Chapter 2

1398 Words
Kung may makakaalam na miyembro ako ng NPA, maalanganin ang buhay ko dito. Baka pugutan pa nila ako ng ulo kung sakali. Sinama nila ako sa kanilang kampo at marami nagsitingin saking mga sundalo, may mga babae ding iilan na ngumingiti sakin. Hindi ko alam kung ngingiti din ako. Maybe we have different insights but that doesn't mean I hate them for being human. Pinasadahan ko ang buong kampo, mas madami itong barracks at halatang pinagastusan ng gobyerno ang kanilang mga kagamitan. "Teka lang buddy" tawag nong isang sundalo kay Darius. Napalingon si Darius at huminto sa paglalakad. "Hindi natin dapat dalhin si miss Isabella dito" "Buddy, halika muna. Mag usap muna tayong tatlo" bulong naman nong isa nilang kasama." Wait lang miss ha. Mag uusap lang kami" "Pare, bawal sya dito sa Barracks. Di natin alam na spy pala yan o NPA" natawa ako sa utak ko. Yeah, I'm a member of New People's Army. "Jigs, oo nga naman. Tama ka pero parang nawawala si miss at sundalo tayo, bukod sa pagtatanggol natin ang buong bayan kailangan din nating tulungan ang nangangailangan"sooo. Si Jigs pala yong name ng isa. At aware ba sila na naririnig ko ang usapan nila. "Tama kayong dalawa. Maaring syang tumuloy saglit sa bahay namin. Hindi natin alam kung saan sya nang galing"sabi nong Darius at saan nya naman nakuha ang ideyang matutulog ako sa bahay nila. "Ipapaalam ko sya kay General, hindi nga sya maaring mag stay dito sa barracks"tumingin sila sakin. "Isabella, naaalala mo ba ang bahay mo?" Oh s**t! Sasabihin ko ba? O mananatili muna ako sa sinabing bahay ni Darius. "Uhm.ahh." sambit ko at umiling. "Nasaang barangay ba tayo?" Nagkatinginan silang tatlo at sabay na nag buntong hininga. "You're in barangay Makalinga" sagot nong Jigs. "Uh hindi ko pa kasi kayo kilala. Except Darius. What should I call you?"tinuro ko ang dalawa, yong Jigs at hindi ko kilala. "This is Diego or Jigs and Rafuel." Pakilala ni Darius sa seryosong mukha. "Isabella, hintayin mo kami rito" tumango ako. Umalis silang tatlo at pumasok sa isang Barracks na may nakasulat sa labas na 'General Alvarado'. Baka ito na ang pinag uusapan nilang tatlo kanina na ipapaalam ni Darius. What if may litrato ako na hawak ng kanilang General. Nanginig ang tuhod ko noong lumabas sya sa Barracks at nakasunod si Darius, Jigs at Rafuel. Nakakunot ang noo ng General at kitang kita ang matikas nitong katawan. "Hija, natatandaan mo ba ang iyong bahay?" Sobrang lalim ng kanyang boses ngunit may pagkamahinahon. Nasa mid 50's na si General. Umiling ako." Wala po akong natatandaan" "Captain Darius, saan mo ba natagpuan ang binibining ito?"lumapit bahagya si Darius. Kapitan pala ang isang to. "General, nakita namin sa ilog. Sa maniwala ka man o hindi, parang naanod yata ng rumaragasang tubig" natameme ako nong umikot si General sakin at pinag masdan akong maigi. "Hindi ka ba modelo, Hija? Hindi ba sya modelo captain?" Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung ngingiti ako o ano. Mukha ba akong modelo? I know I have height and body figure but I am not a model type "Sa palagay ko nga rin General, isa syang modelo." Gatong ni Rafuel. "Ah! Wala po akong maaalala bukod sa pangalan ko" giit ko. Kasi baka susunod na tanong si General ay kung ano ang trabaho. "Ganon ba Hija. Darius ikaw na ang bahalang kumalinga sa magandang binibining ito hanggang sa maaalala nya ang alaala nya." Sumaludo ang tatlong sundalo sa kanya bago pumasok sa General sa loob ng barracks. "Isabella, maari kang pumili. Kung mananatili ka sa bahay ko o hindi" nag iisip din ako. " Walang ibang lalaki doon"pagtatalaga nya. "Nasaan ba ang bahay nyo?"bumuntong hininga sya. "Medyo may kalayuan dito yon at minsan sa isang linggo ako umuuwi don"natulala ako sa pag iisip. Dapat bang sumama ako? "S-sige. Doon nalang muna ako" kung minsan sa isang linggo sya umuuwi doon maari akong tumakas. Hindi kami tumagal sa kampo nila, agad nya akong sinama dala ang Hilux na hindi ko alam kung sa kanya ba o pag aari ng gobyerno. "Nagpabili ako kay Celena ng mga kailangan mo. Nandyan sa likod."sambit nya at nilingon. Meron ngang isang supot. Maaring underwear and I was hoping it was. "Salamat."ngiti ko nalang. Kailangan ko ng cellphone para tawagan si Luis "Walang kapitbahay masyado ang bahay ko. Pero lahat ng pangangailangan mo ay naroon na." Tumango nalang ako. I'm still wearing wet clothes at ang bumibigay ng ng init ang uniporme ng sundalong ito. Napatingin ako sa kanya. Talagang gwapo nga ang isang to, his jaw, pointed nose, defined lips and his clean cut hair. It is perfect together! Napaiwas ako ng tingin nong tumingin narin sya sakin. Bumagal ang sasakyan ipinasok nya ang sasakyan sa tapat isang mala modern native na bahay. Ang bubong nito ay gawa sa nipa at ang dingding naman ay gawa sa kahoy at meron itong brown na pintura samantalagang ang mga bintana ang pinto nito ay yari sa salamin. Ang ganda ng bahay! "Ito ang bahay ko. I live here pero may bahay kami sa Davao at Manila." Bumaba na sya sa sasakyan kaya bumaba na rin ako. Pag apak ko nagulat ako sa pagtunog ng pebbles na nagsisilbigng pathway. "Sandali! ito ang gamit mo" inabot nya sakin ang supot. Binuksan ko ito at tama nga. Underwear. "Maari mong gamitin ang nga damit ko. Sigurado namang hindi ka magtatagal dito" "Maraming salamat Darius"ngumiti ako sa kanya pero seryoso parin ang kanyang ekspresyon. Sumunod ako sa kanya at namangha ako interior ng bahay. Ang ganda! "Iisa lang ang kwarto dito. Kasi nga ako lang naman ang nakatira pero pwede mong gamitin ang mga damit ko. Halika ituturo ko ang kwarto ko" sumunod naman ako. Binuksan nya ang sinasabi nyang kwarto. Mas lalong akong namangha dahil sa linis at organisadong kwarto. " Nariyan ang mga damit ko" turo sa kanyang closet. "May mini refrigerator din dito may sariling banyo. " Lumabas naman kami. Sunod lang ako ng sunod "Dito sa kusina, merong refrigerator din at lahat ng kailangan mo nandyan na. Meron ding banyo" humarap sya sakin, nakalimutan nya yatang basa ako. "Pwede ba muna akong maligo?" Tanong ko. Tumango sya kaya nagtungo na ako sa kwarto nya. Pumili ako na masusuot at sa totoo lang nahihiya ako na makita nyang ginagamit ko ang damit nya. Pero ayos lang naman dahil di kami magkakilala. Naligo ako nakapag palit ng black v-neck na tshirt at boxer. Sobrang laki ng damit na ito para sakin. Lumabas ako ng kwarto at naamoy ko agad ang masarap na amoy. Mukhang nagluluto ata sya. Dumungaw ako sa kusina, tama nga ang hula ko. Napatingin sya sakin at tipid na ngumiti. "You must be hungry" sambit nya sa baritonong boses. "Naku! Maraming salamat" medyo nahihiya na ako pero alam kong hindi rin ako magtatagal dito. Naglapag sya ng dalawang plato at kutsara sa mesa, so kakain din sya. Napansin nya sigurong nagtatakha ako. "Sasabayan na kitang kumain" tumango ako. Tahimik kami kumain. Tanging tunog lang ng kutsara at tinidor ang naririnig. Hindi sya sumusulyap sakin at nakatuon ang atensyon sa plato. "So, Darius"pagpukaw ko ng atensyon tumingin lamang sya saglit at binalik ang atensyon sa pagkain. "I'm Es um. Isabella, 29 at yon lang ang natatandaan ko" "I see" tango nya lang. Napangiwi ako. Ganon ba talaga sila ka disiplinado."Darius, 30. Born in Davao but Raised in Manila" I thought he is younger dahil hindi halata sa mukha nyang 30 na sya. "Dito ako ng dalawang araw beacuse I was on leave. " Napa awang ang bibig. Akala ko ay masosolo ko itong bahay nya. Para makatakas din ako. "Teka! May sofa ba kayo dito?" Pagtatanong ko dahil doon nalang ako matutulog kung sakaling nandito sya. "Wala. Pero may mahabang upuan ako riyan. Hindi nga lang malambot" ahhh yong nakita ko kanina sa sala. " Wag kang mag alala Isabella, sa kama ko ikaw matutulog ako na ma dito sa labas. "Naku hindi!" Todo ang iling ko. "Nakakahiya na talaga. Ayos lang ako dito sa labas" ang totoo nyan gusto ko din dito kasi kung nandito sya dalawang araw pwede akong tumakas sa gabi. Tumingin sya sakin at seryoso pa rin ang ekspresyon. "Isabella, ako na ang matutulog dito." Bumuntong hininga ako. May ibang araw pa naman na wala sya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD