LEVI POV Para lang matahimik si Ate Steffy, tumingin ako sa mga mata niya at buong puso akong nagsalita. "Ate Steffy, gusto kong sabihin sayo na kaya ka pine pressure ni tita na pakasalan si Leo ay dahil mayroon siyang stage 1 brain cancer at kapag hindi raw yun naagapan lalong lalala ang sitwasyon niya. Ang hiling lang ni tita ay mabigyan mo siya ng apo. Gusto niyang magkatuluyan kayong dalawa ni Leo bago man lang siya pumanaw." Nararamdaman ko na nabibigatan si Ate Steffy sa sitwasyon at pumatak kaagad ang luha sa kanyang mga mata bago niya pa ito mapigilan. "Please Levi, wag na wag kang mag bibiro ng ganyan. Alam nating dalawa na hindi totoo ang mga sinasabi mo..." "Ate trust me, malapit din sa puso ko si tita dahil napaka busilak ng kanyang puso. Pero kung ano ang narinig mong b

