Chapter 18

1430 Words
NAKANGITI si Amber habang pinagmamasdan niya si Archer at ang mga bata sa isang bahay ampunan sa may Pampangga habang naglalaro ang mga ito ng basketball sa mini court sa mismong bahay ampunan—at Little Angel ang tawag do’n. Ang buong akala ni Amber ay mag-a-out of town silang dalawa ni Archer. Iyon kasi ang nasa isip niya kanina habang nasa biyahe silang dalawa ng binata. Iyon pala ay sa isang bahay ampunan siya nito dadalhin. Aaminin niya sa sarili na nakaramdam siya ng bahagyang disappointment ng malaman niyang do’n lang pala siya dadalhin ni Archer. Siyempre, ini-expect ni Amber na magiging romantic iyong unang date nilang dalawa ng binata. Iyong bang tipong sila lang dalawa na magkasama—masayang nagku-kwentuhan, nag-uusap tungkol sa sarili nila. Iyon pala ay taliwas iyon sa ini-expect niya. Pero nawala din iyong disappointment na naramdaman niya nang makita ang ngiti na nakasungaw sa labi ni Archer at ang ngiti din sa labi ng mga batang kalaro ng binata sa sandaling iyon. Mayamaya ay nakita ni Amber na binuhat ni Archer ang isang batang lalaki may hawak na bola. “Shoot the ball, Kaven.” Wika ni Archer sa bata habang buhat nito. Agad naman tumalima ang batang buhat ni Archer. Shinoot nito ang bola sa ring na malapit na rito. “Kaven—two points.” Natatawang wika ni Archer ng mashoot ni Kaven ang bola sa ring. “Yeheey!” Sigaw ni Kaven ng maibaba ito ni Archer. Ang mga batang kasama naman ni Archer na naglalaro ay pumapalakpak habang nakatingin ang mga ito kina Kaven at Archer. Pumalakpak din siya dahilan para mapatingin sa kanya ang binata. Nginitian niya ang binata ng magtama ang mga paningin nila. Nahigit niya ang hininga kasabay ng pagrigodon ng kanyang puso ng gantihan ng binata ang ngiting pinagkaloob niya rito. Sa kauna-unahang pagkakataon kasi ay ngayon lang siya nito nginitian—iyong ngiting tipong sincere. Lalo tuloy lumawak ang ngiti sa kanyang labi. Mayamaya ay narinig ni Amber ang pagtawag sa kanila ng mother superior ng nasabing bahay ampunan. “Mga bata, magpahinga mo na kayo at kakain na tayo.” Anang mother superior. “Opo.” Sabay-sabay na wika ng mga bata. Pagkatapos niyon ay sabay-sabay ang mga ito na tumakbo patungo sa loob ng bahay. “Archer at Amber, sumunod na rin kayo sa loob.” Anang mother superior ng sumulyap ito sa kanila ni Archer. “Sige po.” Magkasabay na wika nila ni Archer. Naglakad naman si Archer palapit sa kanya. At nang makalapit ito ay napansin niya ang pawis sa noo nito. Umangat naman ang kamay ni Amber na may hawak na panyo patungo sa noo ni Archer upang punasan ang namuo na pawis roon. Naramdaman ni Amber ang bahagyang paninigas ni Archer sa kinatatayuan nito sa ginawa niya. Habang pinupunasan ni Amber ang pawisang noo ng binata ay tumingin siya sa mga mata nito ng maramdaman niya ang mainit na titig nito. And she was right, dahil nakita niyang nakatitig ito sa mukha niya. Blangko ang ekpresiyon ng mukha nito, pero nandoon pa rin ang seryosong ekspresiyon niyon. Naramdaman na naman ni Amber ang tila paglalaro ng paro-paro sa kanyang tiyan habang sinasalubong niya ang mainit na titig ni Archer. “Kailangan mo na ring magpahinga. Mukhang napagod ka sa kalalaro sa mga bata.” Aniya kay Archer. “Okay lang. At least napasaya ko sila.” Sabi ni Archer na nakangiti. Ngumiti lang naman si Amber. “Uhm, can I borrow your hanky, Amber?” mayamaya ay wika ni Archer sa kanya. “Naiwan ko yata sa kotse iyong dala kong panyo.” “Hmm…sure.” Wika niya. Mabilis din niyang inabot kay Archer ang panyo na hawak niya. Kinuha naman nito ang inaabot niya, at ng kunin nito iyon ay hindi sinasadyang magdikit ang mga balat nila. Tulad na lang ng nararamdaman ni Amber sa tuwing magdidikit ang mga balat nila ng binata ay naramdaman na naman niya ang mainit na bagay na nanulay sa buong katawan niya. Nag-angat siya ng tingin patungo sa mukha ni Archer at huli-huli niya itong seryosong nakatitig sa kanyang mukha. Lihim siyang napangiti ng agad nitong iniwas ang tingin sa kanya. Tuluyan na rin nitong kinuha ang panyong inaabot niya rito. “Thanks.” Ani ni Archer. Pagkatapos niyon ay gumilid ito sa kanya at pinunasan nito pawis sa batok at leeg nito. At habang ginagawa nito iyon ay nanatili naman siyang nakatitig sa mukha nito. Kahit na kalahati lang ng mukha ni Archer ang nakikita niya dahil nakatagilid ito ay hindi pa rin maitatanggi na gwapo talaga ang binata. Ngumiti siya ng biglang tumingin ito sa kanya. Mukhang napansin yata nito na pinagmamasdan niya ito. May emosyon siyang nakita sa mga mata ni Archer ng magtama ang paningin nilang dalawa pero para lang iyon isang kidlat dahil nawala agad. “Ibalik ko na lang itong panyo mo kapag nalabhan ko na.” ani Archer, bahagya pa nitong itinaas ang panyong hawak. She smiled. “No problem.” Sagot ni Amber. Gusto sana niyang sabihin rito na kahit huwag na nitong ibalik sa kanya ang panyo dahil marami naman siyang ganoon. Pero nagbago ang isip niya. Mabuti pa ngang ibalik nito sa kanya ang panyo niya para may dahilan na lumapit sa kanya ang binata, may dahilan para magkita muli sila. Napansin niyang ibinulsa ng binata ang panyo sa bulsa ng suot nitong pantalon. “Halika na, pasok na tayo sa loob.” Nang magsimula maglakad si Archer ay mabilis siyang umagapay rito. Deretso lang naman ang tingin ni Amber. At dahil deretso lang naman ang tingin niya ay hindi niya napansin ang laruang kotse na nasa dinadaanan niya dahilan para matalisod siya. At mabuti na lang at mabilis ang reflexes ng katabi niya na si Archer dahil agad nitong nahawakan ang baywang niya para hindi siya tuluyang matalisod. Humawak naman siya sa braso ng binata para suportahan ang sarili. “This is what I told you earlier. Dapat hindi ka nagsusuot ng ganyang sapatos. Kasi ipapahamak lang ng mga— “Sshh…” inilapat ni Amber ang hintuturo sa labi ni Archer para pahintuin ito sa pagsasalita. Napansin niya ang paglunok ng sunod-sunod ni Archer at ang matiin na pagtitig nito sa mukha niya—partikular sa kanyang labi. “Wala namang nangyari eh. Hindi ako napahamak. So, there’s no need for you to freak out.” Sabi niya sa binata na nakangiti—o mas tamang sabihin na nakangisi. “I’m not freaking out. Pinapangaralan lang kita sa posibleng mangyari dahil diyan sa suot mo.” Defensive na wika ni Archer ng tanggalin nito ang hintuturo niya na nakalapat sa labi nito. She just shrugged his shoulder. “Oh—kay.” Tinulungan siya ni Archer na umayos ng pagkakatayo. “Pasok na tayo sa loob. Baka hinihintay na tayo.” Ani ni Archer. Napaigtad siya ng makaramdam siya ng kiliti ng hawakan siya nito sa gilid ng kanyang baywang. “Alalayan na kita baka mapahamak ka na naman diyan sa suot mong sapatos.” Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang mapangiti. Pero hindi din iyon nakatulong. “Oyy…concern siya sa’kin.” Pang-aasar ni Amber habang naglalakad na sila papasok sa loob ng bahay ampunan. “Shut up, Amber.” Sinundot niya ito sa tagiliran dahilan para mapaigtad ito. Mukhang malakas ang kiliti ng binata roon.  Muli sanang susundutin ni Amber ang tagiliran ng binata ng huliin nito ang kamay niya at hindi na nito na iyon muling binitawan pa.  “Bakit mo ideni-deny na concerned ka sa’kin. Tayo-tayo lang naman ang nakakaalam no’n eh. Saka wala namang masama kung maging concern ka sa’kin. Girlfriend mo naman ako, `di ba, boyfie?” patuloy na pang-aasar ni Amber. “Shut up.”  Tinawanan lang ni Amber ang binata. At ng mapatingin siya sa mukha nito ay nakita niya ang pag-angat ng sulok ng labi nito tanda ng pag-ngiti. Naramdaman tuloy niya ang pagtalon ng puso niya sa sayang naramdaman niya sa pangalawang pagkakataon ay nakita niya ang pagsilay ng ngiti sa labi nito. Two points, Amber. Keep it up!             Hindi pa rin naalis ang ngiti sa kanyang labi habang naglalakad silang dalawa ni Archer papasok sa loob ng bahay ampunan. Hindi pa rin kasi mawala-wala sa kanyang isipan ang pag-ngiti ni Archer. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang t***k ng puso niya—at tumitibok lang iyon ng ganoong kabilis sa isang tao—at walang iba kundi kay Archer lang.             Mayamaya ay nakapasok na sila sa loob ng bahay ampunan. Deretso na din silang sa may dining area no’ng wala silanang makitang ibang tao na naroon. Nang makarating silang dalawa sa dining area ay hindi niya napigilan ang manlaki ang mata at ang pag-awang ng labi ng bumungad sa kanilang dalawa ni Archer ang mga confetti ng party poppers at ang masayang pagbati ng mga bata.             “Happy Birthday, Kuya Archer!” sabay-sabay na bati ng mga bata.             Napatingin naman si Amber sa kanyang tabi na si Archer na may ngiti sa labi habang nakatingin ito sa surpresa ng naroon sa bahay ampunan.             What the…Birthday din ni Archer!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD