RANNE P.OV. Natatanaw ko na ang arko ng Sual subalit hindi pa rin kami nagkikiboan ni Octavo. Para kaming mga enggot na iniiwasan ang bawat isa. Nakaupo lang naman kami pareho sa may gilid ng kanya-kanyang bintana. May sayad 'ata ang lalaking katabi ko? Hindi ko tuloy maiwasan na mapaisip kung tama ba ang desisyon ko sa hayaan siyang makapasok sa aking buhay? Bakit ko ba kasi naisip na payagan siyang hagkan, halikan at lambingin ako kapag kami lang? Tanga, 'yang puso mo ang may pakana, sabi ng maliit na tinig sa utak ko. Naparami pa naman akong nalaman na mga bagay sa kanya. Maging ang mga chismis na nababasa ko sa news at sa social media. At marami doon ay mga negatibo. Subalit ano pa nga ba ang maaasahan mo? Mas madalas ay fake news ang nandoroon. Mga maling pahayag na hindi nam

