Chapter 20

1077 Words
NAG-ANGAT ng tingin si Amber ng maramdaman niyang may tumabi sa kanya mula sa pagkakaupo niya sa bench sa playground ng Little Angels. Pasimple niyang inalis ang kamay mula sa pagmamasahe sa paa na nananakit. Umayos din siya ng pagkakaupo.             Mayamaya ay nagulat na lang siya ng tumayo si Archer mula sa pagkakaupo nito at pumunta ito sa harapan niya. Lalong nanlaki ang mata ni Amber ng biglang lumuhod sa kanyang harapan si Archer.             “What…what are you doing?” tanong ni Amber.             Sa halip na sagutin ni Archer ang tanong niya ay kinuha nito ang isang paa niya at inalis nito ang suot niyang stiletto. Gayundin ang ginawa nito sa isa pa. Pagkatapos niyon ay minasahe nito iyon. Kinagat naman ni Amber ang pang-ibabang labi habang nakatingin siya sa seryosong mukha ni Archer habang patuloy nitong minamasahe ang paa.             “Feeling better?” tanong ni Archer ng mag-angat ito ng tingin patungo sa kanya.             Dahan-dahan siyang tumango. Mula na naman niyang naramdaman ang pagbilis ng t***k ng puso niya ng bahagyang ngumiti sa kanya si Archer. Ipinagpatuloy nito ang pamamasahe sa paa niya hanggang sa sabihin niyang itigil na nito dahil naibsan na kahit papaano iyong kirot na nararamdaman niya.             Bumalik na sa dating pwesto si Archer. Mayamaya ay namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa.             “Archer…”             “Amber…” halos magkasabay na basag nila sa katamikan.             “You go first.”             “Uhm, you go first.” Magkasabay uli na wika nila.  Nagkatinginan silang dalawa ni Archer at magkasabay pa na tumawa. Sa unang pagkakataon ay ngayon lang sila tumawa na magkasabay at sa iisang bagay pa. Her heart was fluttered because of happiness.             “Okay…you go first, Amber.” Mayamaya ay wika ni Archer ng mahismasan ito sa pagtawa.             Kinagat niya ang labi. “Happy Birthday pala.” Bati niya bago niya inalis ang tingin rito at tumingin siya sa kanyang harapan. Hindi kasi niya ito nabati kanina dahil sa schock na naramdaman. Hindi kasi siya makapaniwala na Birthday din nito.             “Thank you.” Narinig niyang pasasalamat ng binata.             Isang ngiti lang ang isinagot naman ni Amber roon. “Amber?” tawag ni Archer sa pangalan niya.             “Yes?” aniya ng sulyapan niya ito. Napansin niyang nakatitig ito sa mukha. At sa sandaling iyon ay kitang-kita niya ang isang emosyon na bumalatay sa mga mata ng binata. “Bakit?”             “Happy Birthday din.” Bati din nito. Namilog ang mata niya. Paano nito nalaman iyon? Wala naman siyang binabanggit rito? Hindi kaya?             “Why you didn’t tell me?” tanong nito habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Hindi naman siya agad nakasagot. “Bakit hindi mo sa’kin sinabi na Birthday mo din kanina. Eh, `di sana hindi lang ako ang binati ng mga bata kanina. `Di sana nabati ka din nila at nabati din kita.”             “Moment mo iyon, alangan naman na makihati ako sa moment mo?”  wika niya na binuntutan pa niya ng mahinang pagtawa. Muli siyang tumingin sa kanyang harapan. “Saka sanay naman ako na iilan lang ang bumabati sa’kin kapag Birthday ko.” Sa pagkakataong iyon ay hindi niya napigilan ang paglungkot ng boses.             Mayamaya ay nagulat na lang si Amber ng maramdaman niya ang mainit na kamay ni Archer na humawak sa kamay niyang nakapatong sa hita niya. Napatingin siya roon at kay Archer. His eyes were soft as the moment their eyes met.             “Bakit?” masuyong tanong nito. “Bakit iilan lang ang bumabati sa’yo?” nanatili siyang nakatitig rito. Naramdaman naman niya ang pagpisil ng binata sa kamay niyang hawak nito na para bang sinasabi nito na okay lang na magkwento siya rito.             Nagpakawala siya ng marahang buntong-hininga. “I don’t have friends.” Umpisa niya. “Tulad ng sinabi mo sa’kin noon ay walang gustong makipagkaibigan sa’kin dahil sa ugali ko.” Tipid siyang ngumiti. Naramdaman naman niya ang paghigpit ni Archer sa kamay niya na hawak nito. “At hindi ko naman kailangan ng kaibigan dahil alam ko naman kung ano ang gusto nila sa’kin.” Dagdag na wika niya.             “What about your family?” tanong ni Archer. Sa pangalawang pagkakataon ay ngumiti siya ng mapait.             “Nag-iisang anak lang ako.” Simpleng sagot niya.             “And your parents?”             “Iyon busy sila sa paglalago ng negosyo nila. At sa sobrang pagka-busy ay nakalimutan nila na may anak sila na naghahanap ng k-kalinga.” Hindi napigilan ni Amber ang pag-garalgal ang boses. Pasimple siyang tumingala upang pigilan ang luhang gustong pumatak sa mga mata niya. “May mga m-magulang nga ako pero hindi ko sila nararamdaman. Para nga lang silang hangin eh. Alam mo iyong tipong hinihintay mo sila sa gabi dahil gusto mo silang makausap pero dahil sa tagal nilang dumating ay nakatulog ka. K-kinaumagahan naman ay gigising ka ng maaga para sana makasabay mo sila sa hapag-kainan pero k-kahit na maaga ka ng nagising mas nauna pa rin sila.” Pagku-kwento niya. “Alam mo ba iyong tipong gusto mong mag-celebrate ng birthday mo kasama sila pero mas inuna pa rin nila iyong conference nila abroad. Hindi nga lang nila ako magawaang batiin ng ‘Happy Birthday.’ Hindi ko nga alam kung baka masyado lang silang busy kaya hindi nila ako magawang batiin o hindi kaya talagang nakalimutan nila na Birthday ko ngayon.” Patuloy na pagku-kwento niya. Hindi namalayan ni Amber na isa-isa na palang nagsisipatakan ang luha sa kanyang mga mata. Gamit ang libre niyang kamay ay pinunasan niya ang luhang naglandas sa mga pisngi. “Ay…bakit ako umiiyak?” tanong niya sa sarili. “Ano ba ito? Bakit ayaw tumigil?” aniya ng tuloy-tuloy na pumatak ang luha sa kanyang mata. Nagulat na lang siya ng maramdaman niya ang kamay ni Archer sa baba niya at ipinaharap siya nito sa gawi nito. Yumuko siya agad para hindi nito makita ang pagluha niya. Pero inangat muli ng binata ang mukha niya hanggang sa magtama ang paningin nilang dalawa. May nababanaag siyang halo-halong emosyon sa mata ni Archer habang nakatitig ito sa muka niya. Inalis nito ang pagkakawak nito sa baba niya at hinaplos nito ng masuyo ang pisngi niya. Sa ginawa nito ay hindi niya muli napigilan ang sariling emosyon. Sa unang pagkakataon ay umiyak siya sa harap ng ibang tao. Sa unang pagkakataon ay ipinakita niya na mahina siya sa harap ng ibang tao.             Nabigla na lang si Amber ng hilain siya ni Archer palapit rito at walang sabi-sabing niyakap siya nito. Hinayaan na lang niya ito at isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito at nagpatuloy sa pag-iyak.             Hindi naman kumibo si Archer. Sa halip ay humigpit lang ang pagkakayakap nito sa kanya na tila ba ipinapahiwatig nito na hindi siya nag-iisa. Na nandito lang ito sa tabi niya at hindi siya iiwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD