“Nag-away kayo?”umiling ako at tiningnan ang papalayong si Darius. “Bakit ganon makitungo?”kumibit balikat nalang ako. Napabaling si Jigs sa damit ko na nabili nya. “Wow! Bagay sayo ah!”
“Oo nga e, salamat nga pala dito”ngiti ko pa
“Ano ka ba! Ito naman parang hindi kaibigan!”tinapik nya pa ang balikat ko. “Hay! Salamat nga pala sa pakikinig.”sa mga sinasabi nya para bang isa na nya akong matalik na kaibigan. Mahilig akong makinig sa mga kwento ng mga taong may problema dahil ako danas ko ding walang masabihan noong nangangailangan ako, kaya ayaw ko iparamdam sa tao ang mga nararamdaman ko.
Bumalik kami sa loob, nagkikwentuhan sin Rafuel at Celena samantalang hindi ko naman nakita sa paligid si Darius, baka nasa kwarto at nagbibihis dahil nga galing sya sa pag jogging.
“Ow! Mukhang nagkakamabutihan yata kayo”sabi ni Celena at tumingin ng pabalik balik samin. “She wants to be the mistress, ha”sarkastiko syang tumawa at umiling iling.
“Shut up, Cele. You know I will always choose Sierra and I want to clarify that me and Bella are friends. Any problem with that?” natameme ako sa sinabi ni Jigs dahil mukhang nairita ito.
“HAHA. Calm down Joaquin. Masyado kang pikon”humalakhak pa si Cele na parang hindi natatakot.
“Yeah, Calm down. How ‘bout you? Are you still hoping for Dariel to return?”natahimik si Celena, mukhang may mali sa sinabi ni Jigs at umasim ang mukha nito. Tumawa si Jigs na parang nanalo sa argumento. “Gotcha! Stop it Cele, Darius is not for you. Someone’s got his attention, you know that”
“Diego Joaquin!”Sigaw ni Celena at mukhang nanunubig na ang mata. Tumakbo ito palabas at hindi na kami nilingon. May namamagitan ba sa kanila? Bakit ganon nalang ang reaksyon nya?
“Damn! You’re so brutal dude!”umiling iling si Rafuel na mukhang nag aalala sa tumakbong kaibigan. “You know that it will hit her hard if you mention Darius in the argument”
“Sumusobra na yong babae na yon e, hayaan mo yang spoiled brat na yan”sa kabilang banda, kahit ganon ang ugali ni Celena ay nakaka awa parin sa isang babae ang masaktan. Pero sino ba yong nakakuha ng atensyon ni Darius?
“Anong nangyari”lumabas si Darius, tumingin agad ito sakin.
“Si Jigs, pinagsalitaan ng masama si Cele ayon umiyak at tumakbo”naghihintay ako ng reaksyon sa mukha ni Darius pero wala itong naibigay at dumiretso nalang sa kusina. “Hindi mo susundan?”pahabol na tanong ni Rafuel
“Hayaan mo, huhupa din yon at isa pa, mas maigi na yong lumayo sya sakin para matigil na ang pamimilit ng kanyang papa sakin.” Pamimilit? He means, Celena’s father wanted them to get married?
“Man! Jackpot ka na kay Cele!” pangungutya sa kanya ni Rafuel. Hindi ko na pinatapos ang usapan nila, umalis agad ako at pumasok sa kwarto.
Ayaw ko nang makinig sa usapan nila, it’s not my business either. Pero bakit masyadong big deal sakin ang issue nina Celena at Darius, eh wala naman talaga ako don at lalong labas ako sa ganoong usapan. Hays instead of thinking how to escape ba’t ko pa ba naiisip yon!
“Hey!” napatalon ako sa gulat nong tinawag ako ni Darius, hindi ko namalayang pumasok pala sya. “Hindi ka pa kakain?” nagkurap kurap muna ako dahil biglaan ata to. “Pagkatapos nating kumain, pasyal tayo” mas lalo ko pang ikinagulat.
“Sigurado ka?” pinasadahan nya ulit ang porma ko at kumunot ang noo.
“Sayang naman ang bihis mo, pero kunin mo ang hoody ko dyan sa locker at suotin mo. Medyo mahaba ang biyahe natin at hindi maganda ang labas pusod na mga damit.” Nakatunganga nya akong iniwan. Nang iinsulto ba sya? Wala namang problema sa suot ko.
Kinuha ko nalang ang hoody na sinasabi nya bago lumabas.
“Oh! Kain na Bella!” si Jigs habang naglalapag ng mga plato.
Tahimik kaming kumain at panay isip ko kung saan kami pupunta, sana naman ay malapit sa kampo o kaya naman sa pagpasyal naman ay makakita ako ng kasamahan ko at makita kung okay lang sila. Nong natapos na ang pagkain, sina Rafuel at Jigs na ang inatasan sa pagligpit ng mga plato.
“Ready ka na?”ba’t kinakabahan ako sa presensya nya? Kung kina Jigs at Rafuel naman, komportable ako.
“San lakad nyo?”tanong ni Rafuel.
