“HEY, stop drinking. You’re drunk already.” Sita ni Archer kay Amber ng mapansin niyang kanina pa ito umiinom.
Nakapalumbaba pa rin itong bumaling sa kanya. Tumutok sa kanya ang namumungay nitong mga mata. Napansin ni Archer ang pamumula ng magkabilang pisngi nito. She’s sober already.
Dapat magpapakalasing si Archer sa gabing iyon dahil nabigo siyang mapasagot ang matagal na niyang nililigawan na si Nikki. She was damn serious about her that’s why he pursue courting her. Hindi din biro ang ginawa ni Archer para makuha niya ang loob ng dalaga. Hindi kasi basta-basta nagtitiwala ang dalaga, lalong-lalo na sa isang lalaki. Kaya ginawa ni Archer ang lahat makuha lang niya at loob nito at para pagkatiwalaan siya nito. Ilang beses din siyang binasted ng dalaga pero hindi niya ito sinukuan. Gusto niyang ipakita sa dalaga na seryoso siya rito sa panliligaw niya. At ang akala nga ni Archer ay nakuha na niya ang loob nito dahil unti-unti na ito nagku-kwento tungkol sa sarili nito sa tuwing kasama niya ito kapag nagda-date silang dalawa pero laking gulat na lang niya isang araw ay kinausap siya nito at tinapat na itigil na lang niya ang panliligaw. Hindi ito nagbigay ng dahilan kung bakit pinapatigil na siya nito sa panliligaw pero kinabukasan niyon ay nalaman niyang may boyfriend na ito. He felt devasted that time. At pakiramdan ni Archer ay natapakan ang ego niya dahil halos isang buwan niyang niligawan ang dalaga pero sa isang kisap mata ay ibang lalaking sinagot nito at hindi man lang yata niya nakita ang lalaking iyon na niligawan si Nikki.
At dahil sa nasaktan ego ay niyaya ni Archer ang kaibigang si Theo na pumunta sa isang bar para makalimot sa kabiguan niya sa panliligaw kay Nikki. Pero nakakailang tungga lang siya ng alak ng biglang na lang dumating si Amber. And he was sure na hindi ito pumunta roon upang magsaya. Alam niyang nagpunta ito roon upang sundan siya. Amber was very vocal about saying she like him. Kaya nga pilit niyang umiiwas rito pero paano siya makakaiwas rito kung palaging nakasunod ito sa kanya. Para nga niya itong anino, kasi alam nito kung nasaan siya palagi.
At hindi nasunod ang plano niyang magpakalasing. Kasi kahit gustong-gusto niyang magpakalasing ay hindi niya magawa dahil may binabantayan siya. Alam kasi niyang maraming gustong lumapit sa dalaga para makipagkilala. Hindi lang makalapit ang mga ito dahil sa kanya. Hindi kasi siya umaalis sa tabi nito. At hindi niya maintindihan sa sarili kung bakit?
“My name is Amber not hey.” Pagtatama nito. “And Excuse me, I’m not yet drunk.” Tanggi nito bago inisang tungga ang hawak nitong kopita.
“Okay. If you’re not drunk, how many is this?” Tanong niya sa dalaga. Itinaas din niya ang dalawang daliri at ipinakita niya iyon rito.
Amber chuckled and it sound music to his ear—and he couldn’t explain to himself why?
Umalis ito mula sa pagkakalumbaba nito sa counter ng bar at umayos ito ng upo. Pagkatapos niyon ay umangat ang kamay nito at hinawakan ang kamay niyang nakataas. May naramdaman siyang init na dumaloy sa katawan niya ng hawakan ni Amber ang kamay niya.
“One...two...” bilang ni Amber sa dalawang daliri niya na nakataas. “My answer is two. So, see? I’m not drunk.”
“You cheat, kaya nasagot mo ang tanong ko sa’yo.” Aniya na umiiling.
Amber chuckle lightly. “At least nasagot ko ng tama ang tanong mo.” Sabi nito sa natatawang tinig. Pagkatapos niyon ay tumingin ito sa kopitang hawak nito. Nang mapansin nitong wala ng laman iyon ay tumingin ito sa lalaking bartender.
“Hey, give me another margarita.” Wika ni Amber sa lalaki sa nag-uutos na tinig. Sinunod naman ng lalaki ang inuutos ng dalaga. Sinalinan nito ang walang laman na kopita ng dalaga. At bago pa makuha ni Amber iyon ay inunahan na niya ito. Mabilis niyang inilayo ang baso rito.
Amber glared at him murderously, at kung nakakamatay lang sana ang tingin na ipinagkakaloob nito ay baka malamang pinaglalamayan ngayon. Pero kahit na ganoon ito makatingin ay maganda pa rin ito sa paningin niya. Napailing na lang si Archer sa mga pinagsasabi niya sa isip.
“Bakit mo kinukuha ang hindi sa`yo?” Nakaangil na wika nito. Hindi pa rin nagbabago ang ekspresiyon ng mukha nito. “Kung gusto mo ding uminom ay mag-order ka kay Mr. Bartender.” Dagdag na wika nito. Mayamaya ay lumambot ang ekpresiyon ng mukha nito. “O, gusto mo lang iyang baso ko dahil ininuman ko iyan.” Tukso nito. “You know indirect kissing.” Pagpapatuloy na panunukso nito.
Sa halip na tumugon sa panunukso nito ay iiling siyang bumaba sa stool na kinauupuan niya. ”Hey, stand up. Ihahatid na kita sa inyo.” Wika niya.
Napansin niya ang pagsimangot nito. “Ilang beses ko na bang sinabi sa`yo na, Amber ang pangalan ko at hindi ‘hey’. A-M-B-E-R.” Dahan-dahan pang i-ni-spell ng dalaga ang pangalan nito. At habang dahan-dahan nitong i-ni-i-spell ang pangalan nito ay nakatitig siya sa labi nito. At bigla siyang nakaramdam ng init ng maalala niya iyong paglalapat ng labi nilang dalawa kanina. At aaminin ni Archer sa sarili ng magkalapat ang mga labi nila ni Amber ay may kakaiba siyang naramdaman. Hindi lang niya maipaliwanag sa sarili pero sigurado siyang parang may mainit na kamay na humaplos sa puso niya sa oras na iyon. “You f*****g understand?”
Napangiwi si Archer ng marinig niya ang sinabi nito. “Don’t cuss. Masakit sa tainga.”
“Oh—kay.”
“Bumaba ka na diyan. Ihahatid na kita.”
“Ayoko pang umuwi. Wala naman akong kasama sa bahay.” Kumunot ang noo niya ng mapansin niya ang lungkot na bumalatay sa mapupungay na mata nito. “Kaya dito mo na tayo. Let’s enjoy the night. And beside it’s too early pa naman ,eh.” Anang dalaga. “Upo ka ulit rito.” Anito sabay tapik sa stool na kinauupuan niya kanina.
“Anong it’s too early?” Sabi niya. “Hindi mo ba alam kung anong oras na?”
Patamad na umiling ito. “Hindi ko alam kung ano ang oras na.”
“Eh, `di tingnan mo.”
“Tamad ako.” Simpleng tugon nito.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. “Sasakit ang ulo ko sa`yo, babae ka.” Mahinang wika niya.
Sa pangalawang pagkakataon ay nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. “Amber.” Tawag niya sa pangalan nito.
Lumingon ito sa kanya. At hindi niya napigilan ang pagtaas ng kanyang isang kilay nang makita niya ang ngiting nakasungaw sa labi nito. “What?”
“Hindi naman mahirap banggitin iyong pangalan ko `di ba?” Nakangiti na wika nito. “At ang sarap pakinggan kapag binabanggit mo ang pangalan ko. Ulitin mo pa nga?”
“Tatayo ka diyan o iiwan kita rito mag-isa?” hindi na lang niya pinansin ang sinabi nito.
Tinaasan siya nito ng isang kilay. “Maatim ng konsensiya mo na iwan ako rito? Paano na lang kung may mangyaring masama sa`kin rito? Paano na lang kung—
“Stand up. And I’ll take you home.” Putol na wika niya sa sasabihin nito.
Amber snorted. “Okay. I’ll stand up. But in one condition?” Itinaas nito ang isang hinturo.
“One condition? Nakadalawa ka ng kondisyon sa`kin sa loob lang ng ilang minuto.”
“Last na ito talaga.”
“Oh, sige.” Pagpayag niya, alam niyang hindi siya nito titigilan hanggang hindi siya pumapayag sa gusto nito. Alam kasi niya ang ugali ng dalaga kahit na sa maikling panahon lang niya ito nakikilala.
Ngumuso ito dahilan para mapatitig na naman siya sa mapupulang labi nito. “Kiss me.” Napamaang siya sa sinabi nito. Nagulat na lang siya ng tumawa ito bigla. “I’m just kidding. Nakakatawa naman iyang reaksiyon. It was priceless. Dapat na-picture-an ko para may remembrance ako.” anang dalaga sa natatawang tinig. Pagkatapos niyon ay bumaba na ito mula sa stool na kinauupuan nito. Mabilis naman siyang lumapit rito ng muntik na itong matumba.
“Hey, hey, careful.” Sabi niya ng hawakan niya ito sa baywang para alalayan.
Sinimangutan siya ng dalaga. “Ano na naman?”
“Bakit ba ang kulit mo? Amber nga `di ba?”
“Okay, Amber...”
Unti-unting ngumiti ang dalaga. Nanigas siya ng ipulupot nito ang kamay sa leeg niya saka siya nito pinakatitigang mabuti hanggang sa bumaba ang tingin nito sa labi niya. Sunod-sunod siyang napalunok nang makita niya ang pagbasa ng labi nito. Mayamaya ay inalis nito ang isang kamay na nakapulupot sa leeg niya at masuyong hinaplos ang labi niya. Para siyang nakuryente sa ginawa nito. “Ang ganda ng labi mo. At ang lambot-lambot pa.” Anang dalaga sa mahinang boses habang patuloy nitong hinahaplos ang labi niya. “And you know, you are my first kiss.” Dagdag na wika nito. Hindi niya alam kung totoo ba o nagsisinungaling lang ang dalaga sa kanya. “And I want you to be my first and my last kiss.” Pagpapatuloy nito. At hindi niya napaghandaan ang ginawa ng dalaga, pinaglapat nito ang mga labi niya. Naitulos naman siya sa kinatatayuan habang nakalapat ang mainit na labi nito sa labi niya. Gusto niyang itulak ang dalaga pero ayaw sumunod ng katawan niya. Ilang segusndo din nakalapat ang labi ng dalaga sa kanya ng ito mismo ang kusang lumayo.
“Nahihilo ako.” Mayamaya ay wika nito. What the! Sunod-sunod naman siyang napalunok ng isiksik nito ang mukha sa leeg. “I felt my knees week din.”
Napakurap-kurap siya. Ipinilig din niya ang ulo. “That’s what you got by drinking.” Aniya, pagkatapos niyon inilayo niya ito sa kanya pero nanatili siyang nakahawak sa baywang nito. Nakita niyang nakapikit ito. Bumuntong-hininga siya bago niya ito binuhat in a bridal position. Nakita pa niya ang pagsilay ng ngiti sa labi nito bago nito isiniksik muli ang mukha sa leeg niya.
Hindi na lang niya pinagtuunan ng pansin iyon. Bagkus, nagsimula na siyang maglakad palabas ng naturang bar.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na sila sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan niya. Pagkatapos niyon ay ibinaba niya ito mula sa pagkakabuhat niya. Inalis ni Amber ang pagkakapulupot ng kamay nito sa leeg niya pero inilipat nito iyon sa baywang niya.
“Nananantsying ka na yata?” Puna ni Archer sa ginawa ni Amber.
“Kapal mo.” Sabi nito. Pagkatapos niyon ay tinanggal nito ang pagkakapulupot ng kamay nito sa baywang niya. At hindi maipaliwanag ni Archer kung bakit nakaramdam siya ng pagtutol ng inalis nito ang pagkakapulupot nito sa kanya.
Nang lumayo ito sa kanya ay muntik na itong ma-out of balance. Mabuti na lang at mabilis ang kanyang reflexes at nahawakan niya ito agad sa baywang.
Amber chuckle lightly. “Sino sa atin ngayon ang nananantsying?” Tukso ng dalaga sa kanya.
“Huwag kang assuming. Kung hindi kita hahawakan, baka nakahiga ka na ngayon sa sahig.” Sabi niya rito.
Tinaasan siya nito ng isang kilay. “So, do you want me to say, thanks to you?”
“Ang tanong? Alam ba ng isang Amber Borromeo ang magsabi ng ‘thank you?’” Sa pagkakataong iyon ay siya din ang nagtaas ng isang kilay. “Ang pagkakaalam ko hindi mo alam ang salitang ‘thank you?’”
At sa sandaling iyon ay parang gusto niyang bawiin ang sinabi nang makita niya ang pinaghalong lungkot at sakit na bumalatay sa mga mata nito. At hindi na naman niya maipaliwanag sa sarili kung bakit parang may kumirot sa puso niya nang makita ang sakit na bumalatay sa mata nito. Maaring ang ekplanasyon niya tungkol sa naramdaman ay dahil nagi-guilty siya. Alam naman kasi niya na nakaka-o-offend ang sinabi niya. At kung pwede lang sana na ibalik ang oras—hindi niya sasabihin ang salitang sinabi niya rito. Pero alam din naman ni Archer na imposibleng mangyari iyon.
What’s done cannot be undone.
“I’m sorry. It’s not my intenti—
“You don’t need to say sorry.” Putol nito sa gusto pa sana niyang sabihin. “Tama ka naman, eh. Hindi alam ng isang Amber Borromeo ang salitang ‘thank you.’ All i know to say is...damn, s**t, asshole—
Hindi na nito natapos ang iba pa nitong sasabihin ng bigla itong tumakbo sa likod ng kotse niya at sumuka roon.
Saglit din siyang itinulos sa kinatatayuan bago niya dinaluhan ang dalaga.
Hinaplos niya ang likod nito. “Go away!” Pagtataboy nito sa kanya. “I said go away!” Hindi niya ito sinunod. Nanatili siya sa tabi nito at patuloy pa rin niyang hinahaplos ang likod nito.
Nang matapos itong sumuka ay inalalayan niya itong tumayo. Nang makatayo ito ng maayos ay sumandal ito sa hamba ng kotse niya at ipinikit nito ang mga mata.
“Hindi na ako iinom.”
Umalis naman siya sa tabi nito at nagtungo sa gawi ng driver seat ng kotse niya. Binuksan niya iyon at kumuha siya ng tissue at bottled water. Nang makuha niya ang mga iyon ay bumalik na siya sa tabi ni Amber na mapahanggang ngayon ay nakapikit pa rin ang mga mata.
Kusang tumaas ang isang kamay niya at hinawi ang ilang hibla ng buhok nito na tumatabing sa mukha nito. Sa ginawa ay nagmulat ito ng mga mata at agad na tumutok sa kanya ang mapupungay na mata ni Amber. Halo-halong emosyon ang nakikita niya habang sinasalubong niya sa ang titig ng dalaga.