HUMINGA ng malalim si Amber bago niya napagpasyahan na lumabas ng kotse. Ngayon araw ang makikipagkita siya kay Nikki. Hindi alam ni Nikki na siya ang ka-meeting nito. Hindi niya sinabi rito na dahil baka hindi ito makipagkita sa kanya. Masasayang pa ang plano niyang makipag-usap rito at baka hindi pa siya makahingi ng tawad. Naglakad na siya papasok sa Mugz Coffee Shop—ang lugar kung saan ang meeting place nila. Pagkapasok ay agad niyang inilibot ang tingin upang hanapin si Nikki. Hanggang sa mapatigil ang tingin niya sa babaeng nakatalikod at nakaupo sa sulok ng nasabing establishemento. Bumuntong-hininga muli siya at nagsimulang maglakad palapit rito. “I’m sorry if I am bit late.” Hingi niya ng paunmanhin ng makalapit siya ng tuluyan rito. Nag-ang

