Two years later… NANATILING nakatitig si Amber sa hawak na files na naglalaman ng profiles ng bagong kliyente ng Designs—ang kompanyang pinamamahalan niya. It was Nikki Arevallo—ang bagong kiliyente ng Designs. Nang malaman ni Amber na magiging kliyente ng Designs ang babae ay nag-volunteer siya na mag-asikaso rito. Prenesenta niya ang sarili na maging Interior Designer sa bahay nito dahil gusto niya itong makausap at para na rin makahingi ng tawad rito sa naging kasalanan niya dalawang taon na ang nakakaraan. Dalawang taon na ang nakakalipas simula noong huling nagkita at nagkausap sila ni Nikki noon. Simula kasi noong nalaman ni Nikki ang totoo kung bakit niligawan ito ng pinsan niyang si Adam ay bigla na lang itong naglaho sa DBU. Nabalitaan na lang ni Amber kay Adam na um

