Chapter 10

1893 Words
KAPAG si Amber Borromeo ang nagplano. Maliit lang ang tyansang hindi niya iyon mapagtatagumpayan. And she was right. Dahil tagumpay muli ang plano niya. Dahil wala ng hahadlang sa pagkuha niya sa atensiyon ni Archer. Dahil tulad ng ipinangako sa kanya ni Adam—isang linggo na lumipas ay napaibig nito si Nikki.  Hindi niya alam kung ano ang ginawa ni Adam para mapaibig nito ang babae. Kung ano ang ginawa nito para  makuha ang tiwala ng babaeng may trust issue. Pero hindi na mahalaga kay Amber iyon. Ang mahalaga para sa kanya ay wala na si Nikki sa eksena sa kanilang  dalawa ni Archer. Ngayon ay maisasagawa na rin niya ang susunod na plano. At iyon ay mapaibig si...Archer De Luna. At sisiguraduhin ni Amber na magtatagumpayan din niya iyon. And her plan will start tonight. Mayamaya ay inilabas ni Amber ang kanyang lipstick sa loob ng kanyang bag. Pagkatapos niyon ay pinahiran niya ng pulang lipstick ang makipot niyang labi. Napangiti si Amber ng makontento siya sa hitsura makita ang sariling repleksiyon sa salamin. Amber Borromeo was wearing tight skinny jeans at white hanging blouse and black stiletto. At sa suot niya ay kitang-kita ang magandang hubog ng katawan niya. Kitang-kita din ang manipis at makinis niyang pusod dahil sa suot niyang hanging blouse. “Mahuhulog ka rin sa charms ko, Archer.” Sambit niya sa mahinang tinig habang nakatingin pa rin siya sa repleksiyon ng salamin. “At sisiguraduhin ko na kapag nahulog ka na hindi ka na makakaahon pa.” confident na wika niya. Ibinalik na ni Amber ang lipstick sa loob ng kanyang bag. Bago napagpasyahan lumabas na ng restroom.  Pagkalabas niya ng restroom ay sumalubong sa kanya ang maingay na tugtugin. Nasa Serenade Bar si Amber sa sandaling iyon. Naroon siya sa nasabing bar dahil nandoon din si Archer—ayon iyon sa reliable source niya. Nasabi ng source niya na niyaya daw ni Archer ang kaibigan nitong si Theo na pumunta sa isang Bar. Sumilay ang ngiti sa labi ni Amber ng mamataan niya ang malapad na likod ni Archer na nakaupo sa stool sa harap ng bar counter. What a sexy back! Kinagat niya ang pang-ibabang labi ng magsimula siyang maglakad patungo sa gawi nito. Napansin din ni Amber ang mga tinging ipinagkakaloob sa kanya ng mga lalaking nadadaanan niya. Pero hindi niya pinapansin ang mga iyon dahil ang pansin niya ay nakatuon sa lalaking nasa harap ng counter.  Napangiti muli siya ng bakante ang stool na katabi nito. Mukhang nakikiaayon sa kanya ang tadhana, naisip niya. Nang makalapit siya sa bar counter ay agad siyamg umupo sa stool na katabi ng binata. “One margarita, please!” Ngiti ni Amber sa lalaking bartender ng tanungin siya nito kung ano ang o-order-in niya. Mula naman sa gilid ng kanyang mata ay nakita niyang lumingon sa gawi niya si Archer.  Hinayaan mo na ni Amber na tingnan siya ng binata bago siya sumulyap rito. “Oh, Hi!” bati ni Amber kay Archer ng balingan niya ito sa kanyang tabi. Bahagyang kumunot ang noo ni Archer. “What are you doing here?” Bago sagutin ni Amber ang tanong na iyon ni Archer ay kinuha niya ang in-order na alak. Dinala niya ang hawak na baso sa kanyang labi upang sumimsim. Lihim siyang napangiti nang makita niyang mapatingin si Archer sa labi niya. Naisip mong sana baso ka na lang `no? Lihim na napahagikhik si Amber sa isipan. “I’m here to have fun.” Sagot niya na nakangiti pa rin. “What about you?” “Are you following me?” Tanong nito sa halip na sagutin ang tanong niya. She lightly chuckled and then she tugged her hair at the back of her ears. “Uhm...what do you think?” Tinaasan niya ito ng isang kilay. Saglit na hindi ito nagsalita. Tinitigan lang siya nito. Kinagat naman ni Amber ang pang-ibabang labi habang sinasalubong niya ang mga titig ng binata. Napansin niyang bumaba na naman ang tingin nito sa labi niya. Sa pagkakataong iyon ay hindi na napigilan ni Amber ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. At mukhang napansin iyon ng binata dahil agad nitong inalis ang tingin sa labi niya at tuluyan na itong humarap sa bar counter. “I think you’re following me.” She chuckled once again. “Good thinking, huh?” she said between laughter. Hindi naman na nagsalita si Archer. Sa halip ay tinungga nito ang hawak nitong baso na naglalaman ng alak. Pagkaubos ay humingi muli ito sa bartender ng panibago. Ipinatong naman ni Amber ang siko sa ibabaw ng bar counter at kumulumbaba siya roon habang tinititigan niya ang binata. Kahit saang anggulo talaga tingnan ay gwapo pa rin ito. At ang pagmumukhang iyon ay hindi nakakasawang tingnan. At ang pinakagusto ni Amber sa parteng mukha ng binata ay ang mata nito. Gustong-gusto kasi niyang titigan ang itim na itim na mga mata nito na kung tumitig ay nakakapaghina ng tuhod. Hindi lang iyon, kapag tumitig din ang mga matang iyon ay pakiramdam ni Amber ay parang may nagliliparan na paro-paro sa kanyang tiyan. And Amber couldn’t explain to herself why she felt that kinds of feelings towards Archer. Sa kauna-unahang pagkakataon kasi ay ngayon lang niya naramdaman ang ganoong klaseng damdamin sa isang lalaki. At nalilito na siya sa kanyang nararamdaman. Mukhang napansin ni Archer na tinititigan niya ito dahil bumaling ito sa gawi niya. Nginitian niya ito ng pagkatamis-tamis ng magtama ang mga mata nilang dalawa. Bahagya na naman nagsalubong ang mga kilay nito. And right at the moment, gusto niyang itaas ang isang kamay upang haplusin ang noo ng binata upang bumalik iyon sa dati. “May kasama ka ba?” mayamaya ay tanong ni Archer. “Hindi mo ba alam na delikado magpunta ang isang babae sa ganitong klaseng lugar. What if something bad happen to you?” Sumilay ang ngiti sa kanyang labi. “Concern ka sa`kin? So, thoughtful of you.” Sabi niya sabay haplos sa braso nito. Naramdaman niya ang paninigas nito sa ginawa niya. “I’m just concern citizen.” She mentally rolled her eyes. “Yeah right.” She said. “And don’t worry hindi naman ako mag-isa, eh.” “So, saan ang kasama mo?” napansin niya ang pagsulyap nito sa paligid na tila naghahanap ng kasama niya. “Ikaw.” Ngiti na sagot niya dahilan para sumulyap ito sa gawi niya. “Ikaw ang kasama ko ngayon. At hindi ako mag-aalala na may mangyaring masama sa`kin dito dahil alam ko namang hindi mo ako pababayaan. Right?” Archer didn’t speak and she took that as yes an answer. Tinungga nito ang laman ng kopitang hawak nito saka inalis ang tingin sa kanya. Siya naman ay napatingin sa gitna ng dance floor at pinanuod ang mga taong nagkakasiyahan at sumasayaw. And right now, gusto din ni Amber na makisaya at sumayaw roon. Nilingon niya ang binata na patuloy pa rin sa pag-inom. Mukhang nilulunod nito ang sarili sa alak. At sa sandaling iyon ay hindi niya napigilan ang makaramdam ng inis para sa babaeng dahilan kung bakit nito nilulunod ang sarili sa alak. Duh! Hindi naman kagandahan ang Nikki na iyon. Hindi ito worth it sa paglalasing ni Archer. Napabuntong-hininga na lang si Amber. Pagkatapos niyon ay umalis siya mula sa pagkakaupo niya sa stool saka siya pumunta sa likod ng binata. Tinapik niya ito sa balikat dahilan para lumingon ito sa kanya. “Let’s dance.” Nakangiting yaya niya ng magtama ang mga mata nila. “I’m not in the mood.” Tanggi nito. “I’m sorry, Archer. But this time I will take no for the answer. Whether you like it or not? You will going to dance with…me.” Sabi niya na sadya pa niyang binitin ang huling salita. Pagkatapos niyon ay hinawakan niya ang braso nito at hinila mula sa pagkakaupo nito sa stool. Mukhang hindi naman inaasahan ni Archer ang ginawa dahil ng hilain niya ito ay muntik na itong mawalan ng balanse. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes nito dahil agad itong na-i-balanse ang katawan nito. Pero sa pagkakataong iyon ay siya naman ang muntik ng mawalan ng balanse dahil sa suot niyang four inches na stilleto. Mabuti na lang at nahawakan agad ni Archer ang baywang niya. Mabilis naman siyang kumapit sa braso ng binata. At dahil nakasuot siya ng four inches stilleto ay hindi nalalayo ang mukha niya sa mukha nito.. Sa katunayan ay kunti na lang at magdidikit na ang mga ilong  nilang dalawa. At amoy na amoy ni Amber ang mabangong hininga ni Archer na hinaluan ng amoy ng alak na inimon nito kanina lang. At hindi maipaliwanag ni Amber kung bakit bigla na naman tumibok ng mabilis at malakas ang puso niya. At hindi inaasahang ni Amber ang sumunod na sandali, biglang may bumunggo sa kanyang likuran dahilan para lalong mapalapit siya kay Archer. At dahil gahibla na lang ang layo ng mukha nila sa isa’t isa ay hindi inaasahang dumikit ang labi niya sa labi nito. Katulad niya ay nanlalaki ang mga mata ni Archer habang nakatingin din ito sa kanyang mata. And right at the moment her heart is thumping like crazy inside her chest. Nang makabawi si Archer ay ito ang kusang lumayo sa kanya. Halos hindi din ito makatingin ng deretso sa mga mata niya dahil sa nagyari. “I’m…not in the mood to dance.” Sabi ni Archer. At bago pa tumalikod si Archer ay mabilis niyang hinawakan ang pulsuhan nito. “Sorry. Pero sasayaw tayo sa ayaw at sa gusto mo.” Sabi niya bago niya hinila ang binata patungo sa Dance Floor. Nang nasa gitna na sila ng Dance Floor ay binitawan na niya ang kamay nito at nag-simula siyang umindak sa saliw ng tugtugin. Habang sumasayaw siya ay hindi niya inaalis ang tingin kay Archer na ngayon ay parang estatwang nakatayo sa harap niya. Hindi kasi sumasayaw ang binata, nanatili lang itong nakatayo sa harap niya habang nakatitig ito sa kanya. “Sumayaw ka naman.” Sabi niya kay Archer. Umiling lang naman ito sa kanya. Napanguso naman si Amber na kinuha ang isang kamay ng binata at inikot ang sarili mula roon. Kahit na nanatiling nakatayo lang si Archer sa kanyang harapan ay nagpatuloy pa rin si Amber sa pag-indak sa saliw ng tugtugin. Mayamaya ay nagsalubong ang mga kilay niya ng maramdaman niyang may bumubunggo sa likuran niya. Hinayaan lang niya iyon sa pag-aakalang nabubunggo lang siya ng mga taong sumasayaw din tulad nila. Marami kasing sumasayaw sa gitna ng dance floor sa sandaling iyon. Ilang beses pa siyang nabunggo. “What the f**k?!” hindi niya napigilan isambit ng sa pang-ilang pagkakataon ay may naramdaman na naman siyang bumunggo sa kanya—hindi pala, sadyang dumidikit ito sa likuran niya. Napansin naman ni Amber ang pagkakasalubong ng mga kilay ni Archer. Mukhang hindi nito nagustuhan ang pagmumura niya. But hell! Wala siyang pakialam. Handa na sana siyang lingunin ang taong nananadyang idikit ang katawan nito sa likod para singhalan ng maramdaman ni Amber ang mainit na kamay ni Archer na pumaikot sa maliit niyang baywang. At nanlaki ang mata niya ng bigla siya nitong hinila palapit sa katawan nito. Napatingin siya sa mukha nito na ngayon ay mababakasan ng madilim na ekspresiyon habang nakatingin ito sa likod niya. Ilang segundo din niyang nabakasan ng madilim na ekspresiyon ang mata ni Archer bago nito pinagpalit ang posisyon nila. At saktong kapapalit na nila ng posisyon ng biglang napalitan ng malamyos na tugtugin ang pumainlanglang sa loob ng naturang bar. Napatitig siya sa mukha ng binata. Sinalubong naman ni Archer ang titig niya. At sa sandaling iyon ay wala siyang mabasang emosyon sa mga mata nito. Bumuntong-hininga na lang si Amber, pagakatapos niyon ay unti-unting umangat ang dalawang kamay niya paikot sa batok nito. Lihim na lang siyang napangiti ng maramdaman niya ang mainit na kamay ni Archer na pumaikot din sa baywang niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD