Chapter 4

1174 Words
“W-WHY are you breaking up with me? Hindi mo na ba ako m-mahal, Adam?” Ipinaikot ni Amber ang mga mata ng marinig niya ang sinabi na iyon ng babaeng kasama ng pinsan niyang si Adam sa sandaling iyon. “K-kung may nagawa man akong hindi mo nagustuhan ay sorry. Pangako hindi ko na uulitin ang ginawa ko. Please `wag mo lang akong iwan.” Iyak ng babae. “Mahal na mahal kita, Adam, eh.” “I’m sorry, Kristine. Yes, I do love you but I love her even more.” Si Adam. Sa pangalawang pagkakataon ay ipinaikot ni Amber ang mga mata ng marinig niya ang sinabi ni Adam. At kailan pa naging pang best actor ang pinsan niya? Ang galing kasi nitong um-acting. Na pati siya ay nadadala. “W-what? You...you love her even more?” Balik tanong ng babae kay Adam. “S-sino siya?” Sa sumunod na tanong ng babae ay do’n lang siya sumingit sa eksena. Tumikhim siya ng malakas. Sabay pang lumingon sa kanyang likod si Adam at ang babaeng kasama nito. “Babe!” tawag ni Adam sa kanya. And in a swift move ay nasa tabi na niya ito. Saglit lang niyang tiningnan ang katabi at agad na ibinalik ang tingin sa babaeng ngayon ay nagpupunas na ng luha sa mga mata. Pinuntahan siya ni Adam kagabi sa bahay nila upang humingi ulit ng tulong. Gusto na kasi ni Adam na makipagbreak sa nobya nito. Pero ayaw pumayag no’ng babae kaya kinakailangan pa ni Adam ang tulong niya. Pinapapanggap siya ni Adam na bagong girlfriend at bagong mahal nito kaya kapag nalaman iyon ng girlfriend nito ay ito na mismo ang kusang makipaghiwalay. “Siya ba ang ipagpalit mo sa`kin, Adam?” tinaasan ni Amber ng kilay ang babae ng tingnan siya nito mula ulo hanggang paa. Abat! She flipped her hair. “Satisfied?” tinaasan niya ito ng isang kilay ng huminto ang tingin nito sa mukha niya. Sa pagkakataon iyon ay sa kabilang kilay na naman ang tumaas ng makita niya ang galit na bumalatay sa mga mata nito habang nakatingin ito sa mukha niya. “Inagaw mo sa`kin si Adam!” Nanlilisik na akusa nito sa kanya. Tumawa siya ng pagak. “Excuse me?” Sabi niya na nakataas ang isang kilay. “Inagaw ko siya sa`yo?” Sabi niya sabay turo sa sarili. “Alam mo ba kung ano ang pinagsasabi mo? FYI, b***h, hindi ko siya inagaw sa`yo. As far as I remember wala na kayong dalawa bago naging kami? So, paano ko siya inagaw sa`yo? Paki-explain nga sa`kin?” She said in bitchy remarks.  Bumuka-sara ang bibig ng babae. Pero kahit isang salita ay walang lumabas sa bibig nito, nanatili lang itong nakatitig sa mukha niya. “At sinubukan mo na bang tumingin sa salamin?”  dagdag pa na wika niya. “Kung hindi pa, subukan mong tumingin para malaman mo kung bakit ayaw na sa`yo ni Adam. At kung natatakot kang tumingin sa salamin. Pwede ka namang humingi ng pabor sa’kin. At ako ang magsasabi sa`yo kung bakit ayaw na sa`yo ni Adam.” Pagpapatuloy niya. “C’mon, asked me? I’m eager to tell what was wrong with you right now.” At ng wala na itong masabi ay tumakbo ang babae paalis sa harap nilang dalawa ni Adam. “Thanks cousin.” Pasasalamat ni Adam ng tuluyan ng nakalayo si Kristine. “You’re really one of those Mean Girls.” Natatawang dagdag ni Adam. “Next time kung pipili ka ng paglalaruan. Pumili ka naman ng maganda. Hindi iyong mukhang tyanak.” Sabi niya. Tinawanan lang naman siya ni Adam. She just snorted. “I’ll make you pay for this.” Nakasimangot na wika niya sabay martsa paalis sa lugar na iyon. “Ilista mo muna. Saka mo na lang ako singilin.” Wika ni Adam sa natatawang tinig. Amber just rolled her eyes. Mayamaya ay napahinto siya sa paglalakad ng may mahagip ang mga mata niya na isang pamilyar na pigura. Umangat ang sulok ng labi ni Amber. Hindi malilimutan ni Amber ang pagmumukha ng lalaki dahil ito iyong lalaking sumagip sa kanya ng muntikan na siyang malunod noong nakaraang araw. Ang lalaking hindi maalis-alis sa isip niya nitong nakaraang araw. Tandang-tanda pa ni Amber ang mga pangyayari na iyon. Pagkatapos kasi siya nitong i-CPR ay binuhat siya nito at dinala siya nito sa hospital malapit sa clubhouse na kinaroroonan nila para ipatingin sa doctor kung okay lang siya. Sa oras na iyon ay kitang-kita ni Amber sa mga mata ng lalaki ang pagbalatay ng pag-alala habang buhat siya. At nalaman niyang Archer ang pangalan ng lalaki ng magpakilala ito sa doctor na kausap nito. Maliban sa kanya at kay Archer ay walang ibang nakakaalam sa muntikan na niyang pagkalunod. Hindi niya iyon binanggit kay Yaya Meding at lalong-lalo na sa mga magulang niya. Hindi na siya nagsayang ng laway na ipaalam sa mga ito ang nangyari dahil alam naman niyang walang pakialam ang mga ito sa kanya. “But kidding aside, couz. Ili-libre na lang kita dahil tinulungan mo ako kay Kristine.” Mayamaya ay wika ni Adam. “Where do you want to eat?” “Some other time na lang, Adam. I need to go  may importante akong gagawin ngayon.” Sabi niya ng sulyapan niya si Adam. Tumaas ang isang kilay ni Adam. “And may I know, what is that?” Sa pagkakataong iyon ay ang kilay naman niya ang tumaas. “At kailan ka pa naging tsismoso, Adam?” Ngumisi ito. “Ngayon lang.” She rolled her eyes. “Ayoko  sa tsismoso. Kaya huwag kang matanong.” Sabi niya dahilan para matawa si Adam. Hindi na lang niya ito pinansin at nag-umpisa ng maglakad. Tinahak ni Amber ang daan kung saan niya nakitang dumaan si Archer. Nang mamataan niya ito ay mabilis siyang naglakad patungo rito. Good thing is, kahit na nakasuot siya ng may takong ay nakakapaglakad pa siya ng mabilis at maayos na hindi siya natatapilok. “Hey you!” Tawag ni Amber sa lalaki ng medyo malapit na siya rito. Pero si Archer, tuloy-tuloy pa rin ito sa paglalalad. “Hey, Archer!” Tawag niya sa pangalan ng lalaki. At sa pagkakataong iyon ay huminto si Archer sa paglalakad at lumingon ito sa likod niya. Nginitian niya ito ng magtama ang paningin nilang dalawa. Hinakbang niya ang natitirang distansiya nilang dalawa. “Yes?” Ani ni Archer sa bruskong tinig ng tuluyan siyang nakalapit rito. “Are you free today?” She asked directly. “I want to treat you for saving me the other day.” She continued. “It’s a thank you treat.” Sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon lang din nagyaya si Amber sa ibang tao. “Hindi mo na ako kailangan i-treat para pasalamatan. Thank you is enough.” “But I want too. I want to treat you.” Pilit niya. “So, are you free today?” Hindi nagsalita agad si Archer. Sa halip ay tumitig lang ito sa kanya. Sinalubong naman ni Amber ang titig na pinagkakaloob ng binata sa kanya sa sandaling iyon. “So?” itinaas niya ang isang kilay habang hinihintay na sumagot ito. “I’m sorr— “I’ll take no for the answer. You know?” Putol niya sa anumang sasabihin nito. Napansin naman niya ang bahagyang pagkakasalubong ng mga kilay ni Archer. Mukhang hindi nito nagustuhan ang pagputol niya sa sinabi nito. Pero anong magagawa niya, eh, talagang hindi siya tumatanggap na ‘hindi’ sa mga nais at gusto niya. “No.” “What?” “I’m sorry, but I’m busy right now. And by the way you’re welcome.” Ani Archer bago ito tumalikod at nag-umpisa ng maglakakad paalis sa kanya. What the...hell?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD