Chapter 5

2054 Words
"Bella, wag kang maniwala sa sinasabi ni Dariel Leviticus. Bagay sayo ang suot mo mukha kang diwata"nakangising sabi ni Jigs pero tama ba ang pandinig ko? Dariel Leviticus is the full first name of Darius? "Uy! Tahimik ka dyan! haha! Ayos ka lang ba? wag mo nang dibdibin ang sinabi nya" sumalyap sya sakin saglit at tumingin na ulit sa kalsada dahil nagmamaneho na sya. "Ha? Hindi ah."hilaw akong tumawa pero ang totoo nyan medyo nasaktan nga ako sa sinabi ni Darius pero iba iba naman ang tingin ng mga tao. "Hayaan mo. Ibibili kita ng damit." isa ring ideya na ayaw kong matupad. "Jigs, okay lang kahit hindi mo na ako bilhan. Nakakahiya na talaga sayo at hindi naman ako magtatagal."ngumuso sya pero may ngiti sa labi. "Ano ka ba! haha. Wag ka nang mahiya. Kung aalis ka man edi mas mabuti nang meron kang remembrance galing sakin at para hindi mo ko makalimutan. Nga pala, kamusta ang alaala mo? May natatandaan ka na ba?" sumulyap naman ulit sya sakin at bumalik ang tingin sa kalsada. "Um. Wala pa nga eh"sagot na na kunwari ang dismayado. "Ganon ba. Ano kayang trabaho mo nong may alaala ka pa? maybe a Model, kasi may tendency namang maging model ka dahil bagay na bagay sayo. Pwede ring flight attendant or maybe an entrepreneur."Jigs I'm a Doctor. Doktor ng mga NPA. "Pwede ring nurse or doctor"nangingiti nalang ako habang patuloy parin ang panghuhula nya. Tama ka Jigs, isa akong Doctor. "Nandito na tayo" Nagpark sya sa isang restaurant na palagay ko ang Vietnamese Restaurant. "Kumain muna tayo bago kita ipagbili ng damit" "Jigs, nakakahiya talaga. Wala man lang akong pera."ngumiti lang sya sakin. Sa ngiti nya palang halatang mabait na agad at napaka amo ng gwapo nyang mukha. "Hay naku Bella! Kahit ilang beses mo pang sabihin yan hindi magbabago ang desisyon ko"bumuntong hininga nalang ako. Mukhang wala nga akong magagawa. Pumasok kami sa reasturant at tama nga ako, isa itong Vietnamese Restaurant dahil sa mga potaheng naka lagay sa menu, when I was in college, we were used to order Viet Cuisine dahil paborito nga ito ng step sister kong si Karee. "Diego Joaquin?" sabay kaming napalingon ni Jigs noong may tumawag. Isang maganda at matangkad na babae ang lumapit samin. Gulat na gulat si Jigs samantala ang babae at ngiti na ngiti sa kaniya. Narinig ko pang nagmura si Jigs. "Sierra!"awkward nyang tawag sa babae at nagkamot ng batok. "Anong ginagawamo dito? I thought nasa Makati ka?" napatingin sakin ang babae at agad na kumunot ang noo at napatingin kay Jigs. Baka girlfriend nya ito. "Hi ako nga pala si Isabella, kaibigan ni Diego"pakilala ko agad dahil baka tama ang hula ko at mapagkamalan nya pa akong kabet. Ngumiti sakin si Sierra at binalik ang tingin kay Jigs na mukang hindi na komportable. "I'm Sierra, Fiancé ni Diego Joaquin"nanlaki ang mata ko pero nong tiningnan ko ang kamay nya wala naman syang engagement ring. Pinagloloko ba ako nito. "HAHA!Kidding. I'm his college friend." "Sierra, akala ko nasa Makati ka?"ulit na tanong ni Jigs kay Sierra. Mukha namang mabait si Sierra at palabirong babae. "Diego Joaquin, I told you 'bout this last time diba. I will conduct a research tungkol sa NPA. Yon nalang ang hinihintay ko para makakuha ng Doctor's Degree"napayuko ako. Research tungkol sa NPA, magiging delikado iyon. "Yeah. I remember, pero delikado 'yon Sierra, alam mo naman yon. Mahirap makitungo sa mga NPA dahil hindi mo alam ang takbo ng mga utak nila. "Tama ka Jigs pero hindi ibig sabihin ay masama na silang tao. Iba lang ang pinaglalaban naming prinsipyo. "Mabuti naman ay naalala mo."Irap ni Sierra sabay yakap nya kay Jigs at panay ang halik nya dito. "Namiss kita Diego Joaquin!"nagulat si Jigs sa inasta ni Sierra lalo pa't nasa public place kami at nong tiningnan ko ang ibang tao. Napatingin sila dito ang iba naman ay walang pakialam. "Sierra, nasa restaurant tayo"suway ni Jigs. Napangiti nalang ako. Siguro ay matalik silang magkaibigan parang kami ni Luiz, Dang! Namiss ko tuloy sya lalo. "HAHA! I know! Tara sabay na tayong kumain. "nauna syang naghanap ng upuan at sumunod naman kami ni Jigs. "Pasensya ka na Bella, ha. Sobrang clingy nya lang talaga pagdating sakin"ngumiti ako kay Jigs, mukhang hindi kasi sya komportable sa asal ni Sierra pero kung titingnan ko bagay naman silang maging Boyfriend and girlfriend. "Isabella, halika! Tikman mo ang chaolong at french bread nila. Sobrang sarap."madalas ito rin ang binibili namin kaya medyo natuwa ako dahil ngayon nanaman ako ulit makakakain nito. "Sierra, hayaan mong sya ang pumili-" "Manahimik ka Diego Joaquin!"putol ni Sierra sa sinabi ni Jigs. Bumuntong hininga nalang si Jigs. "Okay, ayos na sakin yon"sabi ko baka mag away pa silang dalawa. "Told yah!"humalakhak si Sierra na para bang nanalo sya sa argumento nila ni Jigs. "Pasensya ka na talaga Bella ha, baliw lang talaga ang babaeng yan"inirapan sya ni Sierra nong marinig ang sinaby nya. "Hayaan mo mamaya, titigil din yan" "Di ako titigil Diego Joaquin!"Jigs groaned. Mukhang frustrated na sya kay Sierra eh para sakin okay lang naman na kasama namin ito dahil kaibigan nya naman. "Akala ko ba naman full time military ka na. Bakit hindi ka naka uniporme ngayon"puna nya pa kay Jigs. "Vacation na namin ni Rafuel pero may work from home parin kami. Babalik ako ng City next month."seryosong sabi ni Jigs, nagliwanag naman ang mukha ni Sierra. May gusto ba sya rito? Kung may gusto man sya, sana ay sila ang magkatuluyan. "Yieeee. Kinikilig ako! Sakto birthday ko yon at nandon ka sa City!"halata ngang excited ito at ang laki ng ngiti sa mukha. "Yeah, what do you want? Except sa maging boyfriend ako"sumimangot si Sierra at ngumuso. "Asa ka Diego Joaquin! May nanliligaw na sakin."napahampas ng mesa si Jigs, kaya nagulat kaming pareho ni Sierra. "Kung sino man yon sabihin mong tumigil na sya. Baka mapatay ko pa sya"seryoso kanina si Jigs pero ngayon mukhang galit na sya. "Shut your dead ass! "nagtaray na si Sierra sa kanya kaya bumaling na ito sakin. "Bella, bakit nga pala magkakilala ni Jigs? Sigurado akong hindi ka nya girlfriend o nililigawan"kantyaw nito at agad naman akong umiling. "Tama ka sa hula mo, magkaibigan lang kami ni Jigs at mahabang istorya kung bakit magkasama kami ngayon" natapos ang usapan nong nailapag na ang pagkain sa mesa namin. Hindi na ulit nag salita si Jigs at panay buntong hininga. Kitang kita ko naman ang palagiang pag sulyap ni Sierra kay Jigs at mapang asar itong ngumingiti. "Salamat Bella ha, at pinayagan mo akong sumama sa inyo."sabi ni Sierra nong nasa labas na kami ng restaurant. Nagpapalam na kami sa isa't isa "Walang anuman, Sierra. "nakangiting sabi ko. Kumaway sya na may ngiti sa labi at hindi na ulit kinausap si Jigs. Nakakalayo na sana si Sierra nong hinabol sya ni Jigs at tinawag. Iritadong lumingon si Sierra sa kanya. Mula sa malayo tanaw ko ang pag uusap nila at napapangiti nalang ako. Saglit lang ang pag uusap nila at lumapit narin sakin si Jigs. "Pasensya ka na ha, hindi ko lang talaga matiis ang isang yon."ngumiti ako lalo at tinukso sya. "Okay lang naman sakin Jigs, dapat nga ay ako pa ang mahiya dahil kaibigan mo yon. Teka! Meron ba syang sasakyan?" "Meron."mabuti naman kung ganon. "Ano? Tara na?" Nahihiya man ako pero pinilit ko nalang sumang ayon sa plano nyang mamili kami ng mga damit para sakin, ako ang hinayaan nyang pumili. Sabi ko ay sakto na sakin ang isang damit pero pinilit nya akong kumuha ng marami. Sobrang hiya ko na sa kanya at sya naman ay parang wala lang habang naghihintay sa isang upuan. "Jigs nakakahiya na talaga"sabi ko ulit nong lumabas kami sa boutique. "Babayaran ko na talaga ito sayo kapag nagkapera na ako." "Oo na! Haha. Para tumigil ka na."tawa nya pa. "Gusto mo bang dumaan muna para kumain? hindi pa naman alas singko"umiling agad ako. "Okay sige sige. Dadalhin nalang kita sa paboritong tambayan namin."sumang ayon nalang ako bilang kapalit sa mga binigay nya. Dinala nya ako sa isang lumang simabahan at over looking ito, tanaw ang buong barangay at sobrang ganda kahit medyo luma na. "Dito ako laging tumatambay, at gusto ko dito kami ikasal ng babaeng mapapangasawa ko"ngumiti ako. Akala ko sa mag ganito kagwapong lalaki ay walang balak mag-asawa dahil ito ang na-o-observe ko sa mga City boy na tulad nya. "Si Sierra"tawa ko, napatawa naman sya sa sinabi ko pero mapait ang mukha nya. "Gusto ka ni Sierra, nakikita ko sa kanya" "You don't know her pero tama ka, gusto nya ako at lagi nyang pinapakita sakin yon pero hindi ko magawa syang gustuhin dahil may conflict ang parents ko at mama nya."bumuntong hininga sya at yumuko. Medyo kulay orange na ang araw at kapag natatamaan nito ang ni Jigs, mas nagiging kulay brown ito. "I like her back then but I don't have a choice but always let her go"ang pait ng bawat salita nya. "Kapag pumupunta ako dito, I have this imagination that Sierra is holding a bouquet of her favorite flower, wearing gown and belo covering her face."pati ako nalungkot sa kwento nya. "Kahit sa imagination lang pinapagbigyaan ko ang sarili kong sumaya." "Bakit hindi mo ipaglaban?"ngumiti sya ulit pero mapait parin. "I just can't, actually she's not here for her thesis, she got her Doctor's Degree last month. I knew that she's checking if I was okay because I need to cut our communication kahit alam kong masasaktan sya."Dammit why is it so painful? Kung nasasaktan nga ako sa kwento nya lang ay siguradong pati silang dalawa. "I want to hug her earlier pero hindi ko lang pinapakita na may affection ako para layuan na nya ako." Matagal na nagkwento si Jigs, mula nga pala nong high school ay magkaibigan na sila at kaya pala nagkaroon conflict ang mga magulang nila ay dahil naging other woman ang mama ni Sierra ng papa ni Jigs. It is funny how they met and maybe they were meant to meet but not to be. Hindi na namin namalayan ni Jigs na gumabi na pala sa pagkikwentuhan. "Naku! Yari naman ako nito kay Dariel Leviticus"bulong nya nong nag ring ang cellphone nya at nakita kong naka phone book ay 'Captain'. Malamang ay si Darius na iyon. "Yap!"sagot nya sa tawag at ngumiwi. "oo..... pauwi na kami.... okay.... ibababa ko na"napatingin sya sakin at hindi maipinta ang mukha. " Yari tayo Bella, si Rafuel ang tumawag pero cellphone ni Captain ang gamit. Naghahanap na yata satin yon." "Diego diba sabi ko iuwi mo agad sya bago gumabi"sabay kaming napalingon ni Jigs. Si Darius, he's wearing black long sleeve na nakalukot hanggang siko at nakapantalon. Damn! He's very attractive! "Pasensya ka na. Napasarap ang kwentuhan namin."nakatingin sya sakin ng matalim at parang ako lang lahat ang may kasalanan. "Iuuwi ko na rin dapat sya kaso dumaan pa kami dito-" "Oo, at hinayaan mo si Sierra na mag isang umiinom ng alak sa bar"namilog ang mata ni Jigs at mukhang hindi mapakali. "Ganon ka ba Diego. Akala ko gusto mo sya?"humarap sakin si Jigs. nakahalukipkip naman si Darius sa harap namin at matalas ang tingin sakin. "Bella, pasensya ka na. Pero-" "Go. sasabay nalang ako kay Darius, kailangan ka ni Sierra. Baka mapano pa yon"nagkamot sya ng batok at umalis na agad. Naiwan naman kami ni Darius. Sobrang galit nya akong tiningnan nya. "Ano?"tanong ko na nakataas ang isang kilay. Suminghap sya at hinablot sakin ang mga dala ko. "Uy teka! ako na ang magdadala"nilayo nya sakin ang mga paper bag na dala ko at kinuha nya ang kamay ko at hinawakan ito ng mahigpit. Napatigil ako dahil sa ginawa nya bumilis ang t***k ng puso dahil dito. Pilit ko pang kinuha ang kamay ko para kumawala pero mas lalo nyang hinihigpitan. Tumigil kami sa isang Wrangler pero Rubicon Unlimited ito at jet black ang kulay. Personal belonging nya ba ito? "Get in the car"utos nya sa galit na tinig. Pinagbuksan nya pa ako ng pinto bago sya umikot para pumasok sa Driver's seat. Nakasalubong ang kilay nya at nakatiim ang bagang. "Do you like him?"tanong nya at tiningnan ako saglit. "If you like him, tigilan mo na yan dahil masyado nang magulo ang buhay nya wag mo na dagdagan." "HA?! Ano bang pinagsasabi mo.?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD