Chapter 6

1869 Words
“HA!!? Ano bang pinagsasabi mo.?!”bulalas ko nong pinagpipilitan nyang may gusto ako kay Jigs. “You like him?”tanong nya pa ulit na nagpainit ng ulo ko. Tarantado ba to? “Nahihibang ka na Darius!”iling ako at padarag na sumadal sa upuan ng sasakyan nya. Napatingin sya sakin at narinig ko ang malakas nyang buntong hininga. “Simpleng tanong, hindi mo masagot.”galit na sabi at in-start and engine ng sasakyan. Hindi na ako kumibo dahil wala namang patutunguhan ang argumento namin at isa pa, ano naman sa kanya kung may gust ako kay Jigs pero ang totoo ay wala naman. Hays. Ang akala ko ay uuwi kami sa bahay pero dinala nya ako sa isang kainan. Nabasa ko ang nakasulat, inasalan pala ito. “Malamang ay hindi ka pa kumakain”seryosong sabi nya, umirap ako at padabog na lumabas ng pintuan, ramdam ko naman ang pagsunod ng tingin nya. “Sir!”salubong agad ng isang babae samin. Naka polo shirt ito na kulay puti, naka apron na brown na hanggang bewang lang at may net sa kanyang buhok. “Lotlot? Kamusta?”nagtawanan sila at hindi ko na masyadong narinig kasi nagmamasid ako sa buong paligid. Napapalibutan ng kawayan ang buong lugar at mula sa labas, amoy na amoy ko ang inasal na nasa ihawan. “Miss? Bago ka dito?”napalingon ako sa isang lalaki. Gwapo at matangkad ito at napansin ko agad na mukhang pawis na pawis sya at may naka sukbit na Gym bag sa kanyang kaliwang braso. Maskulado din ito at mukhang alaga sa Gym ang katawan. “Uh oo. Bago nga ako dito”ngumiti ako sa kanya at wala naman akong dahilan para tarayan sya. “Model ka din?”nagulat ako sa sinabi nya. Hindi ko inaasahan ang pagtanong nya. “Hindi, hindi sya modelo”bago pa ako makasagot sumingit na agad si Darius samin at inakbayan ako. Feeling ko tuloy ang liit liit ko dahil sa pag akbay nya. Umatras konti ang lalaki at ngumiti ito sakin. “Akala ko mag isa ka lang. Pasensya na. mauuna na ako sa inyo”tumango din sya kay Darius bago naunang pumasok. “Anong ginagawa mo?”iritadong tanong ko sa kanya at pumalag para mawala ako sa pagkaka akbay nya. “Tss. Lot, as usual ha. Pero dalawang order”sabi nya don sa babae kanila at hinawakan ulit ang kamay ko at hinigit ako papasok. Kakainis talaga ang lalaki ito! Ang sarap sampalin! “Bitawan mo nga ako!”halos sumigaw na ako sa inis pero hindi nya parin binitawan ang kamay ko. “Stupid”. Hinila nya ang isang upuan at pinaupo ako don. “Pwede bang sumunod ka nalang?”kahit natatakot ako sa talim ng tingin nya, sinuklian ko parin ito. Akala nya magpapatalo ako sa kasupladuhan nya. Hindi kami nag imikan hanggang sa makarating ang pagkain, minadali kong ubusin ang pagkain ko para maka alis na kami at maka iwas na agad ako sa kanya. Parang kanina lang ay good mood sya dahil nandon si Celena, tapos ngayon ganito ang pinapakita nya. Hanggang sa byahe hindi parin ako umimik, dahil wala naman din kaming pag uusapan pa at aaminin kong mas masarap kasama si Jigs o Rafuel kesa sa kanya. “Mauuna na ako. Kung gusto mong gamitin ang banyo magsabi ka lang”walang ganang sabi ko at dali daling kinalas ang seat belt, kinuha ko ang mga paper bag at padabog na naglakad papasok ng bahay. Kailangan ko na talagang umalis agad dahil baka di ko matiis ang ugaling pinapakita sakin nong Dariel Leviticus na yon. Naligo ako nagbihis ng pang tulog, nadaanan ko pa si Rafuel kanina sa sala pero tulog na ito at mukhang pagod kaya hindi ko na ginising dahil wala naman din akong sasabihin kundi tanungin kung kumain na sya. May kumatok sa pinto, malamang ay si Darius yon. Pinagbuksan ko at nakatitig lang sya sakin, nakatitig din ako sa kanya pero sya ang unang umiwas ng tingin. “Kukuha lang ako ng damit”tumango ako at agad nyang nakita ang mga damit na nakalapag sa kama nya. Yon ang mga damit na binili ni Jigs para sakin. “What the?!”bulalas nya nong nakita ang mga damit. “Sigurado kang masusuot mo to? Sana ay naghubad ka nalang!”nag init ulit ang ulo ko, agad akong lumapit sa mga damit at nilagay muli sa paper bag. Kung ako ang titingin hindi naman malalaswa iyon, may mga puff sleeves na sigurado akong konting cleavage lang ang lalabas kapag sinuot at kung makapag react sya, akala mo merong ambag. “Ano bang pake mo sa mga damit na yan?!”iritadong tanong ko. Narinig ko ang mura nya tinalikuran ako para kumuha ng damit nya sa closet. “Ano? Hindi ka ba lalabas?”supladong tanong nya sakin kaya inirapan ko sya at lumabas ng kwarto, nagulat ako nong nakita ko si Rafuel na bagong gising at kinukusot ang mata. “Si Jigs?”tanong nya sakin nong napansing wala sa paligid ang kaibigan nyang kasama ko kanina. “Ah okay”hindi naman matagal ang pagsagot ko pero yon ang natanggap ko sa kanya. Tumalikod sya at nagtimpla ng kape, isang beses nya akong nilingon. “Gusto mo ng kape o hot chocolate”ngumit ako at umiling. Gusto ko na magpahinga, ang tagal lang lumabas ni Darius. Hays! Nong lumabas sya, amoy na amoy ko ang body wash nya. Naka black short ito at maroon na t-shirt, hindi pa nakakapag suklay ng buhok pero kahit anong ayos yata ng buhok nya at babagay sa kanya. “Tapos na ako. Pwede ka nang magpahinga. May gagawin pa kaming report ni Rafuel”tumango ako at hindi na nag bitaw ng salita. Binagsak ko agad ang sarili ko sa kama pero hindi ako agad agad nakatulog. Ang dami kong iniisip tulad ng, paano ako makaka alis dito ng hindi nila nalalaman, kamusta na kaya ang kampo at si Luiz baka kasi iniisip nilang patay na ako but in my second thought, this is the life that I wanted. Free from hell. Dahil hindi ako masaya sa ginagawa ko, gaya ng sabi ko. I just want a simple life where I can established my own clinic or work in a Hospital. Sa pag iisip bigla, biglang napasok sa isipan ko ang tawanan nina Darius at Celena, napapatanong lang ako na bakit sakin iba sya makitungo. Idiot Estella! Malamang ay magkaibigan sila o may namamagitan talaga sa kanila. Napangiti ako nong narinig kong muli ang tilaok ng manok at huni ng mga ibon, ito ang gustong gusto ko twing umaga. Bago ako lumabas, naligo ako at sinuot ang biniling damit ni Jigs para sakin. Pink croptop iyon at merong shorts pero sa jeans ko ito pinares. Hindi ako komportableng magpakita ng balat lalo pa’t lalaki ang mga kasama ko dito. Tiningnan ko ang katawan ko sa salamin, kitang kita ang hubog ng katawan ko at bahagyang nakikita ang mga pusod ko sa suot na damit. Nong lumabas ako nakita ko agad si Rafuel na sumisimsim ng kape, nong napalingon sya sakin agad nya itong binuga. “Ay pota”mura nya at agad na tumakbo sa kusina. Confident ako sa damit ko at alam kong walang mali dito. “Good morning!”bati ko sa kanya at ngumiti. Tumango sya sakin habang nagpupunas ng bibig dahil sa pagbuga nya kanina. “May lakad ka?”tinaas nya pa ang isang kilay “Wala naman. Gusto ko lang subukan tong binili ni Jigs”sabay tingin ko sa damit ko. Sa kampo kasi halos hindi ako nakakusuot nito pero noong college lagi akong nakaganito o fitted na dress, lalo na kapag nagba bar hopping kami ng mga kaibigan ko. Narinig kon may pumasok at sabay kaming napatingin sa pinto, si Celena. Sinipat nya ako ng tingin at muka ulo hanggang paa ang ginawa nya. “Cele! Hey! What are you doing here?!”tawa pa ni Rafuel nong nakita nya si Celena. Bumaling si Celena sa kanya bago nagsalita. “I’m here for Dariel, nasaan sya?”sabay pasada nya ng tingin sakin na nakataas ang kilay. Ano bang problema nila? “Nag jogging lang ýon, later he’ll come back. C’mon, join us!”anyaya ni Rafuel at pinakita ang kape kay Cele. “How ‘bout you, Bella. Coffee or Hot chocolate” “Uh Hot chocolate”sagot ko. Hindi ako mahilig sa kape dahil madalas akong nagpa-palpitate “Nah, thanks for inviting, Rafuel. Hindi ako na inform na may senyorita na pala kayo dito”sarkastikong sabi nya. Hanggang hindi nya ako pinagbubuhatan ng kamay, hindi ako papatol sa babaeng to. “Don’t mind her”bulong sakin ni Rafuel nong inabot nya sakin ang Hot Chocolate. “Hindi pa nauwi si Jigs ah”saktong pagsabi nya nong, kakapasok lang ni Jigs, mukhang pagod at puyat na puyat. “Speaking of the beast”kantyaw ni Rafuel. Si Jigs naman ay iritableng umupo sa upuang hinihigaan ni Darius. “Anong nangyari?”nagtatakhang tanong ni Cele. Ba’t nya kami tatanungin? Eh mismong kami ay clueless sa nangyari. “Hays! Kakainis”pabulong na sabi ni Jigs. “Anong nangyari pare?”naagaw ni Rafuel ang atensyon ni Jigs. Napatingin ang pagod na mata nya dito. “Wala”sagot ni Jigs at napatingin sakin “Bella, can I talk to you” tumango ako, tumayo sya at naunang lumabas. “What about us?!”sigaw ni Rafuel na gusto pa yatang maki ususyo. Nong lumabas na kami umupo kaming dalawa na isang pahabang upuan at meron din kaming distansya sa isa’t isa. “Bella, I know you’re matured at open ka na sa ganitong topic”nakikinig lang ako kahit medyo alam ko na ang gusto nyang sabihin. “Kagabi. We did that thing”that thing means s*x or making love but obviously, they did making love. “Gusto kong lumayo sya sakin pero binali ko yong pangako ko kagabi, nasabi ko tuloy na mahal ko sya-“ “And you’re making things complicated. Kung mahal mo, mahal mo. Pakasalan mo, total nasa tamang edad naman din kayo”sabay kami napalingon sa gilid. Hindi ko din napansin ang pagsulpot ni Darius, pawis na pawis ito hinihingal pa. “You don’t need her or your parent’s consent”dugtong nya sa sinabi. “Let him decide, hindi ka naman nasa sapatos nya para sabihin yan.” Iritang sabi ko dahil masyadong syang nagmamagaling akala mo sya ang mahihirapan. “Sya naman ang haharap sa mga consequences, hinid ikaw” “Why are you afraid that Diego Joaquin may think ‘bout marrying his Girl?” nagtaas pa sya ng isang kilay at humalukipkip. “Darius, kung gusto mong ipagluklukan na may gusto ako kay Jigs, well ngayon sa harap nya sasabihin ko na.” I paused. “Wala akong gusto sa kanya, malinaw na ba yon sayo?” tinaasan ko din sya ng kilay. Weird lang dahil tumango tango sya at mukhang nagpipigil ng ngiti. “k” yon lang ang sinabi nya umalis na
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD