Chapter 16

981 Words
SAKTONG naisuot ni Amber ang strap ng three inches stilleto sa kanyang paa ng marinig niya ang pagtunog ng message alert tone ng cellphone niya na nakalapag sa ibabaw ng kama. Tiningnan niya kung sino ang nagpadala ng mensahe at nang makita niya kung sino ay agad niyang dinampot iyon at agad na binasa. Napasimangot siya na mabasa niya ang mensaheng ipinadala ni Archer sa kanya. Laman kasi ng mensahe nito ay pinagsusuot siya nito ng simpleng damit. Napatingin naman si Amber sa suot niya. Nakasuot siya ng black mini dress na hapit sa kanya na nagpapakita sa kanyang hubog na katawan. At sa halip na sundin ni Amber ang sinabi ni Archer ay tumayo na siya mula sa pagkakaupo niya sa gilid ng kanyang kama saka niya dinampot ang handbag na nakalapag din roon. Pinaghirapan niya ang pagpili ng isusuot niya sa date nila ni Archer. Tapos pagbibihisin siya nito ng simpleng damit? No way! Ngayong araw na ito ang date nilang dalawa ni Archer. Ang i-date siya ng binata ang sinabi niya rito ng sabihin nito sa kanya na gagawin nito ang lahat tanggapin lang niya ang paghingi nito ng patawad sa kanya sa mga salitang binitawan nito sa insidente na nangyari sa Cafeteria apat na araw na ang nakakaraan. Nasaktan siya ng sobra sa mga binitawan na mga salita ni Archer. Hinusgahan na kasi siya nito agad ng hindi man lang inaalam ang buong kwento. She was judge without a trial. Alam naman niyang may kasalanan siya sa nangyari. Dapat hindi na niya pinatulan ang babaeng iyon at hinayaan na lang niya ito. Pero, alam naman niyang hindi niya magagawa iyon. Alam niyang hindi niya magagawang hayaan ito sa kasalanang ginawa nito sa kanya. Siya pa naman si Amber Borromeo at hindi siya makakapayag na ganuhin lang siya. If she wants war? I’ll give her the war she wants. Kaya iyon, ginaya din niya ang ginawa nito sa kanya. Binuhusan din niya ito ng tubig tulad ng ginawa nito sa kanya. At iyong ang eksaktong nasaksihan ni Archer. At dahil kilala siya bilang bully sa eskwelahan nila, bilang isang miyembro ng Girls Meanistry ay alam ni Amber na kahit ipagtanggol niya ang sarili rito, at sabihin na hindi siya ang nagsimula ay alam niyang hindi siya paniniwalaan. And she was right. Hindi man sinagot ni Archer ang sinabi niya rito na ‘Kung sasabihin ko bang hindi? Paniniwalaan mo ko?’ sa pananahimik nito, sa tingin na ipinagkaloob nito sa kanya ay alam niyang hindi ito naniniwala. So, why bother to explain her side to him? Alam naman niyang hindi siya nito paniniwalaan at mas paniniwalaan nito ang nasaksihan at ang sumbong ng babae rito na ginawa niya. Aaminin ni Amber na nakaramdam siya ng sakit sa puso ng hindi siya pinaniwalaan ni Archer. Lalo na sa mga salitang binitawan nito. Lalong-lalo na iyong sinabi nito sa kanya na hindi siya nito magugustuhan dahil sa masamang ugali niya. At no’ng masaktan siya ay do’n naamin ni Amber na hindi lang pala pagkagusto ang nararamdaman niya para kay Archer. Hindi lang din dahil hindi siya nito pinapansin kung bakit siya natsa-challenge na kulitin ito, na sundan ito, na i-instalk ito. May mas malalim pala na dahilan iyon. No’ng una ay hindi lang niya pinagtutuonan ng pansin iyon. Pero no’ng nasaktan siya at umiyak siya dahil sa salitang binitawan ni Archer ay do’n naamin ni Amber na mahal na pala niya si Acher. Days passed by, kasabay ng pagpapapansin niya rito ay kasabay din ng pagkahulog ng puso niya sa binata.  She was fallin love with...Archer. Halos dinamdam nga din ni Amber ang mga sinabi ni Archer sa kanya noon. Hindi siya makatulog, hindi siya makakain. Hirap man aminin pero iniiyakan niya ng dalawang gabi si Archer sa tuwing naiisip niya ang mga salitang binitawan nito sa kanya sa panahong iyon. Pagkatapos nga ng pangyayaring iyon ay hindi siya nagparamdam kay Archer. Halos dalawang araw din iyon. Kaya laging pagtataka niya nong makatanggap siya ng tawag buhat rito. At dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin rito ay hindi niya sinagot at tawag nito. Hindi nga din niya ni-reply ang mensaheng ipinadala nito. Kaya nagulat na lang din siya no’ng lapitan siya nito. Akala niya nilapitan lang siya nito para na namang pagsabihan sa pagiging bully niya. Iyon pala ay nilapitan siya nito dahil gusto nitong humingi ng tawad para sa mga masasakit na salita na binitawan nito. Nalamam pala ng binata ang buong kwento sa insidente sa Cafeteria kaya gusto nitong humingi ng tawag. No’ng himingi ito ng sorry ay agad na tinanggap ni Amber iyon pero nagpakipot pa siya ng kunti rito. Hanggang sa sinabi ni Archer na gagawin nito ang lahat tanggapin lang niya ang sorry nito. Naalala pa nga ni Amber ang naging reaksiyon ni Archer ng sabihin niya rito ang gusto niyang gawin nito para tanggapin niya ang sorry nito. “What? Do you want me to date you?” naalala ni Amber na tanong ni Archer sa nanlalaking mata. Iyon, iyong hiningi ni Amber na gustong gawin ni Archer para tanggapin niya ang paghingi nito ng tawad. At bakit iyon ang hiningi ni Amber? Isa lang ang dahilan—ang maranasan na i-date siya ng lalaking natutunan niyang mahalin sa maikling panahon lang. Sa huling pagkakataon ay sinulyapan niya ang sariling repleksiyon sa salamin bago niya napagdesisyonang lumabas ng kwarto niya. Kay Yaya Meding lang nagpaaalan si Amber ng makababa siya sa unang palapag ng bahay nila. As usual ay wala na naman do’n ang magulang niya. They are out of country for conference. Nang magpaalam siya kay Yaya Meding ay sinabi nito sa kanya na umuwi agad. At alam ni Amber kung bakit siya pinapauwi ng maaga ni Yaya Meding. Isang ngiti lang ang isinagot ni Amber rito. At ng makapagpaalam siya ay tuluyan na siyang lumabas sa bahay at dumiretso sa naghihintay sa kanya na family driver nila. Nang makalapit siya rito ay sinabi niya kung saan siya sila pupunta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD