Chapter 17

955 Words
TINAASAN ni Amber ng isang kilay ng sulyapan siya ni Archer mula ulo hanggang paa ng makalapit siya sa mesang kinauupuan nito. “What?” Tanong niya ng huminto ang tingin nito sa mukha niya. “Natanggap mo ba iyong text ko sa’yo?” Tumango siya. “Yup.” Maikling sagot niya dahilan para magsalubong ang mga kilay nito. “So, bakit ganyan ang suot mo?” Tanong ni Archer. Saglit na sinulyapan ni Amber ang sariling suot. “Nakabihis na ako no’ng mag-text ka sa’kin. Tinamad na ako kaya hindi na ako nagpalit.” Sagot niya ng mag-angat siya ng tingin. “What’s wrong with my clothes?” Tinaasan niya ito ng kilay. “Walang namang masama sa suot mo.” Sabi ni Archer. Sa muling pagkakataon ay sinulyapan nito ang suot niya. “Iyon nga lang hindi appropriate ang suot mo sa pupuntahan natin.” Nagsalubong ang mga kilay niya. “Saan ba tayo pupunta?” Tanong niya. “Hindi ba tayo magda-date sa isang expensive restaurant?” Sa tuwing may nakaka-date kasi si Amber ay madalas sa mamahaling restaurant siya dinadala ng mga ito. Kaya ang akala din niya ay do’n din siya dadalhin ni Archer. Archer made a low laugh. “Of course...not.” lalong nagsalubong ang mga kilay niya. “Hindi tayo do’n magda-date.” “At kung hindi do’n? Saan naman?” Penamaywangan na niya ito. “Malalaman mo din.” Ani ni Archer sabay tayo sa kinauupuan. “Let’s go.” Anag binata at nag-umpisa ng maglakad. Pero sa halip na ihakbang niya ang mga paa ay nanatili pa rin siya sa kanyang kinatatayuan. At mukhang napansin ng binata na hindi siya sumusunod rito dahil huminto ito sa paglalalad at binalingan siya niyo. “Why are you still standing there?” “Answer me first. Where are we going?” Tumingala si Archer at marahang hinaplos ang batok nito. “Bakit ba ang kulit mo?” Tinaasan niya ito ng isang kilay. “Eh, bakit hindi mo kaya sagutin ang tanong ko para hindi kita kulitin?” “We’re going to the nearest mall.” Nanlaki ang mga mata niya. “Do’n mo ako idi-date?” Sa buong buhay ni Amber ay hindi pa niya nasubukan makipag-date sa mall. Tulad nga ng sinabi niya kanina ay madalas sa isang mamahaling restaurant siya dinadala ng mga lalaking nakaka-date niya. Kakain tapos magku-kwentuhan lang. Pagkatapos niyon ay ihahatid na siya ng mga ito sa bahay nila. At sa sandaling iyon ng sabihin ni Archer na sa Mall sila pupunta ay nakaramdam siya ng bahagyang excitement. Oo, ilang beses na siyang nakapunta si Amber sa Mall. Madalas siyang mag-shopping kung naisipan niyang bumili ng mga bagong damit niya. Pero ang makipagdate sa mall? She never experience that. Marami na siyang naririnig at nababasa tungkol sa pakikipagdate sa ganoong klaseng lugar. Watching movie, maglaro sa arcade and etc. At lalong nadadagdagan iyong excitement na nararamdaman niya habang naiisip niya ang pwede nilang gawin ni Archer sa Mall. “Nope.” Sagot ni Archer dahilan para mapasimangot siya. “So, anong gagawin natin do’n?” “Bibili tayo ng mga damit na ipamamalit mo diyan sa suot mo.” Nagsalubong ang mga kilay niya. “No way! I’m not going to change what I wearing right now.” Matatag na wika niya na sinabayan pa niya ng pag-iling. Kahit na anong sabihin at gawin nito ay hindi niya papalitan ang suot niya sa sandaling iyon. Sinalubong ni Amber ang mga titig ni Archer. Gusto kasi niyang ipahiwatig sa pamamagitan ng kanyang titig na hindi niya susundin kung ano ang ipinag-uutos nito. Mukhang naman naintindihan ng binata ang pahiwatig niya dahil nagpakawala ito ng marahang buntong hininga. Lihim na lang napangiti si Amber sa kanyang isipan. Mayamaya ay napansin ni Amber na tumingin ang binata sa sapatos na suot niya. “Okay. Hindi na kita pipilitin na palitan iyang damit na suot mo. Pero kailangan mong palitan iyang sapatos mo ng tsinelas para maging komportable ka sa pupuntahan natin.” Ani ni Archer. Nanlaki ang mga mata ni Amber. “What? Do you want to me wear a slippers?” Tanong niya sa nanlalaki pa ring mga mata. “Alam mo bang halos isang oras din akong naghanap ng sapatos na babagay dito sa damit na suot ko? Tapos gusto mong pagsuotin ng slipper? Are you kidding me, Archer?” Sa pangalawang pagkakataon ay muling nagpakawala ng marahang buntong-hininga si Archer. “Okay. If that’s what you want. Pero binalaan na kita, Amber. Huwag kang magreklamo sa’kin kapag nanakit iyang mga paa mo.” Ngumiti siya ng matamis rito. “Don’t worry. I’m not going to complain. Promise!” Ani ni Amber sabay taas ng kanang kamay na tila nanunumpa. Iiling na lang si Archer. Lalo namang lumawak ang ngiti sa kanyang labi ng mapansin niya na pinipigilan lang ng binata ang mapangiti. “Halika na.” Yaya na ni Archer. At sa pagkakataong iyon ay inihakbang na ni Amber ang paa palapit rito. At ng nasa tabi na niya ito ay nag-umpisa na rin itong maglakad. Umagapay naman si Amber sa paglalakad nito. “Saan mo ako dadalhin?” Tanong niya. “Malalaman mo rin pagdating natin sa pupuntahan natin.” Tanging sagot ni Archer. Hindi na lang muli nagtanong si Amber. Mukhang wala din kasing balak si Archer na sabihin sa kanya kung saan sila pupunta. Mukhang gustong nitong i-surpresa sa kanya ang pupuntahan nila. Well, she loves surprises too. That’s why she’s not bothering to ask him anymore. Mayamaya ay nakarating silang dalawa ni Amber sa parking lot ng establishemento kung saan ang meeting place nilang dalawa ng binata. Lumapit si Archer sa gawi ng passenger side ng kotse nito. Pagkapos niyon ay pinagbuksan siya ng pinto. “Hop in.” Mabilis na sinunod ni Amber ang sinabi ni Archer. Mabilis siyang sumakay sa kotse nito. Nanang makita ng binata na maayos na siyang nakaupo ay marahan nitong isinara ang pinto. Pagkatapos niyon ay nagtungo ito ng sa gawi ng driver side at sumakay din do’n. At bago paandarin ni Archer ang makina ng kotse nito ay sinulyapan siya nito. “Seatbelt first.” “Okay.” Mabilis na tumalima si Amber. Nang masiguro ng binata na suot na niya ang seatbelt ay inumpisahan na nitong paandarin ang sasakyan nito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD