Chapter 3

1448 Words
NAGPAKAWALA ng marahang buntong-hininga si Amber ng pagkapasok niya ng dining area sa bahay nila ay hindi niya naabutan ang mga magulang kinaumagahan. Gumising siya ng maaga, nagbabakasakaling maabutan at makasaby niya ang magulang sa almusal.             Mabibilang yata sa kamay ni Amber kung ilang beses niyang nakasabay ang mga magulang sa hapag-kainan. Masyadong abala kasi ang mga ito sa pagpapatakbo ng negosyo nila kaya bihira lang niyang makasabay ang mga itong kumain. Hindi nga niya alam kung anong oras dumadating ang mga magulang niya kagabi. Nakatulog na siyang hindi man lang alam kung dumating ba ang mga ito o hindi? “Kakain ka ba, hija?” Tanong ni Yaya Meding kay Amber no’ng pumasok ito sa may kusina. “Busog pa po ako, Yaya.” Pagsisinungaling na lang ni Amber kahit ang totoo ay nagugutom siya. Hindi kasi siya nakakain kagabi dahil sa paghihintay niya sa mga magulang. Nakatulugan na nga niya na walang laman ang tiyan at sa pag-gising ay kumakalam na iyon. At nawalan na siya ng ganang kumain kahit na gutom siya. Sino ba naman kasi ang gaganaang kumain kung mag-isa ka lang kakain sa malaking dining table nila? Aaminin ni Amber na may tampo siya sa mga magulang. Lumalabas kasi na mas importante sa mga ito ang mga negosyo kaysa sa anak ng mga ito—siya—na nag-iisang anak ni Anton at Aurellia Borromeo. Bihira lang na makasama ni Amber ang mga magulang, mabibilang lang niya sa kanyang kamay iyong araw na nakakasama niya ang mga ito. Kahit nga sa mahahalagang okasyon. Tulad na lang ng Birthday niya—ng mga ito, Christmas at New year. Binibigyan lang siya ng mga magulang ng mamahaling regalo sa mahahalagang okasyon na iyon. Pero hindi naman kailangan ni Amber ang mga iyon, eh, hindi niya kailangan ng mamahaling regalo, hindi niya kailangan ang material na bagay. At tanging gusto niya ay makasama ang mga magulang sa importanteng okasyon na iyon. Kahit isang oras man lang. At madalas na kasama ni Amber sa mahahalagang okasyon na iyon ay si Yaya Meding na mula pagkabata ay Yaya na niya. Kung tutuusin nga ay mas tumatayong magulang niya si Yaya Meding. Mas kilala pa nga siya nito kaysa sa magulang niya. At kung tatanungin niya ang Mama at Papa niya kung ano ang paborito niyang kulay, malamang, walang maisagot ang mga ito. Pero kapag tungkol sa negosyo—malamang maraming masasagot ang magulang. Bata pa lang si Amber ay sabik na siya sa atensiyon ng mga magulang. At dahil do’n ay ginawa niya ang lahat mapansin lang siya ng mga ito.  Nag-aral siyang mabuti para kapag mataas ang mga nakukuha niyang marka ay matuwa ang mga ito. Para maipagmalaki siya ng mga ito.             Akala ni Amber kapag ipinakita niya ang card niya na mayroong matataas na marka ay makuha na niya ang matagal na inaasam. Pero tangi lang sinabi ng magulang sa kanya sa tuwing ipapakita niya ang mataas na marka ay… Good Girl, Amber. Keep it up! Pagkatapos niyon ay ibinalik na ng mga ito ang atensiyon sa pinag-uusapan. As usual, tungkol naman iyon sa negosyo. Kung paano lalago iyon. Seriously? Ang yaman-yaman na ng pamilya ni Amber, saan naman na nila ilalagay ang pera nila? Mukhang hindi effective iyong paraan na ginawa ni Amber para makuha ang atensiyon ng magulang. So, nag-iba siya ng paraan. This time, ay kabaliltaran iyon ng una. Nagbulakbol siya, sinubukan din niyang mag-bully ng mga kapwa niya estudyante. At dahil do’n ay madalas siyang ipatawag sa guidance office at madalas na ipatawag din ang mga magulang niya. Nagtagumpay naman si Amber na makuha ang atensiyon ng mga ito. Dahil sa pagkakataon iyon ay nakasama niya ang mga magulang ng isang araw. Dahil buong araw yata siyang pinagsabihan at pinagalitan  ng mga ito. At hindi niya alintana ang galit ng mga ito sa kanya dahil ang nasa utak niya no’n ay ang pagkakataon na makasama ang mga ito kahit saglit lang. Kaya ipinagpatuloy ni Amber ang pambu-bully niya. Nang may binully na naman siya ay ipinatawag muli ang magulang niya. Pero sa pagkakataong iyon ay ang humarap ay si Yaya Meding na. Hindi na naman kasi nakapunta ang mga magulang dahil busy na naman ang mga ito sa negosyo nila. Mukhang sa umpisa lang effective ang ginawa ni Amber dahil sa huli ay hindi pa rin siya nagtagumpay. At mukhang nakasanayan na ni Amber ang mag-bully, dahil kahit nasa kolehiyo na siya ay nambu-bully  pa rin siya. And how ironic life is? Binansagan siyang Spoiled Brat Princess—na nakukuha ang gusto niya sa isang pitik lang ng kanyang kamay. Pero hindi alam ng nakakakilala sa tunay na Amber ay may mga bagay na hindi niya makuha-kuha. At iyon ay ang oras at atensiyon ng magulang. Kaya sa ibang bagay na lang bumabawi si Amber. Kaya kapag may gusto siya ay sinisiguro niyang makukuha na iyon. At nakukuha naman niya ang gusto niya. Kaya nga siya binansagang Spoiled Brat Princess ng De Bellaroca University. “Anong busog ka pa?” Mukhang hindi naniwala si Yaya Meding sa sinabi niya. “Nakatulugan mo na ngang walang laman iyang tiyan mo.” “Sa Clubhouse na lang po ako kakain, Yaya Meding.” Sabi ni Amber sa matanda. “At ano ang gagawin mo sa clubhouse ng ganito kaaga?” Tanong ni Yaya Meding. Napanguso si Amber. “Magsu-swimming po.” “Magsu-swimming ka eh, meron naman swimming pool sa bahay niyo?” “Mas gusto kong magswimming sa clubhouse, `Ya.” Wala nang nagawa si Yaya Meding kundi tumango. Si Amber naman ay umakyat na sa taas upang magtungo sa kwarto niya upang i-prepara ang kakailanganin niya sa pagsu-swimming. Isinuot na niya ang ang kulay itim na two piece at pinatungan lang niya iyon ng short-short at puting sleeveless. Nang okay na ang lahat ay isinukbit na niya ang bodybag sa kanyang balikat at tuluyan ng lumabas ng kwarto. Dire-deretso siya sa paglabas ng bahay hanggang sa makasakay siya sa kanyang kotse. Hindi naman nagtagal ay nakarating na si Amber sa clubhouse. Walang ibang tao sa gawi ng swimming pool ng makarating siya roon. At mas okay iyon kay Amber. Because right now, she want to be alone. Dumiretso si Amber sa comfort room ng nasabing clubhouse upang tanggalin ang mga damit. Pagkatapos niyon ay lumabas na siya. Nag-dive agad si Amber sa tubig. Hindi niya alintana ang lamig na bumalot sa buo niyang katawan no’ng nag-dive siya. Nagpabalik-balik siya sa paglangoy. Naka-tatlong balik pa siya ng maramdamang niya ang pagkirot ng mga binti. Sinubukan niyang lumangoy papunta sa gilid ng pool pero hindi niya magawa. “God!” Sambit niya ng hindi na niya maigalaw ang mga binti niya.  Lulubog at lilitaw ang ulo niya sa tubig. Nakakalunok na rin siya ng tubig galing sa pool. She coughed. Ipinikit na lang ni Amber ang mga mata ng unti-unti na siyang lumulubog sa tubig. Akala ni Amber ay katapusan na niya sa sandaling iyon pero mayamaya ay naramdaman niya ang may humawak sa kanya at tinulungan umahon. Wala na siyang lakas upang imulat ang mga mata niya dahil nanghihina na siya. Narinig ni Amber ang sunod-sunod na pagmumura ng taong sumagip sa kanya. “Hey, wake up.” Narinig niyang wika nito sabay yugyog sa braso niya. “Damn!” Mura ulit nito. Mayamaya naramdaman niya ang kamay nito sa ibabaw ng dibdib niya. Naramdaman din ni Amber ang mainit na bibig nito sa bibig niya. Giving her a mouth to mouth resuscitation. Paulit-ulit iyon na ginagawa ng isang estranghero hanggang sa mapaubo siya at naibuga niya iyong tubig na nainom niya kanina. “Thank god!” Bulalas ng estrangherong tumulong sa kanya. Naramdaman din niya ang pang-angat ng ulo niya at ang paghaplos nito sa likod niya habang patuloy pa rin siya sa pag-ubo. Nang medyo okay na ang pakiramdam ni Amber ay iminulat niya ang mata at unang tumambad sa kanya ang kulay itim na pares ng mata ng lalaki. Mababakas ang pag-alala sa mata nito habang nakatunghay iyon sa kanya. Pamilyar kay Amber ang mukha ng lalaking kaharap pero wala siyang oras para isipin kung kailan at kung saan niya ito nakita dahil ang atensiyon niya ay nanatiling nasa mukha nito. Parang may magnetikong humihila kay Amber para titigan ang lalaki. Dahil ang atensiyon ay nanatili rito ay hindi napansin ni Amber na buhat-buhat na pala siya nito in bridal position. At habang buhat-buhat siya nito ay nakatingin lang siya sa mukha nitong seryoso. Pamilyar talaga ang mukha ng lalaki sa kanya. At habang tumatagal na tinititigan ni Amber ang lalaki ay do’n naging malinaw sa kanya kung bakit pamilyar ang mukha nito. Ang lalaki pa lang buhat-buhat siya sa sandaling iyon at ang lalaking na-engkwentro niya sa Cafeteria ng Unibersidad nila ay iisa! Ang pinagkaibahan lang, ang lalaking naka-engkwentro niya noon ay aroganteng tingnan. Samantalang ang lalaking buhat-buhat siya ngayon ay seryosong tingnan. And Amber couldn’t explain what she felt right now habang nakatitig siya sa gwapo at sa seryosong mukha ng lalaki...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD