Napatingin siya sa salamin at matiyagang pinagmasdan ang kabuuhan niya. Tanging bra at bikini lang ang suot niya kaya kitang-kita ang magandang hubog ng kanyang katawan. At kung sino man ang makakita sa kanya ay sasabihin na sayang ang kanyang kurba dahil itinatago niya lang. Napaisip siya tuloy kung hanggang kailan niya kaya maitatago ang nakakubling alindog niya sa ilalim ng patong-patong na damit. Subalit kailangan niyang panindigan ang kanyang desisyon. Kung boses lang at kilos ay kaya niyang linlangin ang kanilang masungit na amo. Kayang-kaya niyang ibahin ang kanyang boses at gayahin ang boses ng ilang sikat na singer at artista. Naalala niya nga nang elementarya pa siya ay lagi siyang nanalo sa paligsahan lalo na sa pag-awit. Kayang-kaya niyang umawit ng dalawang boses ang g

