CHAPTER 71 “Bakit naman hindi mo sinabi sa akin na si Paolo pala ang makakatambal ko?” “Big deal? Saka nakiusap siya na itatago ko muna sa’yo. Para pumayag siya sa request namin ni Mama Ogie at sa Management kaya itinago ko na lang muna sa’yo. Bilib na talaga ako sa ganda mo girl. Naku! Napakasarap talagang sabuyan ng asido.” “Ang weird mo. Tingin mo sa mukha ko? Bowl ng CR? Umayos ka nga. Manager na kita kaya dapat respetado ka na. Paano pala ang pag-aaral mo niyan?” “Tuloy pa rin naman.” “Paano? Kaya ayaw kong ikaw sana ang Road Manager ko e. Bukod kay Paolo na mukhang napilitan dahil sa akin, pati ba naman ikaw na bestfriend ko.” “Huwag ka ngang mag-inarte. Road Manager lang ako. Si Mama Ogie pa rin ang real Manager mo. Huwag mo nang isipin pa ang pag-aaral ko. Kaya ko na ‘yun. Is

