Chapter 8

1871 Words
Tumuloy ako sa kusina at hindi na sila nilingon. Kumuha ako ng tubig at tuloy tuloy na ininom. “Hindi ako tumagal sa hospital dahil mild injury lang naman yon”hindi ko napansing sumunod pala sya sakin at rumason pa!. “Ikaw? Bakit ka ginabi? Are you meeting someone?”napakunot ang noo ko at padarag na nilapag ang baso sa lababo. “I’m just… Whatever” napagtanto kong wala akong dapat ipaliwang at pag uwi lang naman sa gabi na dala ang kotse nya ang atraso ko. “Tangina?! What ‘bout your ‘whatever’?”Galit na galit sya kaya tinapunan ko din sya ng masamang tingin. “Saan ka nang galing?”medyo mahinahong tanong nya at humalukipkip sa harap ko. “Dyan lang”sagot ko at umalis sa harap nya at dumiretso sa kwarto. Ayaw kong makipag bangayan sa kanya. Nakakainis din sya, sa totoo lang. “Open this!”sigaw nya habang kinakatok ng malakas ang pinto. Alam kong wala akong karapatan dahil kwarto nya naman to, kaya pinagbuksan ko nalang. “Where have you been?”tinulak nya padarag ang pinto at pumasok ng tuluyan sa loob ng kwarto. “’Diba narinig mo na kanina. Paulit ulit—“ “I don’t believe you!”umiling nalang ako at binigay ang atensyon sa paghahanap na pantulog. “Damn! Hard headed! You’re meeting someone, huh”doon uminit ang ulo ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang damit ko kahit gustong gusto na ibato sa kanya “Who cares if I’m meeting someone?”kumibit balikat ako. Anong pake nya kung meron nga. Narinig ko syang nagmura. “May I use the bathroom?”pakiusap ko sa naiinis na tono. “We’re talking, Isabella”matigas na sabi. Ahhh, sinusubukan ata ako nito. “Okay, huhubad na ako”sabi ko at sinubukan siyang takutin pero di sya natinag at humalukipkip sya na para bang naghihintay na tanggalin ko ang damit ko. Sibukan kong angatin ang damit ko pero wala man lang syang reaksyon o balak umalis. “Go ahead! I’ll watch”nag init ang pisngi ko lalo pa’t ngumisi pa sya. Tinapunan ko sya ng masamng tingin bago nagmartsa papasok ng banyo. Nang iinis ba sya? Kung ganon, dapat palang umalis na agad ako dito. Nagtagal ako sa banyo para mainip sya at lumabas nalang, hindi ako makakapagbihis kung nasa loob din sya sa kwarto. Damn! I’m still virgin. Napaka big deal sa kanya ang lahat ng kinikilos ko, ano ko ba sya? Hindi dahil nandito ako sa puder nya ay kokontrolin nya lahat ng kinikilos ko. Hindi ko naman sya nobyo! Napairap ako nong nasa loob parin sya at nakaupo sa paanan ng kama, napalingon sya sakin nong napansin nyang lumabas na ako ng banyo. Hindi ko sya binalingan at kinontrol ang sarili dahil baka magpabangayan pa kami dito sa mga walang kwentang bagay. “You still don’t want to talk?”hindi ako sumagot, kumuha ako ng suklay at nagsuklay ng buhok. “Sige, ipagpatuloy mo yang katigasan ng ulo mo. You don’t know this place! Eh paano kung mapahamak ka at mag isa ka lang!” medyo tumaas ang boses nya. Alam ko kung anong tinutukoy nyang delikado, malamang ay natutunugan nilang nasa kabilang baranagay lang ang kampo ng terorista. “What’s dangerous in here? I see nothing”sarkastiko kong sabi, nagkunwaring walang alam sa lahat. “Nothing. Just promise na hindi mo uulitin ang ginawa mo. “tumayo sya at naglakad patungo ng pintuan. “At hindi ko alam na marunong ka palang magmaneho ng sasakyan”pahabol nya bago sinara ang pintuan. Natulala ako don, baka magkaroon na sya ng hint na hindi talaga ako nawalan ng ala ala. Hindi ko inasahang mabilis lumipas ang lingo, nanlaki ang mata ko nong nakita kong dalawang linggo na pala akong nandito. Panay pasyal ang ginawa namin nina Jigs at Raf kapag wala si Darius, pero isang beses kaming pumunta sa palengke ni Darius na kami lang ang magkasama. Nahihiya na ako sa kanila dahil dagdag lang ako papakainin, e wala naman akong ambag. Sakto kanina meron akong nakitang buto ng mga gulay, pechay iyon at pipino, hindi ako ganoon ka galing sa halaman pero naobserbahan ko ang pagtanim sa kampo dati, kaya ito nag tanim ako. Pawis na pawis ako nong pumasok sa bahay, nakita kong nagliligpit ng mga gamit si Jigs at Rafuel sa sala. Napakunot ang noo ko, ang lalaki ng mga bagahe nila! Nakaupo silang dalawa sa sahig at may malaking backpack na kulay itim, maayos ang magkakatupi ng mga gamit nila. “Oy! Nandyan ka pala” ngiti ni Rafuel sakin, napaangat din ng tingin si Jigs at huminto sa pagligpit. “We’re leaving.” Tumango ako dahil obvious ngang aalis sila. “Leaving for Makati” oh, naalala ko ang sabi nya nakaraan kay Sierra. Hindi ko inakalang pati si Rafuel ay sasama. “And I’ll enjoy my vacation in Thailand” napa O and bibig ko sinabi ni Rafuel, sa narinig ko parang gusto kong sumama pero alam kong bawal ‘yon. Sa dami kasi ng bansang napuntahan ko, Thailand ang hindi ko pa din napupuntahan. “It’s Sierra’s birthday, right?”tumango si Jigs at kitang kita ang pagka excited sa mata nya. “Ipaabot mo nalang nag pagbati sa kanya, sayang nga lang at wala akong panregalo sa kanya.” “Ano ka ba! Ayos lang yon!” ngumiti ako, napakabuti talaga nila. “Sige sasabihin ko sa kanya. Gusto mo bang magpaalam sa kanya ngayon? She’ll fetch us, iisang sasakyan lang gagamitin naming tatlo” lumiwag ang mukha ko, unang kita ko palang kasi kay Sierra, ang gaan na ng loob ko sa kanya kaya walang rason para hindi magpaalam dahil baka iyon na ang huling pagkikita namin. Wala dito si Darius, maagang umalis may ihahatid yata sa headquarter, itong mga nagdaang araw hindi kami nagkibuan at nag uusap lang kung kailangan. Mas ayos na yon dahil baka mas lalong lumaki ang inis ko sa kanya. Ang akala ko’y aabutan sila ng tanghali pero hindi pala kasi maya maya nandyan na ang sasakyan ni Sierra, sinilip ko ito at nakita ko ang isang pulang sasakyan at lumabas si Sierra dito. Naka suot sya ng cream na three forth blazer at nay puting spaghetti strap sa loob, samantalang naka ripped jeans naman ang suot nya pang ibaba at naka sapatos itong puti. Sobrang ganda nya nong hinubad nya ang sunglasses at kumaway agad sakin. Mukha syang anghel! No doubts bakit gusto din sya ng gwapong si Jigs. “Isabella!” tili nya at sinalubong ako ng yakap. Ngumiti ako at niyakap sya pabalik na para bang matagal na kaming magkakilala. “How are you!” kumalas sya pero nakahawak sya sa siko ko. Hiyang hiya tuloy ako dahil pawisan ako. “I’m fine” ngiti ko. Konting pag uusap ang ginawa naming bago sya tumingin sa likod ko. “Diego Joaquin!” sigaw nya at tumakbo para mayakap si Jigs, masaya naman syang sinalubong ni Jigs. Napagiti ako habang nililingon ang dalawa. Saglit pang humalik si Sierra sa kanya, mukhang nagka ayos naman sila. “He really deserved it”napalingon ako sa likod, si Darius. Naka suot ito ng army green na fitted shirt at camouflage na pambaba, hindi na kami nagkaabutan kanina kaya hindi ko nakitang nakabihis pala syang pang sundalo. “Natauhan din ang gago”sabi nya pa at naglakad palapit sakin. “Baka umiyak ka sa pag alis nya”hirit nya sabay nakaka inis na ngumiti. “Hiling ko lang na sana walang gulo ngayon”matapang kong sabi sa kanya at binalik ang tingin sa dalawa. “Pano ba yan Captain, baka malungkot ka kapag wala na kami”binanatan agad syang ng tukso ni Jigs at tumawa din pati si Rafuel. “Bro, he’ll have sleepless nights”makahulugang sabi ni Rafuel at sumulyap sakin saglit bago binalik ang tingin kay Darius. “Shut up you two” “Sigurado ba kayong hindi kayo makakapunta?”malungkot na tanong ni Sierra samin. “We’re busy. Maybe next year we’ll attend or maybe on your wedding”seryosong sabi ni Darius. Masaya namang tumawa ang dalawa. “Pag iisipan muna namin yan Captain”napangiti nalang din ako dahil mukhang masaya naman ang dalawa. “Aayusin muna naming ang gusot” “Oo na! Tama na yan! I’ll be late on my flight”awat ni Rafuel at naunang maglakad palabas dala ang mga gamit nya. Huminto ito sa tapad ni Darius at sumaludo. Ganon din ang ginawa ni Jigs. “Bella, this will be the last time. I hope magkita tayo soon”niyakap ako ni Sierra, baka nga hindi na sya babalik dito, nalungkot din ako dahil baka hindi narin kami magkita dahil sobrang komplikado ang buhay ko, aayusin ko muna. “Magkikita pa tayo. Ano ka ba! Aattend pa ako sa wedding nyo!”tawa ko. Kumalas sya at kumaway bago tuluyang naglakad palayo. “Aalis na kami, sabihin mo lang kung inaapi ka ni Captain”si Jigs naman at yumakap din sakin. “Oo”bulong ko sa kanya at tumawa. Kumalas din sya agad at sumunod kay Sierra sabay hawak ng kamay dito. “We’ll leave Bella, take care and drink your hot chocolate everyday—“ “That’s enough Raf, you should go”pamumutol ni Darius, imbes na mainis si Rafuel ngumisi pa ito ng nakaka inis at hinagkan ako sa noo. Nagulat ako don pero alam kong walang malisya. “Bye Sister”bulong nya at kumaway samin at ngumiti. “Stupid”bulong ni Darius na narinig ko naman bago pumasok sa loob ng bahay. Ngayon wala na ang dalawa dito, madali nalang akong makaalis. I miss my family, si Daddy, tita Liovel, Enzo at Karee. Simula nong namatay ang mommy, sa panahon ding iyon nalaman ng Daddy na may anak sya kay Mommy. They’re exes at ako ang bunga ng pag iibigan nila but Daddy said they’re not compatible with each other and he’s sorry na bago nya nalaman nalamang merong ako nong namatay si Mommy and I was two years old na sakto namang pinagbubuntis ni Tita si Karlota. Since I am the oldest, I was very strict to Karee, she even made a nickname for me which is Cruela. Our baby brother Enzo is the quite type and we don’t talk too much at mas nadagdagan pa ang pagkatahimik nya noong nagbinata na, he’s 19. Entering the world of terrorism is not easy, I need to hide my identity and it’s difficult. From Pastel Amethyst Carbonel, I became Estella to protect my name and my family. Thus, my father is Gaudencio Gallo and I am obviously using my Mommy’s last name dahil kinamumuhian ng parents ni Mommy ang tatay ko dahil sa ginawa nya. Now I am here, reaching the life that I wanted. Siguro tulay na rin ito para makaalis sa kampo, rason para baguhin ang pananaw ko sa buhay at abutin ang mga pangarap. Akala ko magiging masaya na ako pagtapos ng kursong kinuha ko, pero hindi pala. Kung ano ang nararanasan ko ngayon, mas lalong nag kumplikado pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD