PROLOGUE
"Pwede ba, pakiblisan ninyo naman! Maya-maya'y parating na siya!" pabulyaw ngunit kinakabahan niyang wika sa anim niyang kaibigan, at napailing dahil hindi pa rin ng mga ito maayos-ayos ilatag ang mga kandila sa gilid ng foot bridge, maging ang mesa na nasa may dulo nito ay wala pa din kaayos-ayos.
Ngayon ang araw na yayayain niyang magpakasal ang kasintahang si Yanie, ang babaeng nais niyang makasama habang buhay. Kaya naman tinawagan niya ang anim na kolokoy para tulungan siyang supresahin ito sa kanyang isla.
"Maghintay ka! hindi naman kasi kami mga Event Officer!" pabulyaw na sagot ni Zach, habang inaayos ang pagkakatali ng mga bulaklak sa gilid ng foot bridge.
"Dapat kasi sa hotel na lang ni Jason mo ginanap at hindi dito. 'Di sana'y may libreng event staff na mag-aayos nang lahat. Ano ba ang alam namin sa foot bridge at table arrangement?" inis na reklamo ni Maximo, at tinignan siya ng masama.
"Hey, 'wag nga kayong reklamador. Syempre mga kaibigan niya tayo, kaya supportive tayo!" sabi ni Roch sa kanila.
"Ang yaman-yaman, tapos tayo ang alipinin!" sabi ni Paris, na panay ang sindi sa mga kandilang nakalatag sa may foot bridge.
"Kung makaangal kayo parang hindi tayo binayaran! Ayosin na natin ito nang matapos na, at nang makapambabae na tayo!" sabi ni Gior, at inaayos ang pagkakahelera ng mga kandila. "Hindi ko alam kung duling kayo or tamad lang talaga. Hindi straight ang linya ng kandila." dagdag na puna nito.
"Ikaw ang enggot, Gior! Kasi design iyan, style kung ika nga. Masyado ka kasing straight kaya hindi mo na alam ang sinasabi artistry!" banat ni Jason sa kaibigan.
Halos dalawang oras din nilang naayos ang lahat. Tamang-tama naman nang dumating na si Yanie ay magtatakip silim na. Nababanaag na ang sinag na mula sa apoy ng mga sinindihang kandila.
Nakangiti na hinawakan ni Octavo ang kamay ng kasintahan. At nang tanongin siya ni Yanie kung ano mayroon ay hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa.
He immediately went kneel on one knee. "Baby, can you let me be with you forever? Will you marry me?" nakangiti niyang tanong sa kasintahan.
Napaiyak si Yanie sa narinig. "Of course, I will... I will marry you!"
Agad niyang inilagay ang singsing sa kamay ng dalaga saka siniil ito ng isang maalab na hallik.
Halos maghiyawan ang kanyang mga sutil na kaibigan saka pilyo silang tinukso. Subalit hinayaaan din sila ng mga ito na makapagsarilinan.
Nang gabing iyon, makailang beses niyang inangkin ang kasintahin.
At dahil pareho silang may sinasabi sa lipunan ay mabilis na kumalat ang balita ng kanilang engagement.
Sobrang saya at balisa ang kanilang mga magulang sa napipinto nilang pagpapakasal. Halos nag-hired pa ang mga ito ng mga tanyang na fashion designers at wedding planner at events coordinator para asikasuhin lang ang nalalapit na kasal.
Pagkalipas ng tatlong buwan ay nakahanda na ang lahat pati ang simbahan na pagdadaraosan.
Subrang lutang si Octavo sa saya na nadarama. Lalo na nang bisperas ng kanyang kasal.
Nag organize pa ang mga kolokoy niyang kaibigan ng stag party para sa kanya subalit wala din ibang dumalo kundi sila-sila lang din.
At kinabukasan sa mismong araw ng kanilang kasal ay matiyaga niyang hinintay ang kasintahan.
Subalit magsisimula na ang kasal ay walang Yanie na dumating. Tinawagan niya ang kasintahan subalit nakapatay ang phone nito.
Pinagpapawisan siya ng malamig at sinimulang kinabahan nang makita niyang biglang dumating si Tita Evelyn niya, ang ina ni Yanie. Balisa ito at namumutla habang kinakausap ng ina.
"How can she do this?!" dinig niyang sabi ng kanyang ina, at mukhang galit na galit ito.
Kaya napalapit siya sa mga ito. "Ma, Tita, what's wrong?" kinakabahan niyang wika, at tinignan ang inang galit na galit. "Why are you so angry, Ma?"
"How could I not? Hindi makakarating si Yanie. Hindi na matutuloy ang kasal," galit na sagot ng ina niya, at hinilot ang sentido.
"Wait... Ma, let Tita Eve explain. I'm sure may sapat na dahilan si Yanie," giit niyang sabi, at bumaling sa ina ng kasintahan. "May nangyari ba, Tita? Sumama ba ang pakiramdam niya uli? Don't worry, I will just reschedule our wedding. Mas mahalaga ang kalagayan niya kesa sa kasal namin."
"I'm sorry, Iho, but that's not what happened," sagot ni Evelyn, at agad na binigay ang sulat sa kanya. "Here, may iniwan siyang sulat para sa 'yo."
Kinakabahan man ay agad niyang tinanggap ang sulat at agad na binuksan. At habang tahimik na binabasa ang sulat kamay ng kasintahan ay biglang nanubig ang mata.
Ni hindi niya naisip na hindi siya sisiputin ng babaeng pinakakamahal niya sa araw ng kanilang kasal.
Agad na nagbubulong-bulongan at nagsipagbigay ng haka-haka ang mga taong nandoroon.
At dahil naalarma ang mga kaibigan niya ay lumapit ang mga ito sa kanya para alamin ang nangyayayari.
Matapos basahin ni Octavo ang sulat ay huminga siya ng malalim at maayos na tinupi ito. "May alam ho ba kayo tungkol dito, Tita Eve? Mahal na mahal ko siya, Tita. Hindi pa ba iyon sapat? Hindi ba ako sapat sa kanya?" mariing at naluluha niyang tanong sa ina ng kasintahan.
"I have no idea, Ivo. Wala kaming kaalam-alam," nahihiyang wika ni Evelyn. "Humihingi ako ng dispensa sa ginawa niya sa 'yo."
Hindi makapaniwalang tinignan ni Leonila, ang kaibigan at kumare. "Dispensa? Evelyn, inilagay ng anak mo sa kahihiyan ang anak ko, sa palagay mo ba'y sapat na ang paghingi ng depensa? This is so disgracing and humiliating for us! Ano na lang ang sasabihin ng mga tao! My goodness! She could have back out sooner, hindi 'yon sa araw ng kasal nila mismo! She could have been save us all from humiliation!"
Halos mawasak ang puso ni Octavo sa araw na iyon. Hindi siya makapaniwala na magagawa siyang hindi siputin ng kasintahan. Na nakipagtanan ito sa iba.
Wala sa sarili ay agad na dumiretso siya sa bar na pagmamay-ari ng ina. Kasama ang kanyang mga kaibigan. At nilunod niya ang sarili sa kalasingan.
Baka sakali malimutan niya man lang ang salawahan niyang kasintahan.
Gusto niyang makalimot at kalimotan ang araw na 'yon. Hindi niya kasi alam kung saan ba siya nagkulang? Sa paglalaan ba ng oras? Sa pagpaparamdam ba? Sa pagiging submissive ba? Sa panunuyo ba? Sa pagbigay ba ng mamahaling regalo? Subalit lahat naman ay ginawa niya.
For eight years, he was a very dutiful and loving boyfriend. Kaya pilit niyang kinakalkal sa utak niya kung saan ba siya nagkulang? At bakit hindi pa din siya sapat para sa kasintahan.
Napapahiyaw siya habang umiiyak. "Lahat naman ginawa ko! Bakit iniwan niya pa rin ako?"
"Wala kang pagkukulang, sadyang hindi lang siya marunong makuntento," madiing wika ni Jason, at tinapik ang kanyang balikat. "Look, madami pang babae. Don't cage yourself with her. Hindi siya karapat-dapat!"
"Tama ka, hindi siya karapat-dapat! Hindi sila dapat mahalin at paglaanan ng oras! I hate you, Yanie! I hate the likes of you!"pasigaw niyang wika, at ipinangako sa sarili na kailanman hindi na muli magpapaloko sa mga babae.