ONE WEEK had passed. Hindi sukat akalain ni Amber na may magandang mangyayari sa pagitan nilang dalawa ni Archer matapos niyang mag-kwento rito tungkol sa magulang niya no’ng nasa Little Angels pa sila. Hindi din niya sukat akalain na mararanasan niyang maging masaya sa loob ng isang linggo na iyon kasama si Archer. Kung noon ay madalas na sundan at i-instalk ito makita at mapansin lang siya ng binata, ngayon naman ay hindi na niya iyon kailangan gawin dahil ito na mismo ang lumalapit sa kanya. Sa isang linggo kasi na nakalipas ay madalas na magkasama sila ni Archer. Walang araw na hindi sila nagkikita at nagkaka-usap na dalawa. Madalas ay magkasabay din sila ni Archer na kumain ng lunch. Naalala pa nga ni Amber, isang araw pagkatapos no’ng pumunta sila sa Little Angels. Nagul

