Chapter 2

1337 Words
PALABAS na si Amber sa classroom nila ng mapahinto siya ng marinig niyang tumunog ang cellphone niya. Tapos na ang huling klase nila sa umagang iyon at papunta sana siya sa Cafeteria upang kumain ng lunch. Kinuha niya ang cellphone sa loob ng bag at tingnan kung sino ang caller. Napakunot ang noo niya ng makitang ang pinsang si Adam ang tumatawag sa kanya. “Ano namang gusot ang pinasukan mo, Adam?” Bungad na tanong ni Amber kay Adam ng sagutin niya ang tawag nito. Alam kasi niyang hindi ito tatawag sa kanya kung wala itong problema. At alam niya ang dahilan kung bakit ito tumawag sa kanya. Kailangan na naman nito ang tulong niya upang malampasan ang gusot na pinasukan naman nito. What’s new? Napapailing na ipinagpatuloy ni Amber ang paglalakad habang kausap pa rin niya ang pinsan. Adam Baltazar was her first cousin. Anak ito ng Tita Grace niya na nakakabatang kapatid ng Mama Aurellia niya. Sa lahat ng pinsan ni Amber ay kay Adam siya pinakamalapit. Ito lang ang nakakatagal sa masungit na pag-uugali niya. At ito lang din ang tanging naglalakas loob na lapitan siya sa eskwelahan nila. Wala kasing gustong lumapit o makipagkaibigan sa kanya dahil sa ugali niya. At walang pakialam si Amber kung walang gustong makipaglapit o makipagkaibigan sa kanya—ayaw din naman ni Amber, ayaw niyang makipagkaibigan sa iba dahil hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa mga isip ng mga ito. Baka mamaya may ulterior motive pa ang mga ito kung bakit nais ng mga ito na makipagkaibigan sa kanya. Kaya sa apat na taon na pag-aaral ni Amber sa DBU ay wala siyang kaibigan. Tanging ang pinsan na si Adan lang ang maituturing niyang kaibigan sa DBU—do’n din kasi nag-aaral si Adam, magkaiba lang sila ng kursong kinukuha. Kung siya ay Interior Design at pinsan naman niyang si Adam ay isang Architecture. He heard Adam chuckled over the phone. “Hello, my dear, beautiful cousin.” Bati ng pinsan sa halip na sagutin nito ang tanong niya. “Good morning sa’yo.”  Dagdag pa na wika nito. She mentally rolled her eyes. “What’s good in the morning, Adam? And for your information, it’s not morning anymore. It’s already noon.” Masungit na wika niya pagkatapos niyang sulyapan ang relong pambisig upang tingnan kung ano ang oras na. “Oh? It’s noon already?” Ani ni Adam sa natatawang tinig. “Akala ko alas diyes lang.” “Gusto mo bigyan kita ng relo?” Nakataas ang isang kilay na wika niya. Inilipat din niya sa kabilang tainga ang cellphone na hawak. “Oh, sure! I love that!” Masiglang wika nito. “I want an expensive one.” She smirked. “Sure. Tomorrow, I give you an alarm clock instead.” Narinig niya muli niya ang mahinang pagtawa nito. “You’re really funny.” She snorted. “I’m not clown!” “Of course your not clown. Because you’re, Amber—the spoiled brat princess, remember?” Sabi nito na binuntutan nito ng tawa na tila iniinis siya nito. Si Adam ang nagbigay impormasyon sa kanya tungkol sa ‘The Bellarocan Files.’ Ito ang nagsabi sa kanya na isa siya sa sampung binansagan na Girls Meanistry sa Unibersidad nila. At madalas iyon ang ginagawang pang-inis ni Adam. Sikat na sikat daw sila—siya dahil sa masamang ugali nila. At dahil madaling mapikon si Amber ay mabilis siyang naiinis kay Adam. At dahil naiinis siya rito sa sandaling iyon ay pinatayaan niya ito ng hindi man lang nagpapaalam. Bahala ka sa buhay mo! Muling tumunog ang cellphone niya at kahit hindi niya tingnan kung sino ang tumatawag sa kanya ay alam niyang si Adam iyon. At dahil hindi pa humuhupa ang inis na nararamdaman niya sa pinsan ay hindi niya sinagot ang tawag nito. Ilang beses na tumunog ang cellphone niya pero nagmatigas siyang huwag sagutin iyon. Hinayaan lang niyang tumunog iyon hanggang sa tumigil din ito sa pagtawag sa kanya. At kapag nakita niya ang ugok na pinsan ay iuuntog niya ito sa semento sa inis na nararamdaman para rito. Hindi naman nagtagal ay nakarating si Amber sa Cafeteria ng School nila. Dumeretso siya sa harap ng counter ng cafeteria at nilagpasan ang mga nakapila roon. “One spaghetti and one cinnamon bread.” Pagkakasabi niya sa cashier sa order niya. “Excuse me, Miss.” Narinig niyang wika ng nasa likuran niya. “May nauna sa`yo. Baka gusto mo ring pumila sa likod?” anito, “Mahiya ka naman sa mga naunang pumila sa`yo.” Blanko ang ekspresiyon ng mukha niya ng tumingin siya sa kanyang likod. Namutla ang mukha ng babae ng makita at makilala siya nito. Pamilyar sa kanya ang mukha ng babae. Kung hindi siya nagkakamali ay ka-department niya ito. Pero hindi niya alam kung ano pangalan nito. At wala siyang oras upang alamin pa. It’s just waste of her precious time. “May sinasabi ka?” Malamig na tugon niya. Mabilis na umiling ang babaeng kaharap. “W-wala po.” Tinasaan lang niya ito ng isang kilay bago niya inalis ang tingin rito. “Where’s my order?” Tanong niya agad sa Cashier ng balingan niya ito. Mabilis namang kumilos ang babae na kunin ang in-order niya. Nang ibigay nito ang order niya ay agad niyang binayadan iyon. Hindi na siya nag-abalang kunin pa ang sukli niya. Bitbit ang tray na naghanap siya ng mesa. Nagpalinga-linga siya hanggang sa makakita siya ng magandang pwestuhan. Tinahak niya ang papunta roon. Pero bago pa siya makarating do’n ay naunahan na siya ng isang matangkad na lalaki dahilan para magsalubong ang mga kilay niya. Tumikhim si Amber ng sa wakas ay nakalapit siya. “Excuse me.” Pagkuha ni Amber sa atensiyon ng lalaki. Nag-angat naman ito ng tingin. “Yes?” the guy said in baritone voice. Sandaling napatigil si Amber ng marinig niya ang baritonong boses ng lalaki. At aaminin niya maganda ang boses nito. Buong-buo. At tila siya nakikinig ng isang musika ng magsalita ito. Hindi lang iyon, napukaw din ng lalaki ang atensiyon niya sa hitsura nito. The guy infront of her is good looking. Mula sa makakapal na kilay nito, sa itim na mga mata nito, sa matangos na ilong nito at sa mapupulang labi nito. What with this guy? “Loving the view?” Parang may malamig na tubig na nagbuhos sa ulo ni Amber ng magsalita ito. Nakita din niya ang pag-ngisi ng lalaki ng muling magtama ang paningin nila. Nang mahismasmasan ay nag-isang linya ang kilay niya. “What did you say?” Mataray na wika ni Amber rito. Sumandal ang lalaki sa kinauupuan nito. “Nothing.” Sabi nito pero may ngisi naman ito sa labi. “Ano pala kailangan mo sa `kin?” Mayamaya ay tanong nito. Hindi pa rin nawawala ang pagkakasalubong ng mga kilay ni Amber. “That’s my table.” Walang kangingiti na wika niya. Tumaas ang isang kilay ng lalaki. Pero sa halip na makabawas sa ka-gwapuhan nito iyon ay nakadagdag pa. Possible pala ang bagay na iyon. “Your table?” Balik tanong nito. “You heard me right? At hindi ko na kailangan ulitin kung ano ang sinabi ko.” Mataray pa rin na wika niya. “Fierce.” Hindi na lang niya pinansin ang sinabi nito. Sa halip ay inilapag niya ang hawak na tray sa mesa. At umupo siya katapat nito. “Ayokong may katabi habang kumakain. Lumipat ka na ng ibang upuan.” She motioned her hands to shoved him away. “Kung gusto mo ay ikaw ang lumipat.” Nag-angat siya ng tingin.  “Anong sinabi mo?” “Alam kung narinig mo ang sinabi ko. Pero sige, para sa ikakasiya mo, uulitin ko. Ikaw ang lumipat ng pwesto.” “Jerk!” She hissed. “At least gwapo.” “Mayabang!” “At least macho.” “Hambog!” “At least cute.” Sinamaan niya ito ng tingin pero hindi tulad ng ibang nakakakilala sa kanya bilang isang Mean Girl ng DBU ay tila hindi nito alintana ang tingin na ipinagkakaloob nito sa kanya.  Tinaasan pa nga siya nito ng isang kilay na para bang hinahamon siya. At dahil hindi pa rin nawawala ang pagkapikon ni Amber sandaling iyon ay tumayo siya sa mula sa pagkakaupo niya. “You are f*****g asshole.” Nanggigil na mura niya rito, napansin pa niya ang pag-asim ng mukha nito pagkatapos niyang murahin ito. Isang matalim na tingin ang pinagkaloob niya sa lalaki bago siya nag-walk out. Hindi na rin niya kinuha ang in-order niyang pagkain. Bahala na ito roon! Kung gusto nito ay kainin na lang nito iyon o mas maganda kung isaksak na lang nito iyon sa baga nito! Nakakainis!  “Pikon.” Arrgh! You f*****g s**t! May araw ka din sa’kin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD