Pero.. diba ito ang gusto ko. Gusto kong makalayo sa buhay pinakilala sakin ng ama ko. Diba gusto ko ng katahimikan kaya bakit pa ako babalik sa buhay na una palang ayaw ko na talaga. Gusto ko ng tahimik na buhay, ang makapagtayo sariling clinic at mapanindigan ang pagiging isang Doctor.
Ilang oras din akong nagpabalik balik sa pintuan at babalik naman sa loob. Gusto kong umalis at bumalik sa amin sa Ilo o but Dad wouldn't allow that at isa pa mapapahamak ang buong pamilya dahil baka ipapatay kami ni Pinuno oras na malaman nyang bumalik ako sa'min. Takot nilang kumanta ako laban sa kanila at isa pa, baka malaman ng mga tao na ang anak ny Governor ay isang miyembro ng NPA.
Hindi na talaga ako mapakali. Aalis ba ako o hindi. Pero hindi ako dapat manatali dito kasi pag nalaman nilang NPA ako, mamatay ako. Hay! Dilemma!
Napatalon ako sa gulat nong nakita ko si Darius, kakapasok lang sa pintuan, ang talim ng titig sakin at mukhang pagod na pagod. Dammit! Bakit kinakabahan ako? Alam na ba nya?
"D-darius"Umayos ka Estella!
"Gagamitin ko ang banyo"nag iwas sya ng tingin sakin at medyo kumalma sya. Dumaan sya sa gilid ko at naamoy ko ang pabango nyang amoy mamahalin. Tapos maliligo sya? Kung babasehan ang amoy nya mukhang bagong ligo lang naman sya.
Naalala ko naman ang pagkakataon na pwede akong tumakas. Stupida Estella! Ito na ang pinakabobong parte na nagawa ko. Hindi ko din alam ang susunod kong gagawin. Naupo nalang ako sa upuan kung saan natulog si Darius noong nakaraang araw. Nong lumabas na sya ng kwarto nya hindi ko alam ang gagawin. Ano ba? tatanungin ko ba sya kung kuamin na sya.
Hindi na nya ako tiningnan nong lumabas na syang ng kwarto at agad din syang pumasok sa kusina, hindi kalakihan itong bahay at tanaw lang sa kinauupuan ko ang kusina.
"Kumain ka na?" narinig ko naman ang tanong nya pero parang nabingi yata ako dahil biglaan. Tumikhim sya. "Kumain na ba kayo?" ulit nya sa tanong.
"Uh.Oo. Bago kasi umalis sina Jigs at Rafuel kumain muna kami" hindi na sya kumibo at tumango. Tahimik syang kumain at pasulyap sulyap ako sa kanya. Sa saglit na sulyap, parang pagod na pagod sya. My gosh. Di ko alam kung paano mag initiate ng topic dahil una sa lahat, hindi naman kami ganoon ka close at panagalawa masyado syang seryoso at mainit ang ulo.
"Ayos ka lang ba na kasama mo dito ang dalawa?" tanong nya. Buti naman ay naisipan nyang mag open ng topic.
"Ayos lang naman silang kasama. Salamat nga pala sa pagtulong sakin" sinulyapan nya ako saglit. Bakit ba feeling ko may galit sya sakin pero pinipilit nya lang makipag usap.
"Mabuti naman. Malaki ang tiwala ko sa dalawang yon at alam kong hindi sila gagawa ng masama sa kahit sinong babae" seryosong sabi nya habang nagliligpit ng platong pinagkainan.
"Palagay ko ay family oriented ang dalawang yon at gaya ng sabi mo, mapapagkatiwalaan nga naman sila" ano ba to! Wala naman kasi akong pagkaka busy-han kaya ang hirap sa sitwasyon na ganito.
"Tama ka" at doon natapos ang pag uusap naman. Nanatili akong naka upo sa upuan at sya naman ay naghuhugas ng pinagkainan nya.
Napapaisip lang ako na baka nag imbestiga sya tungkol sa katauhan ko at baka nalaman nya kaya galit sya sakin. Pero imposible dahil kung nalaman nya man agad agad, edi sana dinakip na ako dito ng mga kasama nyang sundalo. Hayssss! Dapat kasi umalis na agad ako kanina.
"Excuse me" bigla akong napatayo nong nasa gilid ko na sya at may dalang unan. "Magpapahinga na ako, magpahinga ka na rin" tumango ako. Ngayon ay medyo nahihiya na ako dahil dapat sya ang kompotableng natutulog sa kama nya at dapat ako ang natutulog matigas na upuan. Pangako ko na kapag maayos na ang lahat, reregaluhan ko sya ng sofa bilang pasasalamat sa kabutihan nya.
Nong nag umaga na ay narinig ko muli ang pamilyar na tunog tuwing umaga, huni ng mga ibon at tilaok ng manok. Sobrang sarap gumising sa ganitong lugar at sana maranasan ko pa rin ito ng walang iniisip na problema. Sa palagay ko ito ang pinakamaganda nangyari sakin simula nong nasali ako sa NPA.
Natigil ang pag-iisip ko nong may narinig akong nagtatawanan Boses babae at lalaki iyon, napakunot ang noo ko at inayos ang sariling bago lumabas ng kwarto ni Darius.
Parang gusto ko nalang bumalik ng kwarto nya nong nakita ko sila ng isang babae, matangkad ito at maganda. Maikli lang ang kanyang buhok na tulad sa mga sundalong babae pero lumilitaw ang ganda ng kanyang mukha, pansinin agad ang matangos nyang ilong at natural na pula ng mga pisngi.
"Isabella, gising ka na pala" si Darius ang unang nakapansin sakin na may natirang ngiti pa sa labi galing sa paghaharutan nila. Na intimidate agad ako sa titig nong babae. "Um. By the way. Si Celena nga pala, kaibigan ko" kaibigan ka dyan. Pero kung makapagharutan.
"Hi. I'm Celena" ngumit sya sakin at inabot ang kamay nya.
"Uh. Isabella nga pala"ngumiti rin ako. Pero napangiwi akong biglaan nyang hinablot ang kamay nya mula sa pagkakahawak ko.
"Military Doctor si Cele." nagulat ako sa sinabi ni Darius. Doctor din pala sya at pareho kaming trabaho. Nagkatinginan silang dalawa at ngumiti sa isa't isa. Mukhang good mood na ulit si Darius, siguro dahil ito kay Celena kaya hindi na syang mukhang galit. "Okay na to. Tara kumain na tayo"sabi ni Darius pagka hango ng kawali sa stove.
Hinid ako umiimik habang sila naman dalawa ay nagtatawanan at may pinag uusapan na malaman ay hindi ko alam. Kumain lang ako ng tahimik dahil hindi namana ako makasabay sa pinag-uusapan nila.But in my mind I feel like I want to stab someone. Weird.
"Nga pala, Isabella. Naikwento na sakin ni Darius ang nangyari sayo. Ayaw mo bang magpatingin sa espesyalista?"napalunok ako. Hindi ako pwedeng magpatingin dahil alam kong mabubuking ako.
"Hindi na. Aalis din naman agad ako dito. Pag unti unti na akong nakakaalala." nakita ng gilid ng mata ko ang pagtingin ni Darius pero hindi ko pinansin iyon.
"Mabuti nga" bulong nya at hindi ko alam kung ako lang ang nakarinig o pati si Darius. "Darius, aalis din agad ako ha. Pinapabalik ako ni Papa sa barracks" Papa? papa nya ba si General? Baka nga. "Baka mamiss mo ko."mahinhin syang humalakhak at awkward naman na ngumiti si Darius.
Hanggang sa matapos ang pagkain namin ay hindi parin ako umimik at ako narin ang nag presenta upang mag hugas ng plato dahil baka ma istorbo ko lang sila sa paghaharutan. Haha. Sakto tapos na akong maghugas nong nagpaalam nang umalis si Celena, nagpaalam sya sakin pero umirap sya. Bakit ba parang ang taray taray nya sakin?
Noong umalis si Celena, mukhang badtrip nanaman si Darius. Wow! Real quick.
Mag-a-alas dose nong naligo ako. Parang gusto kong lumabas at pumasyal kaso lang wala akong kasama at ayaw ko namang yayain si Darius. Busy kasi sya nakaharap sa laptop nya at mukhang may inaayos. Lumabas ako ng kwato nya na naka bistida, it's unusual but I can say that I feel comfortable. Napatingin agad sakin si Darius at na-awkward ako dahil tumagal ang tingin nya pero bumigay din agad at nag focus na sa ginagawa nya.
Saktong may dumating na sasakyan, Jeep wrangler. Nagliwanag ang mukha ko nong sina Jigs at Rafuel ang pumasoksa pinto. May dala silang paper bag.
"Hey Buddy!" Bati nila kay Darius at tinapik saglit. Nong nakita nila ako natigilian silaa pero unang bumati si Jigs sakin at kumaway si Rafuel.
"Anong ginagawa nyo dito?"seryosong tanong ni Darius.
"Nag leave din kami."Tumango si Darius sa sagot ni Rafuel."May dala kaming pagkain para kay Isabella."
"Nag abala pa kayo" Nahihyang sabi ko dahil sobrang sobrang kabaitan na ang pinapakita nila sakin at oras na makaalis ako hinding hindi ko sila makakalimutan.
"Bihis na bihis ka ah" pansin ni Jigs sa suot ko. Wala naman kasi akong ibang damit bukod sa mga pajama nilang binili. "Sakto. Tara pasyal kita dito-"
"Jigs diba may gagawin ka pa?" putol ni Darius sa kanya.
"Buddy, pwede naman mamaya ko nalang gawin iyon at isa pa madali lang iyon. Sigurado akong hindi masisikatan ng araw ang gawain na yon. " tumawa si Rafuel at tumabi ito kay Darius at meron ding laptop na hawak. "Ano! G ka ba Bella?"
Wala din naman akong gagawin dito at mukhang maiinis lang si Darius sakin at hindi nya naman ako masyadong kinakausap. "Okay" lumaki ang ngiti ni Jigs na para bang nanalo ng isang premyo.
"Umuwi agad kayo bago gumabi."seryosong sabi sakin ni Darius. "At Isabella, Pwede bang magpalit ka ng masusuot" napatingin ako sa sarili ko. Alam ko kung bagay o hindi bagay sakin ang damit at kung iisipin ko ngayon bagay naman sakin. "Hindi bagay sayo"Medyo na offend ako sa sinabi ah.
"Anong hindi! Are you serious Bro?" Tanong ni Rafuel sa conyong tono. "Bagay na bagay kay Bella, she looks Hot-"
"Nah. Hindi bagay, Mukha syang manang"Dagdag ni Darius. Mukhang may galit na talaga sya sakin.
"Haha. Patawa ka Darius. Mukhang diwata na si Bella sa suot nya hindi pa ba bagay" nag init ang pisngi ko sinabi ni Jigs. Dammit! Di ko alam kung sinong paniniwalaan ko. "Hayaan mo na sya Bella, ibibili nalang kita ng damit"
"Naku,Jigs. Hindi na kailangan. Nakakahiya na sa inyo" agap ko kasi totong nakakahiya.
"Ano ka ba! Parang hindi kabigan."sabay tawa nya pa. "Darius, Rafuel, alis muna kami."kumaway sakin si Rafuel pero nong si Darius na ang tiningnan ko, hindi man lang sya tumingin. Ang totoo, kinakabahan na ako sa kinikilos nya. Mas mukha syang galit nong huling sulyap ko bago kami lumalabas.