“BAKIT mo sinabi na girlfriend kita?” Frustrated na tanong ni Archer kay Amber ng makalabas na ang sinasakyan nilang kotse sa gate ng bahay ng mga De Luna. Ihahatid na siya ngayon ni Archer sa bahay nila. Medyo nagtagal pa siya ng kunti sa bahay ng mga ito dahil nakipagkwentuhan pa siya sa pamilya ng binata.
Tumaas bahagya ang isang kilay niya. “What’s wrong about that? Hindi ba iyon din naman ang ipapakilala mo sa`kin sa family mo? Inunahan lang naman kita, ah.” She said, innocently.
Gamit ang isang kamay ng binata ay ginulo nito ang buhok nito. “Hindi girlfriend ang ipapakilala ko sa`yo? I’m going to intruduce you as my classmate.”
“But you’re not my classmate.” Sabi niya.
Archer glare at her annoyingly. She just gave Archer her sweetest smile.
Wala naman talaga sa plano ni Amber na magpakilala na girlfriend ng binata sa harap ng pamilya nito. She felt annoyed and irritated that time that’s why she said that.
At hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalimutan ang naging reaksiyon ni Archer, lalong-lalo na ang pamilya nito ng sabihin niyang girlfriend siya ng huli. Schocked was written to their faces when she introduces herself as girlfriend of their son. Pero ng makabawi ay malugod siyang tinanggap ng mga ito. And she felt overwhelm ng malaman niyang siya ang kauna-unahang babae na dinala at pinakilala ni Archer sa pamilya nito. Todo asar nga ang kapatid ni Archer na si Anne sa Kuya nito—inaasar nito si Archer na itinanan daw siya nito. Si Archer naman ay hindi kumikibo pero halata ang pamumula ng magkabilang pisngi nito at pati na rin ang dalawang tainga nito.
“And you’re not my girlfriend.” Giit ni Archer.
“Pero sa pagkakaalam ng pamilya mo ay girlfriend nila ako.”
“Dahil sinabi mo sa kanila na girlfriend kita kahit hindi naman.” Anang binata. “Hindi ba sinabi ko sa`yo na mag-behave ka?”
“Behave naman ako, ah. Narinig mo ba akong nagmura sa harap ng parents mo? Narinig mo ba sa bibig ko ang salitang f**k, s**t, damn? `Di naman, `di ba? Ang bait ko nga sa parents mo kanina? Nasaksihan ng mga mata mo naman iyon, hindi ba?”
“And I know it was just an act.” Wika nito sa mahinang tinig pero umabot naman iyon sa pandinig niya.
Kinagat ni Amber ang pang-ibabang labi bago siya tumingin sa labas ng bintana. Pinipigilan din niya ang puso na huwag makaramdam ng kirot sa narinig niya na sinabi ni Archer.
Hindi siya dapat apektado. Iyon ang paulit-ulit na itinatatak ni Amber sa kanyang utak. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga.
Saglit na namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa ni Archer.
“What now?” Mayamaya ay basag nito sa katahimikan.
“Anong ‘what now?’“ Tanong niya na hindi tumitingin rito. Nanatili ang tingin sa labas ng bintana.
“Paano natin itatama ang kasinungalingang sinabi mo sa harap ng pamilya ko?” Problemadong anas ni Archer.
Binalingan niya ito. “Eh, `di totohanin na lang natin para wala ka ng po-problemahin.”
Saglit na sinulyapan siya ni Archer. “I don’t want you to be my girlfriend.”
Ouch! “And why?” Tinaasan niya ito ng isang kilay.
“You wouldn’t know, Amber. Trust me.”
“I want to know, Archer. Trust me.”
Sumulyap muli si Archer. “Because you’re not my type.”
So, mas type mo ang isang babaeng nerd kaysa sa babaeng diyosa na kagaya ko?
Tumagilid siya mula sa pagkakaupo niya sa passenger seat para mas mabalingan niya ito ng mabuti. “I’m curious.” Sabi niya pagkatapos niyang pagkrusin ang mga braso. “What was your type then?”
“Tinatanong mo kung ano ang gusto ko sa isang babae?”
“Yeah.” Pilit na itinatago sa boses ang antisipasyon sa isasagot sa kanya ni Archer.
Ilan segundo din ang pinalipas ni Archer bago ito sumagot. “Gusto ko sa babae iyong masarap kasama. Babaeng may takot sa diyos. Babaeng mabait, maalaga, at hindi nagmumura.” Napataas ang isang kilay niya sa huling sinabi nito. Lahat yata ng sinabi nito ay taliwas sa mga katangian niya.
“So, ayaw mo sa babaeng masama ang ugali at sa babaeng palamura?”
tumango lang ito bilang sagot. “What if you fall in love with the girl whom you don’t like?” tanong niya kay Archer. “Paano kung nagkagusto ka sa babaeng hindi mabait, hindi maalaga at sa babaeng palamura? Ano ang gagawin mo?”
“It does not happen.” Tila siguradong wika nito.
“What if nga `di ba? Kunwari? Hindi ko sinabi na ma-i-in-love ka talaga.” Sabi niya kay Archer.
Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Archer. “Kung ma-i-in-love ako sa ganoong klaseng babae? Tutulungan ko siyang magbago.” Sagot ni Archer ng hindi tumitingin sa kanya. “I’ll teach her to become a nice person, teach her to become a humble one.”
Umayos ng pagkakaupo si Amber saka siya tumingin sa kanyang harapan. Inalis din niya ang pagkaka-krus ng kanyang kamay at ipinatong niya ang mga iyon sa ibabaw ng kanyang hita. “Hindi ba kapag mahal mo ang isang tao, kahit ano pa siya, kahit ano ang ugali niya, kahit na ano pa ang nakaraan niya ay dapat tanggap mo, dahil mahal mo siya.” Sabi niya. Mula sa gilid ng kanyang mata ay nakita niya ang paglingon sa kanya ng binata. “Kasi kung babaguhin mo siya tulad ng gusto mong gawin. Ibig sabihin ay hindi na siya iyong babaeng minahal mo? Kasi iba na ang pagkatao niya. Iba na siya sa babaeng nakilala mo noong una, iba na siya sa babaeng minahal mo no’ng una.” sa pagkakataong iyon ay sinulyapan niya si Archer na ngayon ay nanatiling nakatuon ang atensiyon sa minamaneho. “Hindi ba mas maganda kung magbabago siya dahil gusto niya, hindi dahil sa sinabi mo o idinikta mo?” pagpapatuloy pa ni Amber. Napansin din niya ang pagbuka ng bibig nito pero kahit isang salita ay wala lumabas mula roon. Isinara na lang ng binata ang bibig nito at napansin niya paghigpit ng pagkakahawak nito sa manibela.