UMUNGOL si Amber ng maramdaman niya ang kirot ng kanyang ulo pagkagising niya kinaumagahan.
“Argh!” Patuloy na ungol niya habang sapo ang kumikirot na ulo. Inaalala din ni Amber kung ano ang ginawa niya kagabi kung bakit parang minamartilyo ang ulo niya sa sandaling iyon. Hanggang sa paunti-unti niyang naalala ang nangyari at ang pinag-gagawa niya kagabi. Hindi pa niya naalala ang buong nangyari ng makarinig siya ng sunod-sunod na katok na nanggagaling sa pinto ng kwarto niya.
“Yaya Meding, mamaya na po ako kakain.” Sigaw ni Amber para marinig iyon ng kanyang Yaya. Kinuha niya ang unan at itinakip iyon sa kanyang mukha ng patuloy pa rin niyang naririnig ang pagkatok sa pinto ng kanyang kwarto. Hinayaan na lang ni Amber iyon. Alam naman niyang titigil din iyon. Kilala na kasi siya ni Yaya Meding at iba pa nilang katulong sa bahay. Kapag hindi niya binubuksan ang pinto ng kwarto niya kapag kumatok ang mga ito ay alam na ng mga ito na wala siyang balak lumabas ng kwarto.
Mayamaya ay tumigil din ang pagkatok pero narinig naman niya ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kwarto niya. Nagsalubong ang mga kilay niya dahil do’n. Alam ni Yaya Meding at iba pa nilang katulong sa bahay na hindi siya nagpapapasok sa loob ng kanyang kwarto ng walang pahintulot niya? Her room was sacred to her.
Inis na tinanggal niya ang unan na nakatakip sa kanyang mukha upanang makita ang pangahas na pumasok sa loob ng kwarto niya.
Nagulat at nanlaki ang mata ni Amber nang makita ang taong nakatayo sa likod ng pinto ng kwarto. “What the hell are you doing at my room, Archer?!”
Archer crossed his hands. “Your room? Are you sure?”
Bumangon siya mula sa pagkakahiga niya. Hindi na niya pinagkaabalahan na ayusin ang magulong buhok. “I am sure. This is my room—
Napatigil siya sa pagsasalita ng ilibot niya ang tingin sa paligid.
Estranghero sa kanyang mata ang kabuuan ng kwarto. This room wasn’t mine. “Where the hell am I?”
“Ang aga-aga nagmumura ka na. Nagdasal ka na ba?”
Sinamaan niya ito ng tingin ng sulyapan niya ito. “Akala ko ba ihahatid mo ako sa`min? Bakit dito mo ako dinala?” Magkasunod na tanong niya sa binata. “May balak kang kidnapin ako `no? Kaya dito mo ako dinala?”
Hindi niya napigilan ang maningkit ang mata ng tawanan siya ni Archer. “Wala sa hinagap ko ang mag-kidnap ng isang babae.” Anito sa natatawang tinig. “Dito kita dinala, dahil nakatulog ka kagabi on our way to your house. Ginigising kita pero ayaw mong magising. Kaya sa halip na sa bahay niyo kita ihatid ay sa bahay namin kita dinala.” Paliwanag ni Archer. “Ayaw ko naman istorbuhin ang mga tao sa bahay niyo kapag kumatok ako sa ganoong dis-oras ng gabi? At ano na lang din iisipin ng magulang mo kung dadalhin kita do’n na lasing?” Hindi na siya nagkomento. Naintindihan naman kasi niya ang pinupunto ng binata.
“By the way, tawagan mo ang mga magulang mo. Baka nag-aalala na sila sa`yo dahil hindi ka umuwi kagabi.”
“Hindi naman nila alam kung umuwi ba ako o hindi eh. Wala naman silang pakialam sa’kin.”
“At paano mo naman nasabi?”
“They are my parents. Kaya alam ko.” Maikling tugon niya. “At wala naman silang pakialam sa mga whereabouts ko. Ang tanging importante lang sa kanila ay iyong negosyo nila.” Halos pabulong lang na wika niya.
“What?”
“Uhm, nothing.” sabi niya. Iniwas niya ang tingin rito ng mapansin niyang tinitigan siya nito ng matiim. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga bago niya napagpaayahan bumaba sa kama. Pagkababa niya ay napansin niya na iba na ang suot niyang damit.
Kaninong damit ang suot niya? At sinong nagpalit sa kanya? Namimilog ang mga matang nag-angat siya ng tingin patungo kay Archer.
“Hindi ako ang nagbihis sa`yo.” Mukhang nabasa ng binata kung ano ang nasa isip niya. Tinaasan niya ito ng isang kilay. Kung hindi ito ang nagbihis sa kanya ay sino? “It’s my sister who change your clothes. At that dress you wore is her.”
“Siya nga pala, mag-ayos ka na at pagkatapos ay bumaba ka na. Kumain ka mo na ng almusal bago kita ihatid sa inyo.” Wika nito. “Hintayin kita sa baba, huwag ka ng magtatagal.”
Sinimagutan niya ito sa huling sinabi nito. Tumalikod na si Archer sa kanya, akmang lalabas na ito ng kwarto ng tumigil ito at muling lumingon sa kanya.
“By the way, Amber. Nasa bahay tayo ng magulang ko. Act nicely infront of my parents. Behave like a baby, okay?”
“You— ”
Hindi na nito hinintay na matapos siyang magsalita. Bagkus ay binuksan na nito ang pinto ng kwarto at tuluyang lumabas roon. “Brute!” Iyon sana ang gusto niyang sabihin rito kung hindi lang ito naging bastos na bigla na lang itong lumabas ng kwarto ng hindi pinapatapos ang sasabihin niya.
Ngayon sino ang bastos sa kanilang dalawa?
Padabog siyang naglakad papunta sa loob ng banyo. Kinuha niya ang nakita niyang spare toothbrush at nagsimulang magsipilyo. Pagkatapos niyang magsipilyo ay naghilamos siya. At habang naghihilamos siya ay may alaalang bumalik sa kanyang balintataw.
“Ang tanong? Alam ba ng isang Amber Borromeo ang magsabi ng ‘thank you?’”
Napatigil si Amber sa paghihilamos ng maalala niya ang mga salitang iyon na sinabi ni Archer sa kanya kagabi. Umayos siya ng pagkakatayo at hinawakan ang kaliwang dibdib ng makaramdam siya ng pinong kirot mula roon.
Wala naman kaso kay Amber kung sabihan siya ng mga ganoong bagay. May mas masasakit pa ngang salita na ibinabato sa kanya. Masama ugali, b***h, maldita—ilan lang iyon sa mga masasakit na salita na itinatawag sa kanya ng ibang tao. Wala lang kay Amber iyon. Pero bakit ngayon? Bakit siya nakakaramdam ng kirot sa puso niya? Bakit parang big deal sa kanya ang sinabing iyon ni Archer? Bakit siya nasasaktan? Bakit parang gusto niyang depensahan ang sarili kay Archer? Bakit parang gusto niyang sabihin kay Archer na marunong siyang mag-thank you?
“Argh! I think I’m going crazy.” Ipinilig din niya ang ulo upang iwaksi ang nararamdaman.
Ipinagpatuloy na din niya ang paghihilamos. Pinunasan niya ang mukha gamit ang towel na nakita niya sa loob ng banyo. Nang matapos siya ay napagpasyahan niyang lumabas ng banyo at nagtuloy-tuloy din siya sa paglabas ng kwarto.
Hanggang sa makababa siya ng hagdan at nakita niya doon si Archer na naghihintay.
“Bakit ang tagal mo?” Salubong ang mga kilay na tanong nito sa kanya.
Pinagkrus niya ang braso sa tapat ng dibdib. “Tamad akong sagutin ang tanong mo.” Nakasimangot na wika niya kay Archer. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay iniwan niya ito at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa dining room ng mga ito. Mabilis namang umagapay ang binata sa paglalakad niya.
“Remember what I told you earlier? Act nicely infront of my parents.”
Hindi niya ito sinagot. Sa halip ay sinamaan lang niya ito ng tingin.
“I’m warning you, Amber.” Sabi ni Archer. “Hindi sanay ang mga magulang ko na makarinig ng babaeng palamura.”
Kinagat ni Amber ang pang-ibabang labi ng makaramdam ang puso niya ng bahagyang sakit. Mamaya ay pupunta siya sa doctor at ipapa-check up niya ang kanyang puso kung bakit nakakaramdam siya ng ganoong pakiramdam? Baka kasi may sakit ma siya sa puso at hindi lang niya alam.
Napahinto siya sa paglalakad ng nasa tapat na sila ng pinto ng dining area. Naririnig din ni Amber ang masayang pag-uuusap ng mga taong nasa loob niyon. Mayamaya ay napapitlag siya ng maramdaman niya ang mainit na kamay ni Archer na humawak siko niya. Napatingin siya sa binata.
“Let’s go. Kanina pa sila naghihintay sa atin.” Sabi ni Archer bago siya nito marahang hinila papasok sa loob ng dining area.
Pagkapasok nila ay lahat ng atensiyon ay tumutok sa kanilang dalawa ni Archer. Tumigil din ang mga ito sa pagku-kwentuhan.
“Good morning po.” Magalang na bati niya sa mga ito.
“Good morning din, hija.” Bati ng isang babae. Kung hindi nagkakamali si Amber ay ina iyon ni Archer. Magkamukha kasi ang mga ito.
“By the way, this is Amber Borromeo.” Pagpapakilala ni Archer sa kanya sa pamilya nito. “She’s my—
“I’m his girlfriend po.”