CHAPTER 72 Nilapitan na lang namin si Jane sa di kalayuan sa amin. Alam kong excited din siyang kaeksena ang kanyang idolo. Tulad ni Paolo, pinili niyang subukan ang mag-artista muna. Alam kong dream project niya na makasama si Kai. Hindi niya naitatago ang sobrang saya na makaeksena niya ang kaniyang idolo kahit pa minaliit at hiniya na siya ni Kai dati sa loob ng bahay ni Kuya. Siguro iniisip pa rin ni Jane na ang lahat na ipinakita ni Kai sa loob ng bahay ni Kuya ay bahagi lang ng task noon ni Kai. Na ang nakaharap niya ay hindi totoong ugali ni Kai. Isinama namin si Jane sa aming tent kasi abala pa naman si Kai sa kanyang ambush interview. Nagmumukha lang kasi kaming tanga na nanonood sa kanyang magiliw na pagsagot sa mga intriga. Naglalakad na kaming tatlo at magkahawak kamay kami n

