Natapos na kami sa pagkain, nahihiya pa akong magpresenta sa paghugas ng plato kaya hinayaan ko nalang syang gawin iyon. Sisiguraduhin kong makakalabas agad ako dito ngayong gabi. Hindi ako pwedeng tumagal dahil pag nalaman nya ang totoong pagkatao ko, yari ako.
"Pwede ka nang magpahinga, Isabella"nagulat nalang ako nong nasa likod ko na sya ang nagsalita. Nasa upuan kasi ako at hinihintay lang syang matapos.
"Ah. Sigurado ka bang ayos lang sayo? Okay naman ako dito sa labas e" sabay turo ko sa kinauupuan ko. Hindi sya nagsalita, pumasok sa sa kwarto nya kaya nagdiwang ako. Baka nga doon na sya matutulog.
"Pwede mo nang gamitin ang kwarto ko. Buksan mo nalang ang electric fan kung naiinitan ka." Akala ko magdidiwang na ako pero hindi pala. Kumuha lang pala sya ng unan at kumot. "May I excuse? Gusto ko na ding magpahinga"suplado naman nito.
"Darius, hindi mo naman dapat gawin ito--"
"Pumasok ka na. Ako na matutulog dito." Tumayo ako at pumasok sa kwarto nya. Bumuntong hininga nalang ako at binagsak ang sarili sa kama. Mamaya nalang ako tatakas sa hating gabi.
"s**t!" Napatayo agad ako sa kama. Umaga na! Napakamot ako ng ulo. Dapat ay tatakas na ako kagabi pero hindi ko nagawa dahil nakatulog ako sobrang pagod.
Narinig ko ang tilaok ng manok at huni ng mga ibon. Same feeling when I woke up in our camp. Ibang iba ito sa nakasanayan kong pamumuhay noong hindi pa ako nakapasok sa NPA. I'm just a typical city girl. Born and raised in Ilo Ilo
Naamoy ko agad ang mabangong amoy pag labas ko ng kwarto. Nagluluto nanaman sya. Kailan ba aalis ang isang to para makabalik na ako. This is the neighboring of Barangay where my recent camp located. Kaya malamang ay malapit lang iyon dito.
"Gising ka na pala Isabella"napatalon ako nong nakita ko si Jigs at Rafuel ang nasa kusina.
"Ms. Isabella, can you put some plates and utensils in the table?"sabi ni Rafuel. Nagpungas pungas muna ako. Wala pa ako sa tamang wisyo at gulat kung bakit sila nandito.
"Um.sige!" Kumuha ako ng plato at kutsra ngunit tumigil nong napansing wala si Darius dito. "Teka. Ilan ba tayo ang kakain?"
Nagkatinginan silang dalawa. " Tatlo lang Miss Isabella." Si Jigs na ang sumagot. "And by the way. To tell you where's Captain, General Alvarado called him" hindi naman ako nagtatanong kaya hindi nalang ako kumibo.
"By the way Miss Isabella, may I call you Isa? Bella? Bell? Ella?" Napangiti ako. None of these names is my name.
"Bella is good" sabi ko
"Yown! It is too long kasi eh. If okay lang sayo. Haha" tawa ni Jigs. Diego is tall and mestizo. Matangos ang ilong at itim na itim ang buhok. Maaring may lahi itong kastila dahil sa resemblance ng face nya while Rafuel is shouting pure handsome Filipino. He's handsome and tall also, medyo chinito at merong dimple. I wonder kung may mga asawa na ba ang mga ito.
"And Miss Bella, I wanted to ask if okay lang ba sayo kung sasamahan. Ka namin dito" medyo nahihiyang sabi ni Rafuel."Trust us. I have big and younger sister."
"I am only child but I've never disrespected women"angal naman ni Jigs.
Tatanggi ba ako? Pagkakataon ko na sana itong umalis. Ngumiti ako ng pilit at tumango.
"Okay lang." Pero nagpoprotesta na ang kaloob looban ko. Badtrip naman eh.
Tumambay nga sila dito maghapon at ako naman ay nasa kwarto, nag iisip kung paano makaka alis at makakabalik sa kampo.
May kumatok. "Isabella, sasama ka ba sa bayan?" Si Jigs.
Sa bayan? Mas mabuti nga at para maging pamilyar sakin ang mga daan at sakayan ng bus.
"Sandali lang Jigs. Bibihis lang ako" dali kong hinanap ang mga damit na binili at napangiwi nong nakita kong may puting bistida. Kasya ito sakin pero hindi ako sanay na mag bistida simula nong pumasok ako sa NPA.
"Hays. Bahala na" sinuot ko ito. Ayos naman sakin at saktong sakto lang. Medyo nakikita ang kurba ng katawan ko.
Nong lumabas ako sa kwarto napa iwas ng tingin ang dalawa at nakita kong namumula ang tainga ni Jigs. Tumikhim si Rafuel.
"Tara na." Nauna silang dalawa. Hindi sila naka unipormeng pang sundalo. Rafuel's wearing sando and shorts while Jigs wearing jogging pants and black shirt with slippers.
Merong jeep wrangler na may kulay na pula at itim sa harap namin. Si Jigs ang nasa driver's seat, siguro ay personal na gamit nila ito dahil mukhang mamahalin ang disenyo.
"Bella, dito ka na sa sa tabi ni Jigs." Pinagbuksan ako ni Rafuel at agad naman akong sumakay. Mukhang mag aalas tres na ng hapon dahil sa sikat ng araw. Ang barangay na ito ay mukhang mas maunlad sa barangay kung saan nang galing ako.
Sa twing may dinadaanan kaming mga babae napapasunod ang tingin nila samin o malamang sa dalawang kasama ko. May naririnig pa akong tumitili lalo na yong mga medyo bata
"Dito ba kayo nakatira?" Tanong ko. Tumingin sakin saglit si Jigs at binalik ang tingin sa kalsada.
"Taga Quezon City ako. Si Rafuel naman tubong ibang bansa talaga kaya medyo ma conyo."sabay silang humalakhak. "Ikaw Bella?" Napalunok ako. "Ay oo nga pala. Wala kang maalala" such a relief.
"Dito na tayo." Deklara ni Rafuel pagkatapos naming magpark sa harap ng palengke.
Napakadaming tao as if it is new to me. Knowing that I was raised in City. Tumitingin samin ang mga tao na para bang mga alien kami. Karamihan tumitingin sakin pagkatapos nilang ngumiti sa dalawang kasama ko. Malamang ay kilalang kilala na nila ito dahil sa pagsisilbi sa bayan
"Mga gwapo. Bili na!" Sabi ni ng ale sa dalawa. "Mukhang may mati-taken na sa inyong dalawa ah" tukso ng ale nong nakita nya ako.
"Naku, nay. Hindi ho, kaibigan lang po namin sya. " Hindi na nanukso yong ale pero malisosya parin nakatingin.
Naglakad lakad pa kami at sa prutasan kami napunta. Mukhang mga bago at hinog sa puno ang mga prutas dito.
"Bella, pumili ka na ng gusto mo" napatingin ako saglit kay Rafuel. "Wag ka nang mahiya Bella. May pupuntahan lang kami saglit ni Jigs"hindi na ako nagsalita at pumili na na mga prutas na gusto ko. I wonder kung saan sila pupunta malamang ay may mga kaibigan sila dito o maghahanap ng babae. I just don't care what they'll do.
"Miss mukhang bago ka dito" sabi ng babae na nagtitinda ng prutas na pinipilian ko. Mukhang kaedad ko lang siya at medyo morena kumpara sa kulay ko. Iba ang tingin niya sa akin, hindi naman ito masama pero naiilang ako sa mga tingin niya.
"Ah, oo nagbabakasyon lang" tiningnan niya ang landas kung saan nag patungo ang dalawa, si Jigs at Rafuel.
"Kaanu-ano mo silang dalawa?" Curious na tanong niya sa akin. Malamang ay may nagugustuhan sya sa dalawa.
"Mga kaibigan ko lang yun wag kang mag-alala. And I am here just for vacation" tumango siya at ngumiti sa akin ngayon alam ko nang may gusto siya sa dalawa dahil mukhang na relief siya sa sinabi ko. "Iiwan ko lang dito ang supot ng prutas. Wala akong dalang cash, sina Jigs muna ang papa bayarin ko."
"Manileña ka ba? ang ganda ganda kasi ng kutis mo at sobrang ganda mo" ngumiti ako ng pilit dahil hindi ako sanay tumanggap ng compliment kahit kanino.
"Um. Oo" mukhang hindi naman siya magtatanong pa pero ang totoo I am from Ilo Ilo City , kaya umalis na ako at nag lakad lakad upang tumingin pang ibang paninda. It is very new to me. Noong college ako hindi man lang ako nakakapunta sa palengke dahil nga lumaki din ako sa may kayang pamilya. It's fun. Dahil kahit na maingay lumilitaw ang kasiyahan ng bawat tindira at mga suki nilang bumibili sa kanila.
"Bella!" Napalingon ako. Si Jigs at dala na nila ang prutas na pinili ko. "Tara?" Napatingin ako sa hawak ni Rafuel, mga seafoods. Minsan nalang ako makakain ng seafoods dahil puro gulay ang inihahanda sa kampo na tanim din ng ibang miyembro o ang iba naman ay binibili sa bukid.
"Uuwi na ba tayo?" Kumpirma ko.
"Ah. Hindi. Dadaan muna tayo sa bilihan ng damit. " Sabat ni Rafuel sabay tingin sa damit ko. Medyo nailang naman ako kaya tumingin narin sa sarili. Baka ako bibilhan nila ng damit pero hindi ko nalang tinanong.
Totoo ngang ako ang bibilhan nila ng damit. Puro pajama at shirt ang binili nila na para bang tatagal ako dito. Naghahanap lang ako ng tiyempo kung paano maka alis.
Nakarating kami sa bahay at pinalitan ko agad ang damit ko na sa tingin ko wala namang mali bakit pa nila ako papabihisin.
"Bella" tawag sakin ni Rafuel na nagluluto ng hapunan. Nilingon ko sya at hindi nag salita. "Ah. Kasi aalis na kami ni Jigs ngayon. Ayos lang ba sa iyo?" Gusto kong ngumiti pero tinago ko. Nagkunwari akong dismayado.
"Okay lang naman sakin yon" ngumiti ako ng tipid.
Kumain lang sila at umalis na din dala ang jeep wrangler. Ayos! Makakaalis na ako. Pero...
Hanggang sa susunod na kabanata. Haha