“None of your business” supladong sagot ni Darius at hinawakan ang kamay ko sabay hinila palabas ng bahay. “I know you’re ready”umirap nalang ako umiling. Baka bukas si Rafuel naman ang umaya sakin pumasyal pero mas ayos naman sakin iyon dahil mas magaan silang kasama.
“Sa’n ba tayo pupunta?”pagbasag ko ng katahimikan habang nagbabiyahe kami. Iba ng landas namin, hindi papuntang palengke o sa bayan.
“Basta”aniya sabay ngumiti ng pilyo. Gagong to, nakuha pang ngumiti. Pero napaisip lang ako, baka nalaman nyang terorista ako at baka dalhin nya ako sa liblib na lugar at patayin. Pero wala naman sa mukha nya ang ganon. “Hoy! Ang lalim ng iniisip mo!”nagulat ako sa pagtawag nya at ginulo pa ang nakaayos kong buhok.
“Ah, wala.”hindi ko namalayang tumigil na pala ang sasakyan na sinasakyan, sa barracks nila. Anong gagawi naming dito? Kinakabahan ako kapag nandito ako.
“Dito ka muna. Saglit lang ako don. Need to submit some reports”tumango ako tiningnan sya habang papalayo. Nakataikod palang wala nang duda na gwapo sya at mukhang laging nagti training ang katawan. I wonder if he has a girlfriend or maybe a wife. Dahil sa age nya hindi malayong may anak at asawa na sya. Nainip ako sa saksakyan nya, wala man lang paglilibangan kaya lumabas ako para lumanghap ng sariwang hangin. Probinsyang probinsya ang amoy ng hangin dito, hindi tulad ng hangin sa syudad.
“Miss, diba ikaw ang nakita nila Captain na nalunod sa ilog?”kumunot ang noo ko nong may kumausap saking nakaunipormeng sundalo rin at medyo bata ang mukha. “Sya yon diba Buddy?”mag kumpirma nya pa.
“Oo, ako nga yon”casual na sagot ko sa kanilang dalawa. Mukhang mabait naman sila at walang pakay na masama kaya mas mabuti nang sagutin ng maayos.
“Sabi na e!”so they knew about me. Akala ko kami kami lang nakaka alam ng tungkol sa pagkalunod ko sa ilog at laking pasalamat ko din na nailigtas pa ako nila Darius. “Kamusta ka na?”
“Okay lang ako. Uh, baka hinahanap na kayo sa loob”pag iiba ko ng usapan dahil kung maari, iniingatan kong makapag bigay ng impormasyon tungkol sa akin.
“Sige Miss. Dito na kami”ngumiti ako at tumango. Natigil ang dalawa nong nakailang hakbang palang nong nakasalubong nila si Darius, sumaludo ang dalawa. Kahit hindi naman naka uniporme si Darius, ang suot lang nito ay black fitted shirt at pantalon.
“Binastos ka?”tanong nya sabay lingon don sa dalawang sundalong kumausap sakin.
“Hindi naman. May itinanong lang”kibit balikat ko at pumasok na sa sasakyan nya. Bago sya pumasok ay nagsindi muna sya ng yosi at nagsuot ng sunglasses. Hindi ko alam na nagyoyosi pala sya.
May asthma ako at bukod sa allergic ako sa alimasag isa ito sa kahinaan ko pero wala akong guts para pagsabihan syang huminto kaya ang ginawa ko, nagtakip nalang ako ng ilong.
“Sorry”sambit nya nong napansin nyang nagtatakip ako. Pinitik nya ang sigarilyo sa labas at agad na binuga ang usok “Asthma?”tumango ako nakahinga ng maluwag nong wala nang naamoy na usok.
“Hind ko lang gusto ang amoy ng usok.”
“Oh s**t!”napamura si Darius at rinig na rinig ko ang malakas na pagkakabreak ng sasakyan. Nanlaki ang mata ko nong merong nangyaring aksidente sa unahan. “Cele!”kumalas ng seatbelt si Darius at nakita ko nalang syang tumatakbo papunta sa aksidente. Napatakip ako ng bibig nong nakita kong si Celena ang hinihila palabas ng kotseng pula mukhang may nakabanggan ata.
Napatakbo narin ako at dumalo sa mga taong nakiki usosyo. Mukhang walang doctor dito, kailangan ko na bang kumilos? Nakita ko si Darius, halos hindi sya mapakali and the way he looked at Cele, para syang mawawalan ng bait. Lumapit ako sa kinalalagyan ni Cele, wala itong malay at may konting dugo sa noo. Inabot ko ang kamay nya, meron pa itong pulso. Mukhang tumama ang ulo nya sa manibela o kung saan mang matigas na bagay sa loob ng sasakyan bago nawalan ng malay.
Nilingon ko sa Darius, alalang alala ito. Tiningnan nya rin ako at mukhang nakokonsensya. I know he’ll cancel this. Medyo sumama ang loob ko pero mas naiintindihan ko ang lagay ng kaibigan nya. Kaibigan lang nga ba.
“Isabella, I’m sorry”pilit akong ngumiti sabay inilahad ang kamay ko sa kanya.
“Sumama ka na sa ambulance. Ako na ang bahala sa sasakyan mo”nalilito sya sa sinabi ko. Ang totoo nyan, dismayado ako.
“Marunong ka?”tanong nya pa at pabalik balaik ang tingin sakin at sa ambulance na pinaglalagyan ni Celena.
“Magpapatulong ako sa mga nakikiusosyo dito. Wag kang mag alala.”kinuha ko ang susi at hindi na ulit sya tiningnan. Sumama sya sa ambulance at hinintay ko muna itong umalis bago ako tumungo sa sasakyan ni Darius. Marunong akong magmaneho ng sasakyan pero matagal tagal na din ang huling maneho ko. Simula nong nasa tamang edad na ako, hinayaan na ako ni Dad na magdala ng kotse kaya alam na alam ko ito. Napabuntong hininga nalang ako. Ito ba ang pakiramdam ng tampo.
Hindi ako uuwi ng bahay, may susubukan akong puntahan. Ginamit ko ang sasakyan ni Darius upang pumunta ng kampo. Hindi muna ako babalik dahil magiging komplikado lalo pa’t dala ko ang sasakyan ni Darius.
Nagtanong tanong lang ako sa mga nadadaanan ko pero nong nakarating na ako sa pamilyar na daanan, mas lalo akong natuwa. Titingnan ko lang kung ano lagay nila doon at hindi din ako magpapakita.
Pinarada ko ang sasakyan sa medyo malayong lugar at nilakad ko nalang papasok sa kampo. Sinuot ko ang hoody na pinahiram sakin ni Darius at tumago sa malaking puno.
Nakit ko si Pinuno, mukhang may pagpupulong sila. Wala dito si Luiz dahil nasa kabilang kampo sila.
”Estella”para akong binuhusan ng malamig na tubig nong narinig ko si Luiz. “Estella, ikaw nga!”yakap ang natanggap ko kay Luiz nong hinarap ko sya, sa kabilang banda, natutuwa din ako at nagkita kami at halos maluha ako sa tuwa. “Ikaw nga!”sobrang saya na Luiz at ako din.
“SHHHH!”Sabi ko at hinila sya patago sa malaking puno.
“San ka nang galing, nag aalala kami sayo!”medyo pabulong narin ang sabi nya.
“Luiz, ipangako mo sakin na walang kang pagsasabihan.”tiningnan ko sya sa mata, kilala ko sya at matalik kaming magkaibigan kaya nagtitiwala akong hindi nya sasabihin ang sekreto ko. “Hindi muna ako babalik. May aayusin lang ako”ang totoo nyan ayaw ko na talagang bumalik sa kampo dahil gusto kong ayusin ang buhay ko sa Iloilo. “
“Ayos kalang ba?”nag aalalang tanong nya.
“Wag kang mag alala sakin, ayos na ayos ako”ngumiti sya at tumango. “Anong ginagawa mo dito?”tanong ko dahil dapat nasa kabila sya.
“Pinadala nila ako dito dahil akala nila patay ka na.”hindi nga malabong maisip nila yon.
“Luiz, hindi na ako magtatagal”napaisip akong wala akong pera at ayaw ko munang umuwi sa bahay. “Luiz, pwede bang maka hiram ng pera”humalakhak ito at dumukot ng wallet.
“Oh ito. Mag iingat si Estella. Nakahinga ako ng maluwag na nakitang buhay na buhay at maayos.”ngumiti ako at niyakap sya.
“Aalis na ako”hindi ko na nilingon si Luiz at bumalik na sa sasakyan ni Darius.
Dumaan ako sa isang kainan gamit ang perang binigay sakin ni Luiz, tumambay rin ako sa lumang simbahan na pinagdalhan sakin ni Jigs dahil plano kong magpagabi. Ayaw kong magmukmok sa bahay dahil lang hindi natuloy ang lakad namin.
Kabado ako nong nakarating sa bahay, tanaw ko agad silang tatlo sa labas at mukhang busy sa pagtatawag sa cellphone. Napahinto lang sila nong pinarada ko na ang sasakyan sa tapat ng sasakyan ni Jigs. Tulala silang tatlo pagbaba ko, parang nakakita ng multo.
Nakita agad ng mata ko ang matalim at galit na galit na titig ni Darius sakin, oh yeah, his car. Pero may atraso din sya sakin pero mas nanalo ang konsensya ko.
“Pasensya na, ginabi.”sambit ko T
at gumawad ng pilit na ngiti sa kanilang tatlo pero tumgil ang tingin ko kay Darius. “Kamusta si Celena?”tanong ko sa kanya dahil sya naman ang kasama. Hindi ito sumagot pero hindi naalis ang titig nya sakin.
“She’s fine now. Mild injuries , wala namang internel bleeding”sagot ni Rafuel.
“Mas nag aalala kami sayo”si Jigs.
“Tangina, san ka nang galing?”nabigla ako sa biglaang pagmura ni Darius, parang namumula na ito sa galit.
“Tinuloy ang plano mo”malamig na utas ko sabay nilampasan silang tatlo bago pumasok sa kwarto.
Bahala ka dyan.