CHAPTER 43

1012 Words

STEFFY POV "Hayaan mo na ang tungkol jan Alvin, surprise ko na lang sa inyong lahat." "Si-sige lang Steffy, ikaw ang bahala. Pero di ba ang punot dulo lang naman nito, ayaw mong pakasalan si Leo?" "Mismo, Alvin! Ayaw kong magpakasal sa lalaking manloloko kagaya ni Leo, never ever!" paninindigan ko sa kanya. "Okay fine, at least hindi bulag ang isipan mo sa katotohanan Steffy. Pasasaan pa't matatapos din ito." Matapos kong kumain ay umalis na kaming dalawa ni Alvin. Habang nasa kotse kami, hindi ko mapigilang isipin ang tungkol sa nanay ko. Ano kaya ang meron at para ba siyang mayroong nililihim sa akin. "Hey Steffy, ano ang bumabagabag sa isip mo?" tanong niya na nagpairita sa akin. "Mag maneho ka na lang jan Alvin. Ayan ka na naman sa pagiging makulit mo eh," naiiritang sabi ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD