabot ang pasalubong para sa akin. Pati ang boses nitong panglalaki ay pilit nitong ginaya kaya naman hindi ko mapigilang pumalahaw ng tawa na mas lalo lamang atang nagpainis sa bruha kong kaibigan "Ano ba Caffie tinatawanan mo pa talaga ako. Seryoso ka. Ganitong broken nanaman ako." Nakasimangot nitong baling sakin kaya naman kahit natatawa pa din ay pinigilan ko na lamang ang aking sarili. Mahirap na baka magtampo nanaman ito sa akin at hindi nanaman magpapakita ng ilang araw or baka nga buwan pa. Kumapit ako sa braso nito at waring naglambing dito. Pag ganitong kasing tinotopak na ito ay alam na alam ko na ang mabisang gamot para dito. " What!" Nakasimangot pa ding sabi nito sa akin. Ngumiti ako't niyakap pa lalo ang braso nito kaya naman napalingon na din ito ng tuluyan patingin sa gawi ko. "Wag kana magtopak diyan bes ko!" sayo din naman mapupunta tong mga binigay ni Ethan alam mo na dating gawi. Sabay abot kong muli dito ng mga chocolates na galing sa kaibigan naming si Ethan. Kinuha niya naman ito pero hindi pa din ito ngumingiti kaya alam ko na kulang pa ang panguuto ko dito. "At tutal nandito kana rin lang naman bes. Tara't samahan mo akong mamili ng mga bagong damit na kakailanganin para sa trabaho ko alam mo na first day. Sabi ko dito pero hindi pa din ako pinansin nito kaya naman nagsalita ako ulit. "Cge na bes diyan lang naman tayo sa malapit na mall. Pero bago tayo mamili kumain muna tayo gutom na rin kase ako. At syempre bago tayo umuwi dumaan muna tayo sa salon matagal-tagal na rin ng huling nasarayan ng gamot ang mga buhok natin. Mahabang lintayan ko dito ngunit sadyang bruha talaga itong kaibigan ko dahil nanatili lamang tikom ang bibig nito habang nakatitig lang sa akin. Pero hindi pa din ako sumuko at sinuhulan pa din ito. "Don't worry treat ko. Sabay kindat kong sabi dito. At dahil nga ginamitan ko na ito ng magic words kaya naman ngumiti na rin ito sa akin at may pagmamadaling nauna pa itong nakapasok sa loob ng sasakyan ko. Nagulat pa ako ng sumungaw sa bintana ang ulo nito para tawagin na ako. "Tara na bes at nagugutom na rin ako. Naiiling na sumakay na rin ako at pinaadar na nga ang sasakyan ko para pumunta sa direksyon na alam kong gamot sa topak ng bruhang bestfriend ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
2.8K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.8K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.9K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.8M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook