Chapter 19

1028 Words
SINULYAPAN ni Archer ang suot na relong pambisig ng mapansin niyang ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik si Amber buhat sa pagpapaalam nito na pupunta lang ito ng Comfort room. Nasa masayang pagku-kwentuhan kasi sila ng mga bata ng magpaalam ito sa kanya na mag-c-cr lang ito. Kanina pa ito nagpaalam pero hindi pa rin ito bumabalik.             Nasaaan na kaya ang babaeng iyon? Tanong niya sa isip. Ipinilig na rin niya ang ulo para hindi niya isipin si Amber. Itinuon na rin niya ang atensiyon sa mga bata sa bahay ampunan pero ilang Segundo na ang lumipas ay na kay Amber pa rin ang atensiyon niya. Nagpakawala na lang si Archer ng marahang buntong-hininga at napagpasyahan na hanapin si Amber kung saan ito napadpad. Baka mamaya ay nawala na ito.             Paano naman mawawala ang dalaga eh, maliit lang naman ang bahay ampunan, anang bahagi ng isipan.  Ang sabihin mo ay hindi ka lang mapakali dahil hindi nakikita ng mata mo ang mukha ni Amber. Tukso pa ng isipan.             Ipinilig na lang ni Archer ang ulo. Nagpaalam lang siya saglit sa mga bata at tumayo na siya sa kinauupuan upang hanapin ang dalaga.             Patungo sana si Archer sa comfort room ng mapatigil siya sa paglalakad ng may naulingan siyang mga boses.             “Masakit pa ba?” anang boses. At sigurado siyang boses iyon ng dalaga. Hinanap niya kung saan nanggaling ang boses na iyon hanggang sa mapahinto siya sa paglalakad sa nakabukas na kwarto.             “M-masakit po.” Sumilip si Archer mula sa pinto at nakita niya roon si Amber at isang batang babae na tantiya niya ay nasa apat na taong gulang. Nakaupo ang mga ito sa ibabaw ng kama.             “Ito, masakit pa rin ba?” malumanay na wika ni Amber sa batang babae pagkatapos nitong ihipan ang tuhod ng bata. Nang mapatingin siya sa tuhod ng bata ay napakunot ang noo niya nang makitang may dugo roon.             “Kunti na lang po.” Sagot ng bata kay Amber.             Ngumiti si Amber at masuyong hinaplos ang ulo ng bata. “Uhm, kailangan na nating gamutin ito, ha? Para hindi ma-infection. Huwag kang mag-alala dadahan-dahanin ko para hindi masyado masakit.” Masuyong wika nito sa bata. Pagkatapos niyon ay kinuha nito ang bulak at alcohol na nasa gilid ng kamay saka nito nilinisan ang sugat ng bata sa tuhod. At habang pinagmamasdan niya ang dalawa ay parang may mainit na kamay na humaplos sa puso niya.             Hindi sukat akalain ni Archer na ang isang Amber Borromeo—isa sa binansagang Mean Girls ng Unibersidad nila ay may kakayahang mag-alaga ng bata. Wala kasi sa personality ng dalaga ang bagay na iyon. Ang akala din ni Archer ang tanging alam lang ni Amber ay ang mag-shopping hanggang sa magsawa ito. Ang mambully sa mga hindi nito feel na kaklase o schoolmate.             Sa isang bahay ampunan niya dinala si Amber ng sabihin nitong i-date niya ito ng sabihin niya rito na gagawin niya lahat para lang tanggapin lang nito ang sorry niya sa mga masasakit na salitang binitawan niya rito. At dahil sinabi niya rito na gagawin niya ang lahat ay pumayag siya. Sakto naman na kinabukasan niyon ay birthday niya at gusto niyang i-celebrate ang birthday niya sa isang bahay ampunan na madalas na puntahan niya—ng mga magulang niya. Kaya isinama na lang din ni Archer si Amber roon.             At first, nagdadalawang isip si Archer kung magandang ideya ba na isama si Amber ro’n. Baka mamaya kasi ay sungitan nito ang mga bata. May pagkamakulit pa naman ang mga bata na naroon sa bahay ampunan. Pero mali na naman si Archer sa bagay na iyon. Kabaliktaran kasi ang naiisip niya sa nangyari. Mukhang magiliw ang dalaga sa mga bata. Nakikipag-kwentuhan ito at masayang nakikipaglaro sa mga bata. Kanina nga nakita niya may lumapit ritong isang batang babae at gustong magpakandong kay Amber at walang pagdadalawang isip na kinandong ng dalaga ang batang babae. Nakita pa niya ang ginawang pag-aayos ng dalaga sa magulong buhok ng bata. Sa eksenang iyon ay para na namang may mainit na kamay na humaplos sa puso niya. At hindi maintindihan ni Archer sa sarili kung bakit niya iyon nararamdaman para sa dalaga. “Tapos na.” masayang turan ni Amber pagkatapos nitong gamutin ang sugatang tuhod ng bata. Tiningnan ng bata ang tuhod nito pagkatapos niyon ay tumingin it okay Archer. “Thank you po…Ano nga po ulit ang pangalan niyo?” Ngumiti ng pagkatamis-tamis si Amber sa bata. At hindi na naman niya maipaliwanag kung bakit bumilis na naman ang t***k ng puso niya. “Amber ang pangalan ko. Tawagin mo na lang akong Ate Amber.” Nakangiti na wika nito. Ngumiti din ang bata. “Thank you po, Ate Amber sa paggagamot niyo sa tuhod ko.” Ibinalik ng dalaga ang mga ginamit nitong panglinis sa sugat sa tuhod ng bata sa loob ng medical kit. Pagkatapos niyon ay muli itong tinitingnan ang bata. “Hindi ako tumatanggap ng thank you.” Sabi ni Amber dahilan para bahagyang magsalubong ang mga kilay niya. “Po?” Ngumuso ang dalaga. “Gusto ko i-kiss mo ako rito?” anang dalaga sabay turo sa pisngi nito. Biglang nawala ang pagkakasalubong ng mga kilay niya. Mabilis naman tumalima ang bata, dumukwang ito at mabilis na hinalikan si Amber sa pisngi. Tumawa si Amber. And sounds music to his ears. Hindi niya alam na may sumungaw na palang ngiti sa labi niya. “Tapos gusto ko na i-hug mo ako at batiin mo rin na Happy Birthday?” Nanlaki ang mga mata ni Archer. Ano ang ibig nitong sabihin? “Birthday niyo po ngayon?” Tumango si Amber. “Yup, twenty na ako.” Birthday din pala nito. Pero bakit hindi nito sinabi sa kanya? Eh, `di sana nabati niya ito kanina at masabi niya sa mga bata na batiin din ito tulad ng surpresang ginawa ng mga ito sa kanya. “Kaya hug mo na ako, pa-birthday gift mo na lang kay Ate Amber mo.” Tumalima ulit ang batang babae. Niyakap nito si Amber at gumanti naman si Amber ng yakap rito. “Happy Birthday po, Ate Amber.” At parang may tumusok sa puso ni Archer nang makita niya ang isang butil ng luha na pumatak sa mata ni Amber habang yakap-yakap nito ang bata. Mabilis naman pinunasan ni Amber iyon. At sa sandaling iyon ay gusto-gusto niyang lapitan ang dalaga at siya mismo ang magpunas niyon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD